"Gusto niyo ho bang samahan ko na ho kayo?" tanong nito. Umiling ako.

"Huwag na, diyan lang naman ako" ani ko at itinuro ang hindi kalayuang parte ng baybayin na sakop pa ng mga Villafuerte.

Naglakad na ako at tinungo ang baybayin. Mabilis kong hinubad ang suot kong tsinilas at binasa ang mga paa sa tubig dagat. Nakakaginhawa ang bawat hampas ng maliliit na alon sa aking mga paa. Mabagal akong naglakad at tinungo ang parte na may malaking bato. Sa likod niyon ay may maliit na kubo na hindi kita kinaroroonan ko. Malaki naman ang buwan kaya maliwanag pa rin.

Wala sa intensyon ko ang pumunta pa sa dako na iyon ng matagal ngunit mas maganda ang view doon. Mas nakikita ko ang nagkikislapang ilaw mula sa isang isla.

Habang inienjoy ko ang tanawin ay may malakas na kamay ang humablot sa akin. Agad akong nag panic at sisigaw na sana upang humingi ng saklolo ng takpan ng sinuman ang bibig ko ng kanyang bibig. Nanlaki ang aking mga mata at magpoprotesta na sana kaso pamilyar sa akin ang mga labing iyon. Ang uri ng halik na mapang-angkin ngunit may ramdam ko parin ang pag-iingat.

Ang matitigas niyang braso ay nakapulupot sa aking beywang. Upang hindi mabubuwal ay nakahanap akon ng makakapitan sa kanyang batok.

"Hmmm" Hindi ko alam kung mula iyon sa akin o sa kanya pero ang alam ko, wala sa aming dalawa ang gustong itigil ang halik.

Nararamdaman ko ang pag-angat sa ere. Ang mga brasong nakahawak sa beywang ko kanina ay nakasuporta na sa aking pang-upo habang nararamdaman ko ang pagalaw niya mula sa aming kinatatayuan kanina.

Binuhat ako ni Jacobo habang nag-lalaplapan kami! ang wild... rawr!

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero wala na akong pake basta at hindi niya puputulin ang mga halik na aming pinagsasaluhan.

"Ja-cobo, pa-ahno mo - a-ko naha-nap?" tanong ko habang busy parin kami sa aming ginagawa.

"I just - fo-ound you" at sinipsip niya na ulit ang dila ko.

Ito ang unang halik sa ganitong paraan ang pinagsasaluhan namin. Ewan ko pero mukhang sabik na sabik sa akin ang kumag na ito.

Nalaman kong dinala niya ako sa maliit na kubo sa likod ng bato ng umupo na siya habang ako ay nasa kanyang kandungan. Napaka intimate ng posisyon namin. Para akong bata na karga-karga niya kanina. Dahil sa iniisip ay napahagikhik ako kaya hindi narin mapigilang magkomento si Jacobo.

"What?"

"Nagtataka lang ako bakit tayo humantong sa posisyong ito"

Mabilis siyang yumuko at tiningnan ang posisyon namin. Siya na nakaupo at ako naman sa kanyang kandungan. Tatawa na sana ako ng may maramdaman akong matigas na tumatama sa singit ko. Alam ko kung ano iyon, hindi na ako bata. Pero ngayon lang ako na introduce na sooner or later ay kailangan pala naming gawin ang bagay na iyon.

Biglang nag-init ang mukha ko at nailang na akong salubungin ang mata niya. Alam kong may naramdaman din siya pero wala ni isa sa amin ang gumawa ng paraan para patayin ang apoy.

"I know you feel it, and I am dying to do it with you... but now is not the t-time" matapos niyang sabihin iyon ay ang paglabas ng malalim niyang buntong hininga. Doon ko siya tinitigan.

Dahil sa munting liwanag mula sa buwan ay mas naging klarado ang porma ng kanyang panga, ang tangos ng ilong at ang kislap ng kanyang mata na diritsong tumama sa kaibuturan ko.

Ang mga kamay kong nasa kanyang batok ay unti-unting pinaglalakbay ko sa kanyang mukha. Sa mabining landas ng mga iyon ay ang paglalim ng kanyang hininga.

I hate you BossWhere stories live. Discover now