Haloooooo!

61 3 3
                                        

ANG PROGRAMANG ITO AY RATED SPG

S OBRANG
P ARANG
G AGIKS naman hindi ko na maituloy😖🤣

COPYRIGHT IS NOT RIGHT.
RIGHT? RIGHT.
GAWA KA NALANG ISTORYA MO BEH, PARA HAPEH HAPEH TAYO. CHARING

ANY KIND OF COPYING OF MY WORK IS ABSOLUTELY PROHIBITED. (ANZABEEEH?)
WAG PO TAYONG MANG ANGKIN NG GAWA NG IBA. IYON LAMANG NAMAN PO.

COMMENT PO KAYO KUNG MAY GUSTO KAYONG IDAGDAG, ITAMA, OR KAHIT ANO PA IYAN NA MAAARING MAGING DAHILAN UPANG UMAYOS ANG ISTORYANG ITO.

AGAIN!!! SALAMAT!! SORRY MAHABA😘🤭
(:(:(:(:(:(:(:(:(:(:(:(:(:(:(:(:(:(:(:(:(:(:(:(:(:(:





Hi guys!🤭

Ang bawat mababasa niyo rito ay pawang kathang isip lamang ng tamad na author at walang magawang matino sa buhay. Tinamad magbasa kaya ngayon gumagawa ng sariling istorya.

Sana katulad nong isang story e madagdagan ko din ito at, hopefully ay matapos parehas.

Mas masarap sa feeling kapag alam mong matatapos mo ang story mo kahit iisa lang ang naniniwala sayo😊

@Mhelliscent

••••••
Panimula

Sabi nga nila, to see is to believe pero ayaw ko pa ring maniwala kahit nakikita ko na.

Posible ba talaga ang lahat ng bagay na ito? Totoo ba talaga sila? Bakit ganoon? Bakit may mga katulad nila?

Bakit kailangan nila ang pumatay? Hindi ba nila naiisip na halimaw ang tawag sa mga walang habas kung pumatay? Ang dami kong tanong pero ni isa walang makapag bigay ng sagot.

NARIRITO ako ngayon sa sagradong parte ng silid-aklatan ng kaharian.

Bakit putol ang sunod na pahina na ito? Nawawala siguro? O di kaya ay may sadiyang pumunit? Mahalaga ang bagay na ito ngunit bakit punit ang mga susunod na pahina.

Napalingon ako sa aking likuran ng may marinig na kalabog roon.

"Sino ang nariyan?" tumayo ako at .binitbit ang librong binabasa ko. Sino naman kaya ang pangahas na ito?

"Booooo............"

"A-ANO BA!" napatili ako sa boses na nagmula sa aking likuran. Ganon na lamang ang panliliit ng aking mga mata at panggigigil dahil sa pangahas na ito.

"A-aray! A-ano ka ba! Aray! Teka!" pinaghahampas ko siya ng hawak kong libro nang hindi nalalaman na importanteng bagay iyon.

"Dapat lang sa iyo iyan. Hindi mo ba alam na libreng oras ko ito upang makapag basa ng maayos sa sagradong lugar na ito. Tapos, nandito ka. Binalabug, inabala at ginulat ako? Ano bang naiisipan mo ha?!" angil ko sa kaniya at tumigil na din sa pag hampas, medyo natauhan na.

Nagmartsa na ako palabas sana ng sagradong silid-aklatan.

Ngunit hinablot niya ang aking braso dahilan upang mapaharap ako sa kaniya. Sobrang lapit ng mukha naming dalawa dahil sa nakayuko siya at ako ay nakatingala. Potakte! Edi ikaw na matangkad diba! Hila hila pa ng braso e alam naman niyang masakit tapos dibdib niya lang abot ng mukha ko!

"Pasensiya ka na.... "
Tinaasan ko lamang siya ng kilay kaya naman inilayo niya ang mukha niya sa akin at pinakawalan ako.

Napakamot na lamang siya ng ulo ng maglayo kami. Nahihiya, di makatingin sa akin. Huh! Nahiya ka pang kupal ka!

"Bakit ba kasi nandito ka na naman sa silid na ito ha?"

"E ano naman ba sa'yo ha?"

"Sus! Nako ha! Alam mo na ngang pinagbabawal ang pagpunta dito lalo na ang pagbabasa ng mga aklat na narito!"

"Nye! Nye!"

Nag angat na siya ng tingin sa akin kaya sinalubong ko ang matalas niyang tingin.

"Bakit ba ang kulit kulit mong babae ka ha? At isa pa, hindi mo ba nararamdaman ang panganib na kalakip nitong iyong kapangahasan na magtungo rito. Palagi na lamang kitang nahuhuli, hindi ka man lamang ba natatakot? O mas tamang tanong e, may kinakatakutan ka pa ba?"

Hindi ako agad nakasagot sa kaniyang tinuran, sapagkat, alam ko naman ang bawat salitang sinabi niya. Oo, nararamdaman ko pa rin ang takot, dahil sa pwersang naririto sa loob ng silid ngunit, ano ba ang magagawa ko? Ako ay sabik sa impormasyon! Sa katotohanan! Masama bang maghanap ng kasagutan? Kung mayroon lamang sanang maaaring makausap at mapagtanungan ay hindi na ako paririto pa gayong alam ko kung gaano nakakatakot ang parusang maibabalik sa mga sumusulpot dito ng walang pahintulot.

Napabuntong-hininga na lamang ako at hindi na siya muling nilingon pa. Nagtuloy tuloy na ako sa pag labas ng silid na iyon. At hindi na muna bumalik ng mga sumunod na araw.

♦ ♦ ♦ ♦
Tunghayan ang makamundong pagsasaliksik ng isang taong hindi yata alam ang salitang takot, kahit na alam na niya ang kwento-kwento ay patuloy pa rin siya sa paghahanap ng kasagutan ng mga tanong na naglulumikot sa kaniyang isip.

Ang mahiwagang mundo ng Downeameidablo. Ano nga ba ang nagkukubli sa lugar na ito at bakit sila naglalaganap ng kasamaan sa mundo ng mga tao.

⛔ ⛔ ⛔

Thanks for reading

Newbie: ShiaBien

From A Far (On-Going) Stories to obsess over. Discover now