"yeah di ka rin makapaniwala noh? as of me ganyan din ako nung malaman ko yan basta i really can't believe na ang isang matipuno at may malaadonis na mukha eh kauri natin -_-" 

Tumango lang din sya para sumang-ayon sa sinabi ko, at kwinento ko nga sakanya pasimula pa sa unang pagdating nila sa bahay hanggang sa nangyari kahapon tawa lang sya ng tawa habang nagkwekwento ako saya ni girl eh kulang na lang pagulungin sa kalsada ng masagasaan na eh kay ang sama kong bespren. 

"sus kaya ka ba ngtatanong kung lesbian ka dahil lang dun?? well di kita masisisi kung talagang sa kabila ng pagiging girlalu nya eh nabihag ka pa rin sa charisma nya ay  teh willing akong maging lesbian kapag ganyan kasi by nature lalaki pa din yan kaya go go go lang Collene i'll support you okay wag ka ng mag-isip kung talagang mahal mo na sya why not take the risk wala namang mawawala kung susubukan mo eh tutal single ka naman at mukhang single din sya ikaw din teh baka magsisi ka sa bandang huli at least kung sinubukan mo wala kang pagsisisihan dahil hindi mo nagawa ang dapat mong gawin malay mo ikaw na pala ang hanap nya para mabalik mo sya sa dating anyo nya hahaha anyway girl di mo pa rin ba nasasabi sakanya yung totoong ikaw? i mean na nagbababalatkayo ka lang?"

umiling lang ako sa tanong nyang yun

"what?? halos mag-iisang linggo na sya sainyo hanggang ngayon di mo pa nasasabi sakanya ang totoo?? my god ka teh bakit pinaabot mo pa ng matagal?? eh kung tutuusin pwede ka ng lumantad tsaka i'm sure maiintindihan ka ng tita Laice mo pag nagkataon baka lumala lang yan pag nalaman nilang niloloko mo sila ng ganito katagal tsaka baka iwasan ka ni Icen nyan girl tsk tsk ikaw din"

somehow tama nga si Lux ba't ko pa papatagalin baka lalo lang maturn off sakin si Icen pag niloko ko pa sila ng mas matagal and worse baka di na nya ako kausapin kahit kelan feeling ko din kasi naghihinala na sya sakin eh nung minsang makita nya ako sa botique ko. 

hanggang sa mag-uwian iniisip ko pa rin kung aamin na ba ako o hindi pero sa huli mas pinili ko ang una bahala na come what may na lang siguro kung magagalit sya tatanggapin ko na lang since it's my stupid idea malamang eto na ang karma ko kung saka-sakali man. Aamin na lang ako bago sya umalis para less hassle at least di ako masyadong maguguilty nun -_- 

Nag-aabang lang ako ng taxi sa labas ng school gabi na kasi ayoko namang istorbohin si daddy may meeting pa yun ngayon dahil tamad akong magdrive kaya nagtyatyaga na lang ako sa pgcocommute aish hassle magsusuot pa pla ako ng disguise ko maya maya sana nga lang wala pa si Icen sa bahay ngpunta kasi sa kaibigan nya daw eh kaya di ko sya naabutan sa bahay kanina ng umaga good thing kasi i'm free sa disguise thingy na yan. 

30 minutes na akong nag-aantay pero wala pa ding dumadaan na taxi 7:30 na eh ayoko namang magjeep kasi di ako marunong -_- shemay kinakabahan na ako di ako sanay na ganio lalo pa't madilim na at ako lang mag-isang nakatayo dito sa shed. May nakita akong 3 lalaki mukha silang mga goons ohmy kahit na kinakabahan ako stay put lang ako sa pwesto ko pero kinapa ko ang bulsa ko kung saan nakalagay ang fone ko nagdial ako pero di ko alam kung sino man yung tinawagan kong yun arrrgh sana tama ang nadial ko >_< 

"hi miss holdap toh wag kang sisigaw kung ayaw mong paglamayan ka kinabukasan" sabi sakin nung mamang nakasuot ng all black eww ang baho lang amoy imburnal si kuya yuck kainis nagawa pang mag hi manghoholdap na lang imba din toh eh 

"yuck ang baho" di ko mapigilang sabihin eh sa hindi na kaya ng precious nose ko ang singhutin ang masamang pollution na yun eh magkaTB pa ko 

"aba't  maldita ka pa talaga ah, ilabas mo na lang yang cellphone, pera pati alahas mo kung gusto mo pang mabuhay" goons #1 

"duh ~_^ amoy mo pa nga lang nakakamatay na eh pag pinatay mo pa ko double dead na tawag dun" 

sagot ko ng buong tapang eh sa ambaho talaga nila eh magagawa ko -_- i'm just being honest here 

"aba't gusto mong tuluyan ka na namin ngayon din?" goons #3

"duh nagtanong pa syempre mahal ko pa buhay ko noh ~_~ tanga lang sino bang magandang nilalang ang papayag na matuluyan ngayon? sentido kumon naman"

napapalatak na sabi ko sakanya aba imbyerna eh 

"hahahaha ang daldal naman nyang nadali natin pare ang sungit pa anak mayaman nga talaga basag na basag ka tol wala ka pala eh"  goons #2

"manahimik ka jan tol baka gusto mong unahin kita lintek ka eh kung bungo mo basagin ko mas maganda yun diba?" sagot naman ni kuyang ungas  (goons #1)  nag-away pa 

"tss at least mas mabango ako sayo tol matapang ka lang" goons #2

"nag-away pa kayo eh mas mabango naman ako kumpara sainyong dalawa" goons #3

"ang yabang mo naman tol" goons #1 & 2

at nag-away na nga silang tatlo akala ko ba holdap toh? bat nauwi yata sa rambulan nilang tatlo -_- may psychiatric disorder ata mga toh eh makaalis na nga lang kakaurat sila sakit sa bangs 

paalis na sana ako ng mapansin ako ni goons #3 kaya naman yung dalawa tumigil na sa pagbubugbugan dun -_- ba yan di pa natuluyan 

"san ka sa tingin mo pupunta huh?" goons #1

"duh obvious ba eh di uuwi na kesa naman panoorin ko kayong magbubugbugan jan feeling action star lang?"

"ang ingay mo kanina ka pa nambabara jan ah, tuluyan na nga natin to mga pare mukha namang wala tayong mapapala dito eh" goons #2 

nakita kong sumeryoso ang mga mukha nila yay! may ipapangit pa pala sila grabe lang ngayon lang ako nakaengkwentro ng mga taong sobrang napagkaitan ng kagwapuhan eh mas pangit pa sila sa mga taong grasa na palaboy-laboy sa kalsada eh. grrr katakot oh my god m-may patalim na silang hawak ngayon shet lang ang bibig ko kasi >_< blame myself pag may nangyaring masama sakin waaah Lord kayo na pong bahalang magsabi kina mommy kung ganu ko sila kamahal, TT_TT sa mga kaibigan ko lalong lalo na kay Lux, kay baklitang Icen waaaah hindi pa man din ako naaamin ang totoo kukunin na yata ako waaah bye bye philippines bye bye world hanggang sa muli 

Ciao mahal ko kayong lahat sama na din mga taong nagbabasa nito at sumusuporta salamat sainyo mahal ko din kayo 

★ ✩ ✮ ✯ ✯ ✮ ✩ ★★ ✩ ✮ ✯ ✯ ✮ ✩ ★★ ✩ ✮ ✯ ✯ ✮ ✩ ★★ ✩ ✮ ✯ ✯ ✮ ✩ ★

Pretentious Gay meets Bakekang! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon