Chapter 5

8 1 0
                                    

Naty.

Nagising ako dahil sa ingay ng sa baba kaya naman dali dali akong bumaba kahit na alam kong may muta ay laway laway pa ako sa mukha. Nang makababa ako ay nadatnan ko si Aling Clara at Mama na nag duduruan na hindi ko malaman kung bat ganon ang ginagawa ni Aling Clara kaya hinampas ko agad ang daliri nitong nakaduro kay mama.



"Putulin ko yang daliri mo, Clara gusto mo?" Pang babastos ko. Wala na akong pake kung may mang judge man sakin dahil napupuno na ako at galit ako pag dating sa mga ganto sa nanay ko. "Ano bang nangyayari mama?"



"Ayang si Clara! Pinagbibintangan akong kabit ng asawa nyang nuknukan ng pangit!" Sigaw ni mama agad naman akong napataas ng kilay at hinarap ang naghuhurumentadong si Aling Clara.


"Hoy! Kaya nga kumakabit ka kasi may datung ang asawa ko! Nako humanap ka ng kanong madaling mamatay Nancy! Nang makaahon kayo sa squater na to!" Bulyaw ni Aling Clara.


"Aba ayang bunganga nyo ata ang dapat munang iahon sa squater area na to. Masyadong mabaho walang tabas daig nyo pa bunganga kong walang mumug ngayon a? Alam nyo Aling Clara? Di kasalanan ng nanay ko kung magaling gumawa ang Lolo't lola ko kaya ang ganda nya. Kaya kung pwede lang lumayas na nga kayo sa pamamahay namin bago ko pa kayo pag tatagain!" Agad kong kinuha ang tabo sa may planggana at nilagyan yon ng tubig tsaka sinaboy sa kanila para mawala ang mga mosang.


"Pang taboy ng chismosa ayan! Nawa'y layuan na din kami ng mga inggitera!" Gumawa pa ako ng orasyon para lang lalong mainis sila at tawang tawa naman ako sa mga himutok nila. "O mama? Mag luto kana nasira ang sleeping beauty ko. Pano na lang kung wala ako sino mag tatanggol sa ganda mo?" Biro ko pa dito kaya agad naman syang umangkla sa braso ko.

"Salamat nak! Nastress na talaga ako, yung si Tarsing naman kasi grabe kung habulin ako ng tingin e." Sabi nito na may pag nguso pa at kumalas na sa hawak sakin. "Magsasanggag na ako, may tuyo na jan at itlog. Upo kana jan nak ha!"



Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinignan ang notification ko kung may nag message ba at di ako nag kamali merong nagtangka!


Pussy Wrecker:

Goodmorning! Are you alright now? Take care of your self see u on monday.





Di ko alam pero isang impit na tili ang ginawa ko ewan ko ba anlakas talaga ng karisma nitong si Charles at ngayon lang ako tinablan hahah. I mean oo naiistress ako kakaisip kung bat ganon sya sakin siguro nga tama ako! Inlove nga siguro ako sa kanya.



Nakita ko namang lumabas ng kwarto nya ang kapatid ko ni Nathaniel at agad na lumapit kay mama para halikan ito sa noo tsaka nag mumug. Ganon sya kasweet kay mama. Nang makapag mumug sya ay lumapit sya sakin para halikan din ang noo ko. Ewan ko ganon kasi ang ginagawa ni papa samin dati kaya noong iniwan nya kami pinangako ni Nathaniel na sya ang gagawa ng nakasanayan na pagtrato samin ni papa.

"Blooming ka ata, Ate?" Puna nito sakin habang nilalapag sa harapan ko ang tinapay at sinisilip kung luto na ba ang sanggag ni mama na nahinto daw kanina dahil nga sinugod sya ni Aling Clara.


"Lagi naman akong blooming a?" Iwas ko ng bati nya sakin agad naman syang nang asar ng tingin. "O anong mukha yan?"


Agad naman syang nag pogi sign. "Duh? Pogi malamang!" Buhat nya ng sariling bangko at sinimulan ng kumain.

"Nga pala? Graduating kana bilang senior high diba?" Tumango ito sakin habang nilalagyan ang plato ko ng itlog at tuyo. "Anong course ang kukuhain mo?" Tanong ko rito.

"Gusto kong mag Law, Ate." Ngiwing presenta nito sakin agad naman akong napalunok at kumain ng itlog. "Mag papart time naman ako may inalok sakin sila Derek at Ryan sa isang club bilang server te. Mag tatry din ako sa McDo or Jollibee. Pogi naman ako makakapang akit ako ng costumer." Alam kong peke ang ngiti nito pero di ko pinahalata na nahahalata ko ang mga ngiti nya.

