Ch 9: Ang Babaeng Ila-loveteam kay Papii

Magsimula sa umpisa
                                    

GUN

DUMAAN ang isang linggo matapos silang makulong sa CR para may away na namang magsimula sa pagitan nina Gun at Off.

Sa totoo lang, natutuwa si Gun na matapos nilang makulong sa CR ay sa kanya na naman sumasabay si Off ng pagkain. Palagi na naman itong nagpapahawak sa kanya sa kuwelyo at hinahayaan lang siya kapag gusto niyang kumapit-kapit dito.

Pero mawawalang parang bula ang kasiyahan niyang iyon ng ibigay sa kanila ni Kaibigang Oso ang script nila isang Sabado ng umaga.

Nasa opisina sila ni Kaibigang Oso, magkatabi sa sofa. Nakayapos si Gun kay Off nang abutin ni Kaibigang Oso ang naka-bind na script.

"May pagbabago sa script," sabi ni Kaibigang Oso, umupo sa couch sa tapat nila. "I suggest na basahin n'yo 'yong scene n'yo sa page 35."

"May love scene ba kami?" sabi ni Gun kay Kaibigang Oso.

"Meron ba? Ako ang top!" sabi agad ni Off, nagtaas ng kamay.

Napatanga lang sa kanila si Kaibigang Oso. Tapos ay pinandilatan sila nito. "Eh kung basahin n'yo kaya muna?"

Parang isang sayaw na sabay nilang binuklat ni Off ang script sa page 35 na inipitan na ng bookmark. Sabay din nilang binasa iyon ng tahimik. Si Kaibigang Oso ay inaabangan lang ang reaksyon nila.

"Whoa..." biglang nasabi ni Off sa tabi niya.

Siya naman ay nagsalubong ang kilay sa nabasa. Pinagpatuloy pa niya ang pagbabasa at tila lalong kinutkot ang damdamin niya. Napadiin ang pagkakahawak niya sa script.

Nang matapos nilang basahin ang page 35 ay sabay silang napatingala ni Off kay Kaibigang Oso. "May babae?!" sabay nilang sabi. Si Off ay masaya ang tono. Siya ay naiirita.

"Yes, may babae," sabi ni Kaibigang Oso. "Kasi 'di ba nashoot na last week ang kissing scene n'yo? Napansin ng creative team na awkward daw, parang hindi makatotohanan."

"What?" react ni Gun. Smack lang naman ang kinunan nila ni Off last week pero emote na emote siya doon. Pikit na pikit siya!

"Kaya naisip ng writers na baka masyado pang mabilis para idevlop lalo ng relasyon ang characters n'yo sa story," paliwanag pa ni Kaibigang Oso. "Kaya nagrevise sila at 'yan nga, may babae."

"Pero bakit kay Papii?" sabi ni Gun, inginuso si Off. "Bakit siya ang magkakaroon ng babae?"

"Hindi raw kapani-paniwala kapag ikaw," sabi naman ni Kaibigang Oso sa kanya.

"Kapani-paniwala kapag si Papii?" sabi ni Gun, tinuro ang katabi.

"Hah," sabi ni Off na ngiting-ngiti, nagmamagaling. "Ako kasi ang top."

Bumaling si Gun sa kaloveteam at binigyan ito ng masamang tingin. Hindi naman siya nito pinansin. Naniningkit ang mga mata nito sa tamis ng ngiti kay Kaibigang Oso.

"Sino naman ang gaganap na babae ko?"

Humugot ng malalim na hininga si Kaibigang Oso bago tumingin kay Gun. Parang natatakot ito sa magiging reaksyon ni Gun. "Si Jeannie."

"Si Jeannie?!" sabay nilang sabi ni Off. Masaya ang tono ni Off. Iritang-irita naman ang kay Gun.

Tumango si Kaibigang Oso.

Napasuntok sa ere si Off, napasayaw pa.

Kumunot naman ang noo ni Gun.

Si Jeannie ay katulad nila na isang sikat na teen actress sa bansa. Bumida na ito sa maraming romcom at palaging highest-grossing ang mga pelikula nito. Ang roles na ibinibigay dito ay palaging pa-sweet.

Kaya natural, si Papii, pumapalakpak ang tenga.

"Bukas na isu-shoot 'yan," sabi ni Kaibigang Oso. "Sorry, kagabi lang kasi natapos ang revision. Kaya iba 'yan sa binasa n'yo no'ng table read. Off, may kissing scene kayo ni Jeannie, ha?"

"Jackpot!" sabi ni Off, napasuntok uli sa ere.

Umikot naman ang mga mata ni Gun, isinara ang script at in-itsa sa kung saan. "Magpapahangin lang ako sa labas," sabi ni Gun, dahil iyon talaga ang ugali niya kapag naiirita siya. Tumayo siya at naglakaad palapit sa pinto. "Papii, 'yong sandwich mo, nasa bag ko."

Bago pa ito makatugon ay lumabas na siya at isinara ang pinto.

***

NAPASIMANGOT si Gun nang makita na panay ang ayos ni Off ng buhok nito sa tapat ng salaming napaliligiran ng ilaw. Nasa dressing room sila at excited na excited ang kolokoy na ma-meet si Jeannie. Kanina pa ito hindi mapakali sa dressing room habang siya naman ay nagbabasa lang ng comics sa sofa. Kaso, hindi niya maintindihan dahil mayat-maya niya nakikita si Off na nagpapabango at nagpapa-cute sa salamin.

Panay ang ayos ng suot nitong polong puti (dahil university students nga ang role nila) at panay ang turo nito sa sarili habang kumikindat at nagpo-pose.

"Papii..." sabi niya.

Natigil ito sa ginagawa. Lumingon ito sa kanya, hinihimas-himas ang baba. "Pogi ba?"

"Panget," sabi niya, masama ang loob. Ihinagis sa kung saan ang hawak na komiks. Hindi niya mapigilang mapanguso.

"Panget ka diyan," sabi ni Off, parang nairita. Tapos ay mabilis na lumapit sa kanya. Lumuhod ito sa sahig at nanatili siyang nakaupo sa sofa kaya nakayuko siya rito. Bahagya nitong inilapit ang mukha nito sa kanya. "Sige nga, tingnan mo sa malapitan kung panget talaga."

Halatang nanghahamon.

Kaya sa halip na umatras ay hinawakan sa kuwelyo si Off at hinila pang lalo palapit sa kanya. Sobrang lapit nito sa kanya na halos maduling na siya sa pagtingin sa mukha nito. Tinitigan niya ang mga mata nito, pababa sa matangos na ilong at sa namumulang labi. Bahagyang nakaawang iyon na parang gustong manghalik. Tapos ay nag-angat siya ng tingin sa mga mata nitong naniningkit.

"Panget talaga," sabi niya.

Bumukas ang pinto at napatingin sila doon. Naroon si Kaibigang Oso, napatingin sa kanila. Napangiti ito ng makitang ang lapit lapit nila sa isa't-isa. "Mamaya na kayo maglambingan," sabi nito. "Nandiyan na si Jeannie."

"Talaga?!" sabi ni Off. Namilog ang mga mata sa excitement. Napatayo agad ang mokong, daan para mabitiwan niya ang kuwelyo nito. Napatingala na lang siya rito at pinigilan niyang mapanguso na naman.

"Oo nandiyan na. Gusto ka niyang makita, Off."

Para namang may tinidor sa brief si Off. Hindi na alam ang gagawin. "Gwapo na ba 'ko Kaibigang Oso?"

Tumingin sa kanya si Kaibigang Oso bago tumingin uli kay Off. "Ang Babii mo ang tanungin mo."

Tumingin sa kanya si Off. "Ano, gwapo na ba ko?"

Tinitigan niya ito ng diretso sa mata bago niya sabihin, with all the bitterness he can muster, "Panget!"

Papii is for Babii (OFFGUN FANFIC/BXB) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon