"Didn't know you're good in writing a horror story too."

"Uy pwede! Ikaw yung bidang pogi tapos ako yung kaluluwang ligaw na na-love at first sight sa 'yo na hindi makatawid sa kabilang buhay hangga't hindi mo iniibig blah blah blha....!"

Nakataas ang kilay niya habang pinakikinggan ang kabuuan ng kwento ko. Bumukas ang elevator at feeling ko gusto na niya 'kong ipasok sa dala niyang trash bag habang naglalakad kami papunta sa tapunan ng basura.

"Hindi ka napapagod magsalita?" tanong niya habang naghuhugas siya ng kamay sa sink na narito.

"Ihhh. Wag mo namang ipahalata na masyadong worried ka sa 'kin, Fyuch! Baka mahingi kita sa pamilya mo nang wala sa oras!" nagtago ako sa likod niya at tinakpan ko ang mukha ko.

"Lakas ng saltik mo."

Kilig na kilig ako nang pindutin niya iyong 10th floor sa elevator at lumabas siya kasama ko nang huminto ito. Pigil na pigil ako sa sarili kong 'wag kumapit sa nang-aakit niyang braso habang hinahatid niya 'ko sa unit ni Kairo.

"Mamimiss kita Fyuch," nakangusong sabi ko nang nasa tapat na kami ng pinto.

Nakapamulsa lang niya 'kong tinignan.

"I hope not."

"I hope yes."

Napaka pakipot talaga! Ako na nga ang nagsasalba sa love story namin, siya pa may ganang magpaka-kontrabida. Amp!

"Pumasok ka na."

Umiling ako at nag-puppy eyes sa kanya.

"Hindi ko na yata kayang mawalay sa 'yo, Fyuch?"

"You know the password of my unit. You can always...visit Tammy."

"Yun na ang nakaka-sad. Hindi ko kayo mabibisita this week." Malungkot na sagot ko. "May fieldtrip ako sa Baguio."

May 5-day seminar kasi kami roon kasama ang ilang mga piling police officers.

"You're going to Baguio for a week?" parang may nahagip akong disappointment sa mga mata niya ngunit agad ding nawala iyon. Baka namalikmata lang ako. "It's okay. It's just...a week."

I sighed. "Yeah. A week without you in my life. Lungkot, 'di ba? Ikaw pa naman ang stress reliever ko!"

"I'm also leaving for China tomorrow."

"Whaaat?! Pa'no si Tammy?!"

"Hatid ko muna siya sa bahay para may magbantay."

"Wawa naman ang anak natin. Aalis ang mommy tapos aalis din ang daddy."

Magkasalubong na naman ang kilay niyang tumingin ng masama sa 'kin. Kahit yata itodo ko pa ang kaharutan ko sa lalaking 'to wala pa ring silbi! Hahahahaha! Pero kasi sobrang nakakatuwa siyang harutin kahit hindi niya hinaharot back. Ang daya lang 'di ba?

"What time are you leaving tomorrow?"

"Gabi pa naman. Ikaw?"

"My flight is at 6pm." Tumingin siya sa relo niya tapos sa 'kin."Do you wanna go somewhere?"

Oh my god.

"N-Now na? S-Saan tayo pupunta?" nauutal na tanong ko at agad akong na-excite!

Lakas ko naman sa 'yo, Lord! Eto na ba 'yung pinakahihintay kong harot back niya?! Omg paano kung may matured scene agad?! Gosh.

Kinuha niya ang susi ng sasakyan niya at sabay kaming pumunta sa parking. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, but I trust Fyuch kahit saan man niya 'ko dalhin. Kahit sa bahay pa nila or sa kwarto pa niya. Chour!

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now