Nanlambot ako sa pamamaraan ng pagtitig niya, para bang nilalamon ako ng kanyang kulay abo na mga mata.

Ako na ang naglakas ng loob na umiwas ng tingin.

Counselor Socrates discussed the Harvesting. Not like the kind in farming but a gathering of princesses who wants to be chosen as the brides for the Hanselions.

In short, makakapili ang Hanselions kung alin bulaklak ang aanihin nila.

Sa dami ba naman mga prinsesa na nagboluntaryo, may iba pa nga na nanggaling pa sa ibang bansa. They even have an option to pick more than one bride. Pwede silang magkaroon ng isa hanggang limang asawa.

Knowing Zach, he'd probably have more than five. Tyler can have five wives if he wanted, there are princesses after all who are willing to throw themselves at him.

Nilinga ko ang ibang mga District Royals na kasama rin sa kanilang lamesa. May mga katabi rin ang Hanselions at Trinity na mga prinsesa at prinsipe. No wonder why they have long tables.

"Oh, no! Natapon ang juice!" Napaatras si Tyler at Princess Marguerite sa upuan nila bago siya sumenyas sa akin. "Maid Charlotte, pakilinis ng kalat dito!" Utos ng prinsesa.

Napatingin sa akin si Tyler nang naglakad ako papalapit sa kanila at lumuhod sa sahig. Nilinis ko ang kumalat na juice gamit ng dala kong basahan.

"Ako na maglilinis." Alok ni Tyler.

"Prince Tydeus! Let the maid work! You're a prince, you shouldn't be touching dirty rags!" Pinigilan siya ni Princess Marguerite na abutin ang kamay ko.

"It's fine." Sabi ko para matahimik na sila. I'm just doing my job. I can't be bothered by someone else's sentiments.

Nang malinis ko ang juice, umalis na ko sa kanilang pwesto at bumalik sa pwesto ko. Tiningnan ako ng tatlo kong kasama na maid, nag-aabang siguro ng machichika sa akin.

Nang matapos ang umagahan ng mga Royals, niligpit namin ang pinagkainan nila. Bumalik sila sa kani-kanilang mga kwarto, leisure room, trabaho, kung ano man ang ginagawa nila.

Ang huling tumayo ay si Tyler. Lumingon siya sa direksyon ko, nakatayo lang siya na para bang may gusto siyang sabihin sa akin.

Naglaho rin ito nang hinawakan ni Princess Marguerite ang kamay niya. "Prince Tydeus! Let's go! They're going to play crochet!" hinila na siya palabas ng Dining Hall hanggang sa maglaho sila.

"May galit yata sa'yo 'yung Princess Marguerite." Bulong ni Bayley, pinagpapatong-patong ang mga plato sa tray na dala niya.

"Bakit naman? Mabait naman si Charlotte, ah." Komento ni Parsley, nilalagay ang mga baso sa serving cart.

"Napapansin kasi ng ibang Royals na may favoritism ang Hanselions sa'yo." Tugon ni Oregano, inaareglo ang mga silya. "Sinayawan ka pa naman ni Prince Tydeus sa dance floor kagabi. Sino ba naman prinsesa ang hindi maiinggit?"

"Ako nainggit." Sabi ni Bayley.

"Ako rin." Dugtong pa ni Parsley.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Magalit siya. Anong magagawa niya? Magkalat ng juice?" Sarkastik kong sagot sabay dampot ng pagkain na hindi nagalaw at nilagay sa ilalim ng serving cart.

Tumawa ang tatlo na siyang nilingunan ni Bernard sa may pinto at natahimik din sila.

***

Lumipas ang oras ng pag-vacuum at mop sa sahig ng pasilyo sa palasyo kung saan may naglalakihan mga bintana sa gilid kung saan matatanaw ang palace garden at gazebo. 

Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon