Mind's POV
Kasalukuyan akong kumakain ng paborito kong pagkain at natatanaw ko na yung best friend kong si Earn napakaganda ng pangalan no. Maganda rin to like me hihi.
“Hoy ang tagal tagal mo talaga kainis ka”
Inis na Saad ko sa Best friend kong si Earn.
“Sorry na girl, may pogi kasi dun eh hehe”
“Tara na girl mahuhuli na naman tayo, ayoko na pagalitan ni Ms. Macatanga”
Saad ko dito.
Hinila naman agad ako nito ayun pinagtitinginan na naman kami ng mga Tao dito. Ganun siguro pag maganda no chos.
Model Kasi tong so Earn eh kaya siguro ganun.
Anyways ako nga pala yung Future mo charot. Ako nga pala si Mind yeah what's on your mind! Chos. Hindi ko alam kung saan napulot ni mother yung pangalan ko o baka sa Facebook siguro. Mind Monasteryo 18 years old and I'm single and ready to mingle! Chos study first talaga ako eh pero ang daming pogi talaga pero Isa lang Ang Bebe ko na Hindi ako Bebe okay lang Hindi naman masakit eh. Siya lang naman si Kyle Hans Ortaleza diba pangalan pa lang makalaglag panty na o ako lang yun. Kaya Lang feeling kinda bakla siya, ewan feeling ko lang. Wala kasi akong nababalitaan na may nililigawan siya o baka private yun. Baka naman lalake gusto niya, myghad o sadyang Torpe lang siya.
“Uy lutang ka girl?”
Saad ni Earn.
Ngayon ko lang napagtanto na nasa loob na pala kami ng room, ganun ko ba siya kamahal para isipin yun. Aish ang lutang ko nga naco- conscious kasi ako nakatingin na naman kasi siya sa akin kainis anong trip niya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.
“Uy ayos ka lang?”
Tanong naman nung seatmate ko.
“Girl kasi tong si Hans tingin ng tingin”
Saad ko parang hindi pa ata maniniwala.
“Ayieee baka crush ka”
Siniko naman ako nito Ang harot girl ha.
Umiwas na lang ako at nakinig kay Ms. Macatanga kahit walang pumapasok sa utak ko myghad girl.
“Hans Pakisagutan ang equation sa board”.
Saad naman ni Ms. Macatanga.
Agad naman itong tumayo at pumunta sa harapan, tumingin muna Ito sa gawi ko. Ano bang meron kanina pa yan dapat na ba akong kiligin? Chos.
“What's on your Mind, Mind”
Agad naman akong napaayos ng upo ng magsalita si Ms. Macatanga, patay na baka mapalayas ako sa room.
“Po?”
Nagtawanan naman yung mga kaklase ko ganun rin si Hans shit ang pogi niya. Anong meron ano ba yan, bat kasi ang lutang ko.
“What's On your Mind? Kadali Dali ng tanong ko sayo hindi mo masagot!”
Saad naman ni Ms. Macatanga.
“Ah eh a-ano po y-yung l-lesson po ang hirap po kasi hehe”.
“Okay, akala ko kasi si Hans ang nasa isip mo!”
Saad ni Ms. Macatanga.
Nagtilian naman yung mga kaklase ko ano ba yan, kinikilig ako ma'am kainis ka. Hala Ang harot ko girl nakakaloka.
“Ms. Grabe ka po!”
Saad ko.
“I hope matuloy na ang istorya niyo, good bye”
Paalam naman ni Ms. Macatanga.
“Hanu daw? Sa Wattpad ba yung sinabi ni Ms. Macatanga?”
Tanong ko Kay Earn.
Tatayo na sana ako ng biglang tumingin si Hans tae ano bang meron sa pretty face ko. Aish at ngayon papunta na siya sa gawi ko ano ba yan feeling ko mahihimatay ako aish.
“A-Ah A-Ano pa-para sayo pala”
Nagulat naman ako dito may pautal taray chos. Ayun na nga inabutan niya lang naman ako ng pabulaklak Ang taray no.
“Huh, ho-”
Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi biglang umalis, bastusan no. Kakaloka pero feeling ko crush niya ako whaaaa. I can't breathe charot.
“Girl Tara canteen!”
Aya Naman ni Earn.
“Libre mo ba?”
“Oo naman hindi mo nga ako nililibre”
“Wala akong pera girl! Kaya Tara na”
Lumabas na kami ng room at kitang kita ko si Hans jusko, nakatingin na naman sa akin inaano ko ba to.
“Wait lang girl ah”
“Hoy Sabi mo lilibre mo ako”
Saad ni Earn.
Hindi ko na siya pinansin hinanap ko si Hans at andun siya sa may puno take note nakatingin siya sakin. Hahaha lagot ka sakin girl ayun nilapitan ko na siya paatras naman siya ng atras. Hanggang sa nacorner ko siya. Hindi siya makatingin sa akin sa baba lang Ang tingin.
“Hoy! Ako ba pinagloloko mo!”
“H-Ha? A-Anong Sabi mo?”
Nauutal na saad nito.
“Pagkatapos mo akong bigyan ng bulaklak tas ano iiwan mo ko dun ha! Tama ba yun?”
Saad ko Kay Hans ngayon nakatingin na rin siya sa akin.
“N-Nahihiya kasi ako”
“So ganun! Ang Torpe mo naman crush”
Saad ko namula naman ito ang pogi mo pa rin talaga kainis.
“A-Ang l-lapit mo naman”
Napatingin naman ako at oo nga sobrang lapit ko nga to the point na mahahalikan ko na to. Lumayo naman ako ano ba yan.
“S-Sorry”
“Ah Yung kanina pala gusto kita matagal na Hindi ko lang masabi kasi nahihiya ako kaya tinitingnan na lang kita”
Sabi ko na nga ba gusto rin ako nito ohmayghad. Oras na para umamin.
“Don't worry gusto rin kita hehe”
Lumiwanag naman yung mukha niya at namumula na sa kilig ata oo dun nga.
“H-Hindi muna kita liligawan kasi alam Kong study first ka eh”
Tumango naman ako bilang sagot Wala kasing lumalabas sa bibig ko.
“Sige, iintayin din kita at least na amin mo na, na gusto mo ako hihi”
Saad ko inakbayan ko naman siya nagulat pa siya eh namula na naman jusko.
Ayun ilang years din ang lumipas nakapag tapos na rin ako ng pag aaral, at guess what naging kami na ni Hans pagkatapos nga pala nung eksena sa cafeteria hindi na niya ako pinakawalan. At nagbabalak na kaming magpakasal Ang taray no! So ayun hanggang dito na lang tawag na ako Ng Future husband ko mwuah!.
The End..
A/N:
Thank you so much sa mga nagbasa God bless you all. Vote na rin kayo, and thank you again and again.Love lots:>
