"We're talking about our businesses hija. Nakapagtrabaho ka na pala dito sa Maynila?" kuryuso niyang tanong.

Hindi ko alam kung sasagot ba ako o ano. Sinabi kaya ni mama kung saan?

"Ma wag ka munang mag tanong ng kung ano ano" singit naman ni mama sa usapan. Siguro nga hindi niya sinabi.

Tiningnan lang ako ni mama ng makahulugan kaya iniwas ko agad ang mga tingin ko. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang mga nangyari sa akin, hindi rin naman siya nagtanong tungkol kay Silvestre. Siguro mamaya nalang, hahanap ako ng tyempo.

Nang pareho na kaming nakaupo ni mama sa parang visitor's chair ay umupo naman agad si lola sa harapan namin. Hindi ko alam kung nasaan si lolo pero nahihiya rin naman akong magtanong kay lola.

"I think we need to share this with Catallina, Claris. After all siya naman ang mag ma-manage nito" napatingin ako kay lola sa sinabi niya.

"Ma Catallina is just 23, hindi pa siya maalam sa mga ganyan" sagot naman ni mama.

"That's why we're going to train her, and its a lot better kung doon siya sa states. Our company there is bigger compared to the company we have here"

"Sa states? No way ma, hindi pa handa si Catallina para dyan. You and Papa can still handle the company very well. And also I can help if you want, my daughter is too young to deal with stress" napatitig ako kay mama habang nagsasalita.

Hindi ko maiwasan na mamangha sa kanya, ang sosyal niya pakinggan tsaka ganito siya kayaman, ganito sila kayaman pero nakaya niyang talikuran ang lahat para kay Papa. Nakaya niyang mamuhay ng simple at utos utosan lang ng kung sino. Base sa mga pangyayari sa akin kaninang umaga, halos wala siyang ginagawa dito noon ng kabataan niya. Bawat kilos ay bantay sirado na halos lahat ng gagawin ay sa ibang tao nakaatas.

"We even trained you when you were 18, Catallina is already 23" paglaban naman ni lola sa sagot ni mama.

"Ma, I grew up here okay? I grew up watching you and Papa doing some businesses, iba si Catallina okay?" bumuntong hininga si mama at tumingin sa akin, habang ako naman ay pabalik balik lang ang tingin sa kanila ni lola at walang imik.

"Gooood Claris. Our competitors sons and daughters are already managing their companies, so why not?"

"Ibahin niyo nga po si Catallina, let her adjust first hindi niya -- " hindi na natuloy ni mama ang sasabihin niya ng sumagot ako.

"K-kaya ko naman po ma" nahihiya kong sabi, nakita kong ngumisi ng pagka lapad lapad si lola at inabot ang kamay ko.

"Oh, even tho you have your mother's physical features I know you got my principles in life" masaya niyang sabi na ikina ismid ni mama.

Hindi naman kasi pwede na magtagal ako dito sa loob ng bahay ng walang ginagawa, anong gagawin ko dito diba? Gusto ko rin naman magtrabaho, tama si mama hindi ko pa kaya lahat pero ayos lang naman sa akin magsimula sa mababang trabaho basta hindi lang ako magkulong sa malaking mansyon na'to.

"Okay. Pero hindi pa mag te-take over si Catallina. I just won't let it happen for now. She's too young " ani ni Mama.

"I know Claris kaya nga we should train her and send her abroad. What you think apo? You know we have a lot of hotels and malls there in States"

Abroad? Napaisip ako bigla, kung papayag ako ipapadala nila ako sa ibang bansa? Pano naman si mama dito? Tsaka, kahit pa gustong gusto ko magtrabaho tingin ko hindi ko kaya doon. Wala akong kakilala at higit sa lahat baka kung saan pa ako mapadpad doon.

"You know what apo, me and your lolo is already old. Maybe 2years from now we should transfer all of our properties, businesses to your name. Hindi natin masabi ang panahon, that's why Im very thankful to know that you're willing unlike sa Mama mo na wala atang tiwala sayo" sabay tingin niya kay mama.

The CEO's SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon