DESTINY 30 - JAVIE'S REVENGE

Start from the beginning
                                    

At malamang naramdaman din 'yon ni Javie. Pumunta siya sa likod ko at tinutukan ako ng patalim sa leeg.

Si Alex naman kay Lucas.

Natawa na lang ako."Pota! Dinala mo kami rito para may mapagtaguan ka?" Pang-iinis ko.

"Tanginang 'yan!" Mura din ni Lucas. "Alam kong mahina kayo pero ibang level ang kahinaang 'to."

"Sandamakmak kayo, nag-iisang babae ang nasa harap niyo pero kailangan niyo pa kami para may mapagtaguan? Anong klaseng katarantaduhan 'to?" Mapang-insultong tanong ko.

"Tumahimik ka!" Sigaw niya sa 'kin. "Isipin niyo na ang gusto niyo, wala akong pakialam! Pero sinisigurado kong hindi matatapos ang gabing 'to na hindi ko naipaghihiganti ang kapatid ko!"

"Kanino?" Singit ni Yesha.

"Sa pumatay sa kanya."

"Sa sarili mo?"

"Ikaw ang pumatay sa kanya."

Umiling si Yesha. "Hindi ako kundi ang kayabangan mo. Sinabi ko na sa inyo, kung sinuman ang mangahas na saktan ang lalaking 'yan," tingin niya sa 'kin. "Ako mismo ang makakalaban. At sinabi ko rin na hindi niyo ako kilala."

"Kilala kita. Ikaw ang demonyong pumatay sa kapatid ko! Sugurin niyo 'yan!" Utos niya.

Agad na sinugod si Yesha ng mga bata niya. Sa harap namin mismo pinagsusuntok at sipa nila siya. Pero hindi siya lumaban. Marahil ay dahil nakatutok pa rin ang patalim sa amin ni Lucas.

Nanlumo ako. Hindi ko kayang makitang nasasaktan siya.

Sinubukan kong kalasin ang pagkakatali ko pero masyadong mahigpit. Ipinilit ko pa rin. Ramdam kong dumaloy ang dugo sa kamay ko.

"Lumaban ka, Yesh. Huwag mo kaming isipin!" Sigaw ni Lucas.

Tumingin si Javie sa kanya at natawa. Sandaling nawala ang atensyon nito sa akin. Sinamantala ko iyon para mapilit na makalag ang tali sa kamay ko.

Muling itinutok ni Javie ang patalim sa leeg ko. "Panoorin mo siyang mabuti." Utos niya. "Panoorin mong masaktan ang pinakamamahal mo. At papanoorin naman kitang kainin ng galit."

Nagngitngit ang kalooban ko.

Bawat isang sipa, isang suntok sa kanya sampu ang katumbas na sakit sa akin.

"P*tangina mo, Javie!!" Muling sigaw ni Lucas. Muli itong tumingin sa kanya at pinagtawanan siya.

Hindi ko naman inalis ang tingin kay Yesh. Bahagya siyang gumalaw at parang may kinuha sa likod ng isa. Sobrang bilis na hindi ko nakita ko kung ano o kung may kinuha ba talaga siya. Parang nagawi lang kasi ang kamay niya roon.

"Sandali!" Ani Javie. "Gusto ko siyang makita. Para makita na rin siya ng dalawang gagong 'to."

Tinabig niya ang kamay ng dapat magtatayo sa kanya at mag-isang tumayo. Marahas na pinunasan ng kamay ang dumudugong labi bago ngumisi kay Javie.

"Ibang klase ka rin talaga." Puri ni Javie.

Malalim ang paghinga ni Yesh. Hindi ko lang sigurado kung dahil ba sa bugbog o dahil sa galit.

"Kulang pa ba 'yang bugbog mo?"

Natawa si Yesha. "Wala pa 'to kumpara sa mga pinagdaanan ko. Sa tingin mo ba magkikita na kami ni Owen sa impyerno dahil lang binugbog niyo ako?"

Humigpit ang hawak ni Javie sa patalim na nakatutok sa leeg ko. "Huwag mong babanggitin ang pangalan niya."

"Gusto mo bang malaman kung bakit namatay siya?

My Destiny (Book 2)Where stories live. Discover now