Ch 10: Jeannie

238 25 3
                                    


GUN

LUKOT NA LUKOT ang mukha ni Gun habang papunta sa set. Iyon ay sa open field ng university nila kung saan isu-shoot ang pagkikita nina Off at Jeannie. Nakaset-up na ang mga camera at naroon na rin ang mga extra. Sa di kalayuan ng open field ay may tolda at naroon ang ibang main cast. Naroon din siyempre si Jeannie. Kakausapin raw muna sila ng direktor doon kaya si Off ay natataranta na.

Nang malapit-lapit na si Gun ay nakita nga niya si Jeannie. Nakasuot na ito ng damit ng character nito--uniform din dahil university student ang role nito. Blouse at asul na pencil cut na palda ang suot nito. Nakaupo ito sa isa sa mga silya doon at minemake-up-an habang may kausap ito sa cell phone. Pero nang mapansin nito na palapit si Off ay tinapos nito ang tawag at ibinigay sa baklang assistant nito ang telepono.

Agad-agad na sumabay si Gun kay Off na nauuna sa kanya. Mahirap na.

Nang nasa tapat na sila ni Jeannie ay tinabig nito ang make-up artist at tumayo para makipagkilala sa kanila. Ngumiti ito bago nagsabi, "Do I even need to introduce myself pa?" sabi nito.

Natawa si Off. "Hindi na," sabi nito na nahiya, napahagod uli sa buhok. "Sino ba namang hindi nakakakilala sa 'yo."

"Exactly," sabi ni Jeannie. "And you're Off right? Sorry, 'di ako familiar sa BL actors."

Tumango-tango si Off.

"Cute ka naman pala. Pa-hug naman."

'Wag kang sisimangot, Gun. 'Wag kang sisimangot!

Obedient naman 'tong mokong na Off. Dumukwang agad para madali itong mayakap ni Jeannie. Nagtagal ata ng limang segundo ang pagyapos ni Jeannie sa kaloveteam niya bago kumalas.

Si Off ang nagpakilala sa kanya kay Jeannie dahil parang walang pakialam ang babae sa kanya. "'Eto si Gun. Siya ang kalove team ko." Bahagya siyang hinawakan ni Off sa braso.

"Cute," sabi ni Jeannie, nakayuko sa kanya. Bakit ba mas matangkad pa rin ito sa kanya at siya pa rin ang nakatingala dito? "Ang liit mo naman. You're like a puppy."

Tabingi ang ngiti ni Gun. "Salamat?"

"Pa-hug din sweetheart," sabi ni Jeannie. Tapos ay siya naman ang niyakap. Pero saglit lang. Buti naman dahil ang tamis tamis ng pabango nito.

Pagkalas nito sa kanya ay tumingin agad ito kay Off. "Ready ka na ba sa kissing scene natin, baby boy?"

Hindi nakapagsalita si Off, parang nahiya.

"Gusto ko 'yong may tongue ha?"

Nakita ni Gun kung paanong napakurap ng ilang ulit si Off na parang nabigla sa sinabi ni Jeannie. Siya naman ay nakaramdam ng pagkainis at hindi matiis na magsalita. "Sa script, smack lang," sabi niya.

"Eh di mamaya na 'yong may tongue, kapag nagpunta na siya sa condo ko," sabi ni Jeannie tapos ay kinindatan nito ang kaloveteam niya,

Lalo lang natulala si Off. Lalo namang nabuwisit si Gun.

Malandi ka!

"Natulala ka. Cute," sabi ni Jeannie. Hinaplos ang pisngi ni Off. Tapos ay tumingin ito sa kanya. "Hiramin ko muna kalove team mo, ha?"

Napansin yata ni Jeannie na nakasimangot siya kaya bahagyang natawa ito. "Off, look o, parang ayaw kang ipahiram ng kaloveteam mo," iiling-iling na sabi nito.

Si Off ay walang tugon kundi nahihiyang ngiti.

"Annie, pakiabot ng bag," sabi ni Jeannie, tumingin sa kaliwa. Naroon ang patpating baklang assistant nito na parang nataranta nang mautusan. Agad-agad na lumapit kay Jeannie ang assistant, bitbit ang shoulder bag ni Jeannie. Kinuha iyon ni Jeannie at binuksan. Tapos ay kinuha nito ang pink nitong wallet at naglabas ng calling card doon. Iniabot nito iyon kay Off. "Calling card ko. Call me if you want to hook up."

Papii is for Babii (OFFGUN FANFIC/BXB) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon