My First Kiss (One shot)

188 5 1
                                    

Busy kami ngayong mga Grade 11 ABM students, lalo't nagstart na ang foundation day ng school namin.

"Elle! Ikaw maglagay nito."

"Ano po sa inyo?"

"Isang Cookie Box please."

Crowded. Maraming ingay at boses ang maririnig mo.

Kasalukuyan kaming nasa TLE room at dito nagba-bake. Alangan namang dalhin namin ang oven sa labas diba?

"Kira tapos na ba ang binabake mo?", tanong ni George, boy bestfriend ko.

"Ah hindi pa, mga ten minutes nalang.", tugon ko.

Sobrang daming costumers ang nasa stall namin ngayon at halos maubos na ang mga pastries na binebenta namin. Pero wala akong karapatang magreklamo, mas maraming sales, mataas ang makukuhang grades.

"Ang sarap mo talaga magluto.", puri ni George sa'kin.

"Kinain mo na naman 'yung binake ko?!", argh. Kahit kailan talaga, patay-gutom.

"Sus, love mo naman ako.", sabay akbay.

"Love? Utot mo."

Inalis ko ang braso ni George sa balikat ko at kinuha na ang last baked goodies.

"May tanong ako.", sabi ni George habang kinakain ang cringles na niluto ko.

"Ano 'yon?"

"Naranasan mo na ba magkaroon ng f-first—", ano daw?

"Anong first?", tanong ko.

"First Kiss? Anong feeling?", tanong niya.

Anong klaseng tanong 'to?

"Since Grade 5, magkaklase na tayo. Impossible naman kung magkaroon ako ng jowa o asawa di'ba?", sambit ko habang nakakunot ang noo ko.

Nakakaloka ang lalaking 'to ha.

"Eh sa mga ka-MU mo noon?", seryoso?

"Mukha ba akong pokpok? Malandi? Ha George?", galit kong sabi. Aba't ginigigil ako nito.

"Hoy hindi naman sa ganoon.", pagdidipensa niya.

"Nang may nalaman kang nagkakagusto sa akin, tinatakot mo. At isa pa, isa palang ang ka-MU ko noon. Kaya paano mo masasabing naranasan ko na magkaroon ng first kiss na yan. ", siraulo talaga 'tong lalaking 'to.

Ewan ko ba kung paano ko 'to naging kaibigan.

"Kira! Palagay na nung last baked pastries mo rito.", sinunod ko ang leader/manager ng stall namin.

"Narinig mo yon George ha. Mauna na muna ako.", paalam ko sa kaniya.

Sinunod ko na ang utos ni leader at ipinalit niya muna ako kay Elle, isa sa nag-aassist sa costumers.

Bakit pa kasi dito ako nilagay ni leader?!

Nang may costumer, "Good morning Sir! Welcome to Pastry World! What's your order sir?"

Nagulat ako nang makita ko ang nasa harapan ko. Siya lang naman ang walang hiyang manyakis ka-MU ko noon, si Wesley.

Magkaka-MU na nga lang sa manyak pa?

"Hi Akira! Na-miss mo ba ako?", pesteng yawa.

"Hindi, pero Sir kung hindi po kayo bibili eh tumabi muna kayo dahil may iba pong costumers.", pakiusap ko.

Akala ko nasa ibang bansa na siya nag-aaral at ang kapal ng mukha nito na magpakita pa sa 'kin?

Nakita kong kinakausap niya yung leader namin at lumapit sa akin yung leader namin at kailangan kong humingi ng tawad sa pesteng manyak na 'yon. Wala akong magagawa, siya leader.

"Ano ba Wesley! Tapos na tayo di'ba? Tigilan mo na ako!", sigaw ko sa kaniya.

Walang nakakarinig sa amin dahil sa ingay ng mga tao sabayan pa ng ang tugtog ng mga banda.

"Hanggang ngayon gusto pa rin kita, Akira. Please give me another chance.", at hinawakan ang kamay ko.

Hinila ko pabalik ang kamay ko nang bigla niyang marahas na pinisil ang braso ko.

Dahil sa takot, hindi ako makapalag. Nanginginig ang tuhod ko.

Dadalhin niya sana ako kung saan nang bigla siyang matumba.

"Walang hiya ka! Kung hindi pa ako dumating, hindi ko pa malalaman na gagalawin mo na naman siya.", sigaw ni George.

Huli ko nang napansin na sinapak pala ni George si Wesley.

Dahil sa nangyayari doon din napukaw ang atensyon ng mga bumibili at ibang estudyante.

"Sino ka bang tarantado ka?!", bulyaw ni Wesley.

"Tama na! Please.", pagmamakaawa ko.

Ayoko ng gulo, please.

"Ako lang naman ang boyfriend ng babaeng inaagaw mo sa 'kin.", sagot ni George. Yung sagot niya ay siguradong-sigurado. Napansin ko rin na hinawakan niya ang kamay ko.

"Sa tingin mo naniniwala ako?", paghahamon ni Wesley.

Humarap sa akin si George at hinalikan ako.

"Ano?", ika ni George at nanlulumo ang mukha ni Wesley bago siya umalis.

Nang humupa na ang tensyon, agad akong nagtungo sa TLE room at umiyak.

"Nasaktan kaba nung tarantadong yon? Sabihin mo sa akin.", nag-aalalang tanong ni George.

"Bakit ba ang malas ko?", tanging sambit ko.

Lagi nalang masama sa akin ang tadhana.

Inangat ni George ang mukha ko at pinahid ang luha ko."Hindi ka malas, Akira. Tandaan mo 'yan."

Unti-unting lumalapit sa akin si George at lumapat ang kaniyang labi sa noo ko at niyakap ako.

"Mahal kita noon pa Akira."

Ngayon alam ko na ang feeling na magkaroon ng first kiss.

'Sa bawat halik, may pagmamahal, kaligtasan at kapayapaan kang mararamdaman. Lalo na kung mararanasan mo ito sa taong nakatadhana at nagmamahal sa'yo ng totoo.'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon