Nang nakabawi ni ate Alyanna sa pagkabigla ay tumaas ang isa niyang kilay, pinagkrus ang kanyang mga braso at pinasadahan kami ng tingin ni Code na para bang kinikilatis niya kami.

"Si Code ka ba talaga? O kamukha mo lang? Imposible namang pupunta si Code rito. Busy iyon, eh. Tsaka ang alam ko ay girlfriend na 'non iyong co-star niya sa ginagawa niyang teleserye."

Pigil ko ang pagtawa sa pagdududa ni ate Alyanna. Nang tignan ko naman si Code ay nakangiti lang din ito na tila naaaliw din kay ate Alyanna..

"Pero, grabe! Ang gwapo mo. Kahawig na kahawig mo si Code. Idol mo siguro iyon, no? O baka, kapatid ka niya? Kakambal o stuntman?" Namamangha pang sabi ni ate Alyanna habang nakatingala ito at titig na titig sa mukha ni Code.

"B-Boyfriend ko po, ate Alyanna." pakilala ko kay Code nang hindi binabanggit ang pangalan niya.

"Boyfriend ka ni Persis? Akala ko pa naman..."

Nilingon ni ate Alyanna si Brayden na nakahalukipkip at nakasandal sa isang sulok. Hindi rin ito umiimik, ngunit tumaas ang isa niyang kilay kay ate Alyanna nang lingunin siya nito.

"I think I should go back to my table. I'll be waiting for you." malambing na sabi ni Code na hinawakan ang baba ko, bahagyang inangat at nakita ko pang tinignan niya si Brayden at saka niya ako banayad ngunit mariin na hinalikan sa labi, bago siya naglakad palayo ng nakapamulsa.

"Kamukhang-kamukha talaga ni Code Realonda ang boyfriend mo, Persis. Anong pangalan niya?" tanong ni ate Alyanna. "Sa tindig at porma, kahit nakatalikod. Aakalain mong si Code."

Nanghihingi ng tulong na tinignan ko si Brayden. Hindi ko alam ang isasagot ko kay ate Alyanna. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo?

"Nico." ani Brayden. "Nico ang pangalan niya. Diba, Persis?" Tinignan niya ako na para bang gusto niyang kumpirmahin ko ang kanyang mga sinabi.

"Ah! Oo, Nico ang pangalan niya."

"Akala ko pa naman may something sa inyong dalawa."

Nagkatinginan kami ni Brayden sa sinabi ni ate Alyanna.

"O siya, maghanda ka na sa second set mo. May nag rerequest sa iyo ng kanta."

Pagkatapos akong kausapin ni ate Alyanna at sabihin sa akin ang ilang request na kanta ng mga customers niya ay iniwan niya na ako rito sa backstage, kasama si Brayden.

"Anong ginagawa ni Code rito? Diba, hiwalay na kayo?" nagtatakang tanong ni Brayden.

Magkakumpitensya man ang banda ni Code at banda ni Brayden. Alam ko, na kung sasabihin ko sa kanya ang totoo ay hindi naman niya ikakalat iyon. Isa pa, hindi ko na rin naman na pwedeng itago nag totoo, dahil mismong si Code na ang gustong maglabas 'non. Kumpirmasyon ko na lamang ang kailangan.

"We didn't actually break up." nagdadalawang kong sabi.

"Ah, huh. I see. So, what does that mean? Nagpapanggap si Code at Laarnie na silang dalawa na?"

Tumango ako.

Kumunot ang noo nito. "And it's okay to you?"

"Pareho naming ayaw ni Code. Pero, maraming pwedeng mangyari kung hindi kami susunod."

Napailing-iling si Brayden habang nakapamaywang. Tila hindi makapaniwala sa mga nalaman niya.

"Sorry kung hindi ko sinabi sa iyo ang totoo. Ang balak ko talaga ay itago na lang ang katotohanan."

Ipinatong ni Brayden ang palad niya sa ulo ko at bahagya siyang ngumiti.

"Muntik na akong maniwala na napakatanga ni Realonda para pakawalan ka at ipagpalit sa iba." aniya at saka siya naglakad palayo sa akin.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now