Simula

136K 1.9K 379
                                        

WARNING: Read at your own risk R-18+ | This story contains scenes that may not be suitable for younger audiences and could challenge your morals or perspective. It is not a perfect story, and reader discretion is advised.

Simula

Agad na sumalubong ang pamilyar na ihip ng hangin nang tuluyan na akong makababa ng sasakyan. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo, kakababa ko pa lang ay napakainit na.

Tulad noon ay wala pa rin namang pagbabago. Mahangin sa probinsya, malamig ang simoy ng hangin pero nilalabanan iyon ng malakas na sinag ng araw.

Nilingon ko ang relo, maaga pa. Mag aalas nuebe pa lang, umikot ako at binuksan ang kabilang pinto. Imbes na panoorin ko ito sa pagbaba ay pinagmasdan ko na lamang ang lumang tarangkahan sa harap.

Memories began flashing through my mind, similar to scenes from a documentary. It felt like those last seven minutes of memories people talk about before death-but no, I'm not dying. Nanatili lamang ako sa paninitig sa lumang tarangkahan ng maramdaman ang pagyakap ng anak sa aking hita.

"Is this Lolo and Lola's house, Momma?" Tanong ng aking anak. Tumango naman ako at bumaling rito. I bend so that we can share the same height. I held his cheeks; he's so much like him.

"Yes, are you scared?" I teased. Agad naman itong umiling.

"No, Momma. Let's go inside," Natawa na lamang ako at hinayaan ang anak na hilain ako papasok sa lumang tarangkahan. I still have the gate keys kaya less hassle.

It's my dad's death anniversary today, kaya rin kami bumalik ng Pilipinas ay dahil gusto kong dalawin ang puntod ni Mommy at Daddy.

Months later after my father died, sumunod naman si mommy. I was away that time, hindi rin ako nakapunta sa sariling lamay ng mga magulang ko. I also wasn't sure where they buried my parents, but I won't stop looking until I found them.

Nilibot ko ang mga mata sa kabuuan ng dating napakagandang mansiyon. Lahat ng gamit ay natatakpan ng puting tela, maalikabok rin at may mangilan ngilang sapot sa kisame. Lumapit ako sa isang upuan na natatakpan ng puting tela at hinawi iyon bago pinagpagan.

I told my son to stay there for a while and don't touch things until I said so. My son has asthma, sinabi ko na sa kaniyang huwag ng sumama at manatili na lamang sa bahay ng pinsan kong si Ruth sa bayan na siyang pansamantalang tinutuluyan namin simula ng makarating kami ng Pinas, ngunit mapilit ito kaya sinama ko na lamang. He's wearing a mask so that shouldn't be a problem.

Iniwan ko ito pansamantala sa loob at nagpunta sa kusina kung nasaan ang backdoor.

I had a hard time pulling the old oak door, nang mabuksan ko ito ay agad na pumasok at umihip ang malamig na hangin sa likod bakuran. Nakita ko ang gazebo na malapit sa maliit na pond sa likuran.

Lumabas ako at dumiretso roon, hindi katulad sa loob at harap, presko ang hangin dito. Pinagpagan ko ang upuan at lamesa, hindi ito karumihan at wala naman akong nakikitang sira o problema.

The tall grasses were also trimmed, bago pa man kasi ako makabalik dito ay mayroon ng caretaker na kinuha ang bangko.

Our house was sold to the bank after my parents' death but after years of hardship, thankfully I got it back.

Ito na lang rin naman ang natitira sa mga ari-arian namin sa Pinas, this house was my mom's. Sa pagkakaalam ko ay iniregalo ito ni Lolo sa kaniya ng ikasal sila ni Daddy, that's why I can't just let it go to waste.

Nang malinisan ang pahabang upuan sa gazebo ay bumalik na ako sa loob at tinawag ang anak. Kal immediately went towards me, agad ko itong inaya sa labas at sinabihan na doon muna siya manatili sa gazebo.

Revoking The Oath | [COMPLETED] Bloodline Series #1Where stories live. Discover now