"Gagawa din ako paraan. Baka mag tatrabaho muli ako sa munisipyo para na din kahit papaano ay may pera tayo 6k din yun kada linggo o diba?" Sabi ko pa dito agad namang kumunot ang kilay nito.

"Wag na te." Pag ayaw nya ngunit umiling na lamang ako.

"Ako na, Para ka namang bago. Tsaka madami din kasi akong free time kaya gusto kong mag liwaliw din kaya babalik ako sa munisipyo para magtrabaho." Sabi ko rito. Dumating naman si mama na dala na ang sinanggag at nakakunot ang noo.


"Sinong magtatrabaho?" Tanong ni mama. Tinaas naman namin ni Nathaniel ang kamay naming dalawa. "Hays. Pasensya na mga anak at pakiramdam ko ay pabigat ako masyado. Naturingang nanay puro pag bibisyo lang ang alam. Hayaan nyo mamaya mag tatanong tanong ako kila Marie kung may opening ba sa grocery." Tumango na lamang kami at kumain. Alam kong nahihirapan kami sa financial kaya eto ako nagsusumikap alam kong malaking dagok sa pamilya ko kung di ako makapag tatapos kaya kahit nag liliwaliw ako ay kailangan kong mag tapos.







"Eto po, Sir." Sabay bigay ko ng hinihinging information ng pamunuan na nandon sa munisipyo namin.

"Kahit sa information desk kana lang, Naty. Tutal ay kulang kami sa tao ngayon dahil sa nagsialisan na ang mga tao namin noon." Agad namang nag diwang ang kaloob looban ko. "Start kana sa lunes dahil di pa naman masyadong kailangan ka ngayon. Pumasok ka kung anong avail ka pwede basta 5 hours ang gugugulin mo dito sa munisipyo." Tumango na lamang ako at kinuha ko ang uniporme ko sa table nya.




Nang makaalis ako sa munisipyo ay di ko alam kung san ba ako pupunta ngayong araw. Ngunit dinala ako ng mga paa ko sa isang parke malapit sa munisipyo kung san kadalasan nag lalaro ang nga bata pati ang mga mag jojowang gustong mag lampungan.


Nakakita ako ng ice cream kaya agad akong tumakbo at bumili nito. Di ko maiwasang balikan ang kabataan ko kung saan di papa ang bumibili nito samin. Umupo ako sa isang duyan sa parke at habang kumakain ng icecream ay di ko maiwasang di mapatulala sa lahat ng nangyari magbuhat ng iwanan kami ni papa at sumama sa ibang babae.


Nandoon pa din sa puso ko na sana pinigilan ko si papa na umalis na sana di ganto ang nangyari samin.  Isang kahid isang tuka pero eto ako nag fefeling mayaman na kayang bilhin lahat kaya minsan nagmumukha akong gold digger na lang buti na lang at nandon si Stacey at Rox para sa mga nang aaway sakin noon.


"Soul searching huh?" Agad akong napabalikwas ng tayo at nakita kong si CHARLES ito na nakangiti. "Chill, It's just me."

"W-what are you doing here?" Tanong ko nangangatog ko syang tinignan at yumuko pa medyo.

"Nakita kasi kita sa munisipyo kaya sinundan kita di ko naman alam na mag sosoul searching ka pala." Agad ko syang inirapan at bahagyang tumawa. At kahit papaano ay naibsan ang pag ka ulila ko sa ama ko.

"May inasikaso lang." Sabi ko dito.

"Ayos ka lang ba? I mean sa nangyari kagabe?" Tanong nya sakin kaya nilingon ko sya at nginitian upang bigyan ng assurance na ayos ako.

"Oo sanay ako sa ganon." Pagsisinungaling ko.

"Grabe! Napayag kang ganunin ka ng lalaki! Sino sino?!" Galit na tanong nito agad na lang akong natawa at tumingin sa mata nito.


"OA mo daig mo pa ang boyfriend ko, e one night stand mo nga lang ako." Pabiro ko rito at biglang nanahimik ang buong paligid namin kaya naman halos di ko na din malingon sya sa pag kailang.


"Pano kung ayoko ng hanggang one night stand lang?" Tanong nito na ikinabigla ko.

"G-Gusto mo pang umisa?" Nagulat kong tanong na ikinatawa nya ng malakas at halos di na mamulat ang mata nitong singkit. "Huy baket ba!" Sigaw ko rito.


"Nothing." Sabi nito habang nakahawak pa din sa tyan nya. "Better of being just a friend kinda." Sabi nito at iniwan akong nakatanga habang tinitignan sya.


WHAT THE FUCK?!!!

FIX MY BROKEN HEART.  (MARUPOK SERIES #1) Where stories live. Discover now