Ch 8: Kanya-kanyang Moment

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko napigilang dumukwang at pagpagin ang puwitan niya.

"Ooy," sabi niya, napaatras. "Ba't ka nanghahawak ng pwet?"

Natawa ako. "Madumi pa. Tanga."

"Sana sinabi mo na lang," sabi niya. Sige na siya sa pagpagpag ng puwitan. "Tsansing ka, eh."

"Wow, ha."

"Tara na, ihahatid na kita," sabi niya.

"Ihatid mo talaga," sabi ko.

Kinuha niya ang bike sa 'di kalayuan at sabay kaming sumakay doon. Kumapit ako sa baywang niya at hindi na siya nagreklamo, na parang inaasahan na niya iyon. Nagsimula na siyang magpedal, humalik sa mga mukha namin ang panggabing hangin.

"Inaantok na 'ko," nasabi ko nang malakas. "Napuyat ako kaka-plano, eh."

"Sumandal ka sa likod ko," sabi ni Bentley.

"Ha?"

"Daming tutuli," komento niya. "Sumandal ka nga sa likod ko. Para mas komportable."

Bahala ka, susunod ako, naisip ko. Nanlalambot na kasi talaga ako. Isinandal ko ang pisngi ko sa mainit niyang likod at naamoy ko siya, pinaghalong pabango at usok ng ihawan. At imbes na kumalma ay parang lalong bumilis ang tibok ng puso ko at nag-init ang magkabilang pisngi ko.

"Enjoy?" narinig kong sabi niya.

"Baho mo, nerd," sabi ko.

"Ang cute mo, nerd," sabi naman niya.

"Wow ha."


Pero hindi na siya nagkomento. Nagpatuloy na lang siya sa pagpedal. Nakasandal ako sa likod niya na nangingiti.


(GUN)

INILATAG nina Gun at Off ang banig malapit sa pinto, para hindi napagigitnaan ng cubicles. Magkalayo silang natulog (dahil gusto ni Off) pero pagsapit ng alas-dos ng madaling araw ay may nangyari.

Nagising si Gun na nilalamig ang katawan. Buong araw siyang nanghihina at masama ang pakiramdam kaya alam niyang malapit na siyang lagnatin. At mukhang iyon nga ang nangyari dahil nang kapain niya ang leeg ay mainit iyon.

Napaungol siya. Mabigat ang pakiramdam niya, masakit ang kasu-kasuan niya. Bahagya rin siyang nahihilo at parang gustong masuka. The bathroom felt too cold, as if he was staying inside a freezer.

Pinilit niyang pumikit pero nanlalamig talaga siya. Kaya lalo siyang napapaungol.

"Gun?"

Nag-fetal position siya ng higa, umaasang makakahanap ng comfort doon.

"Gun?"

Naramdaman niyang may yumugyog sa mga braso niya. Itinihaya siya ng kasama niya. Idinilat niya ang mga mata at nakita niya ang mukha ng nag-aalalang si Off.

"Binabangungot ka ba?" sabi niya.

Nagbuga ng malalim na hininga si Gun. Kahit ang hanging lumalabas sa katawan niya ay napakainit.

"Papii..." sabi niya. Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. "Ang lamig."

Sinalat ni Off ang leeg niya. Lalong nagkaroon ng pag-aalala sa mukha nito. "Ang init mo."

"Papii... ang lamig talaga."

"Sandali lang," sabi ni Off. Sa mga mata niyang nanlalabo at mabigat ay nakita niyang hinubad ni Off ang jacket nito.

"Wala ako sa mood, Papii," sabi niya, bahagyang napangiti. "Saka na lang tayo magsex."

"Bobo," sabi ni Off. Pinagpag ang jacket nito, inamoy. Tapos ay ikinumot iyon sa kanya. Bahagya pa itong dumukwang para lang makumutan siya kaya napalapit ang guwapong mukha nito sa mukha niya.

"Pagpasensyahan mo ang amoy. Naisuot ko na 'yan nang maghapon."

Sininghot niya ang jacket. "Mabango nga, eh," sabi niya. Ramdam pa niya ang init ng katawan ni Off sa jacket. Ang pabango ni Off ay naroon pa rin, bumabalot sa kanya. At nagbigay iyon ng kapayapaan sa puso niya. Tumagilid siya ng higa at pumikit. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam.

"Papii..." sabi niya mayamaya.

"Bakit?"

"Salamat," sabi niya, nanghihina ang tinig.

"Akala ko manghihingi ka pa ng yakap, eh," sabi nito.

Ibibigaymo ba? Gusto sana niyang itanong. Pero masyado nasiyang nanlalambot. Nilanghap niya ang jacket ni Off at hinayaang kunin siya ngantok

(HELLO! PLEASE VOTE AND COMMENT! THANKS!)

Papii is for Babii (OFFGUN FANFIC/BXB) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon