Ipinagpag ko ang kamay ko para matuyo bago bumalik sa mesa.

"Bakit ba kasi late na kayo natulog?" tanong ni Josh.

"Ha?! Kami?" Itinuro ko ang sarili dahil nakatingin silang lahat sa'kin.

Hindi sila sumagot.

"Nauna akong pumasok sa kwarto, ah!" buwelta ko.

"Ahh."

Napapahiya akong nangiti bago ko napansin si Stell na nakatitig sa hagdan. Ininguso n'ya si Ken na pababa.

Napakamot s'ya sa ulo, "Sorry."

Nagpatuloy s'ya sa paglakad at tumabi kay Josh na kaharap ko. Katabi naman ni Stell si Sejun na panay ang kuha ng hotdog at parang mauubusan.

Tinapik ni Josh ang kamay ni Sejun.

"Magtira ka nga, may kakain pa, oh!" Itinuro n'ya kaming dalawa ni Ken. Nanatili akong tahimik.

Tag-iisang sandok kami ng kanin, tig-dalawang hotdog at isang pirasong paa ng manok.

Kumain na kami at puro nguya lang ni Sejun ang naririnig ko.  Sa kalagitnaan ng pagkain, may tumunog na cellphone. Napakunot pa ang noo ko at inalala kung may trabaho ba si Ken.

"Jah," sabay-sabay na sambiy nila.

Nakabusangot, inabot ko ang cellphone na nakalagay sa countertop. Naiwan ko kagabi.

Kuya calling...

"Kuya," sagot ko sabay lunok ng kanin.

[Magkakasama pa ba kayo?]

"Oo, hanggang bukas na nga lang. May pupuntahan kaming event sa makalawa."

[Ayun, sakto. May kailangan ka ba?]

"Bakit? Wala na akong damit."

[Padadalhan kita, tanggapin mo na lang mamaya.]

"Oo, sige sige. Abangan ko mamaya."

[Sige, ingat kayo d'yan.]

"Salamat, Kuya." At ibinaba na n'ya ang linya.

Bumalik ulit ako sa hapag.

"Ano sabi?" Usisa ni Josh.

"Magpapadala raw ng damit. Mukha raw nauubusan na ako ng damit. May event din na pupuntahan si Ken sa makalawa kaya kailangan ng damit..."

"Maglalaba ka?!" Si Sejun na agad namang sinaway ni Stell.

"Ako na ang maglalaba ng damit natin."

"Sows! Pakaharot!" Si Josh.

"Anong maharot do'n?!" sabay na usal nilang dalawa.

Hindi ko na sila pinansin at muling napatingin kay Ken. Hindi ko alam kung ako lang ba nakakaramdam na sa bawat kilos at salita n'ya, nararamdaman ko ang pagiging maingat n'ya.

Pagkatapos kumain, nagpresenta na ako na maghugas. Si Stell naman ang nag-imis. Si Josh at Ken ay nag-uusap sa isang computer game sa sala. Si Sejun ay bumalik sa kwarto.

"Sabihin mo kung may kailangan ka, ah?" Si Stell sabay bigay sa akin ng mga plato.

"Hindi na. Sige na, ako na rito. Magwalis ka na lang muna," sagot ko sabay talikod.

Iniayos ko ang hugasin bago tahimik na nagsimula. Malayo ang kusina sa sala kaya kalansing lang ng kubyertos ang naririnig ko.

"Stell!" sigaw ni Sejun habang kumakaripas ng takbo pababa.

Subside Everything (SB19)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu