Prologue

2 0 0
                                        


"Hope". Tangina dun nalang ba talaga tayo kumapakit? Isang salitang pag asa. Dun nalang ba umiikot ang makikitid nating utak? Dun nalang ba kumakapit ang mundo? Sa salitang pag fucking asa. Well, okay lang naman. Umasa naman tayong mawawala yung COVID-19 diba? Nakalipas na ng 8 months nung nag deklara ang WHO na 100% na daw na wala ang covid at meron na silang gamot kung sakaling ito ay babalik. So meron nga naman talagang na i-ambag yang "HOPE" na iyan. So ano na ngayon? Ano na ang mangyayari? Balik normal na buhay. Gigising? Papasok? Gagawa ng katarantaduhan? Uuwi ng late? Pupunta sa mga party? Iinom? Uuwi ng lasing? Fuck. Umay naman. Sana hindi nalang nawala yung COVID-19 na yan. Pero sana mawala din. Ang gulo diba? Kasi kahit sa anong anggulo naman mali ka. Ganun ang buhay. Kahit ang taas ng panalangin mo sa pag asang yan, isa ka pareng malaking kalaban nila.

Ako nga pala si Christopher Allen Washington. 19 years old. Pede mo naman akong tawaging Chris O kaya Allen. Depende na sayo yun. Maraming nag sasabi "wow Washington, galing Amerika pala toh". "Shet rich kid toh kung saka-sakali". Hindi ako galing US. Hindi rin ako mayaman, siguro may kaya lang talaga ang aking pamilya. Ipinanganak ako dito sa bansang isang malaking sirko, Pinas. Kaya lang naman Washington ang dala-dala ko dahil sa tatay kong kano na ikinasal ang aking ina at ako ang kanilang so called "blessing". Isa din ako dun sa mga taong naging positive na nakaraos din hanggat sa maging clear ako. I'm COVID free. I maybe proud, I maybe not.........

Let's cut the bs, siguro nag tatanong kayo bakit nga ba napaka bitter ko sa current state ngayon?

"Nakaraos na ang COVID diba? Bat di ka masaya?"

"Balik na tayo sa normal na buhay Chris. Bakit ang lungkot mo paren?"

"Kung di karen naman pala magiging masaya sana di ka nalang gumaling. Dahil maraming taong umaasa na gumaling at maglaho na tong pandemiko na nangyayari sa buong mundo"

Ang mga tanong nga ibinubugo nila saken.

H.O.P.EWhere stories live. Discover now