Ngayon pakiramdam ko ay may utang na loob ako sa kaniyang kailangang bayaran. I don't know how to even face him after what happened. Kahit na may pagpapasalamat ako dahil sa kaniyang ginawa, hindi ko pa rin maiwasan ang mapuno ng kaba sa kaniyang presensya. It has been planted on my system that I should fear him, thus, I should build the courage and bravery whenever he is around.

December came and thus, the holidays. Hindi na masyadong napag-uusapan ang tungkol kay Trance ngunit si Kuya ay todo bantay na sa akin. He would always watch me in school, sasabayan ako sa pagkain. And whenever Kuya is around, Rhett was also there too, kasama si Kuya Jax na siyang ikinapapasalamat sa akin ni Marriam. It was just awkward because Kuya is not fond of Darwin. Pakiramdam niya kasi ay delikadong lalaki si Darwinnat sinasabihan niya ako palagi na mag-ingat din sa kaniya.

"Merry Christmas, Syd!" bati sa akin ni Marriam at iniabot sa akin ang kaniyang regalo. We also had our own mini party at our house. Kasama si Juniper doon na nahihiya pa sa presensya ni Marriam.

"Sa'yo din, Juni. I hope you like my gift." Iniabot din niya ang maliit na box ng regalo sa aking mahiyaing kaibigan.

"Thank you! Pagpasensyahan mo na ang regalo ko." I almost rolled my eyes at the timid Juniper.

Marriam giggled. "Ano ka ba? As long as pinaghandaan mo naman nang may pagmamahal ang regalo ay okay na sa akin."

I smiled at my two friends. Oo nga't malayo ang agwat ng pamumuhay nila pero nakikita ko namang magiging maayos ang pagkakaibigan na ito. I've never had a friend beside Juniper before. Hindi ako open sa iilang bata sa Orphanage at mas nasanay lang ako sa presensya ni Juni. Ngayong nadagdagan ako ng kaibigan, pakiramdam ko ay may pinanghahawakan na ako maliban sa isang kumpletong pamilya.

I greeted the two of them and gave them my gifts. I got Juniper a hoodie jacket at kay Marriam naman ay isang make up set na kalalabas lang for December collection. Both girls loved my gift actually. Ang natanggap ko naman kay Juniper ay isang phone case at kay Marriam naman ay isang libro. I once told her that I wanted to buy the physical copy of the book but it was sold out.

"Nag-enjoy ba kayo kagabi?" tanong ni Mommy sa amin nang makababa kami para mag-agahan.

"Yes po, Tita. Thank you po!" It was Marriam as she settled beside Juniper. Nasa kabilang bahagi ako ng mesa at katabi sila.

"Eat a lot. Ikaw Juni, parang blooming ka."

Juniper giggled."Hala si Tita, nakakahiya naman po!"

My mother laughed at her answer before she joined us for breakfast. Kuya and Dad were out somewhere kasama nina Tito Vladd at Rhett. Ang sabi ni Mommy ay maagang umalis ang mga lalaki.

Juniper and Marriam stayed for a few hours before the latter was fetched by her father. Si Juniper naman ay hinatid namin ni Mommy sa orphanage.

"See you sa New Year, Syd!" she waved at me. Kumaway naman ako pabalik bago sumandal sa upuan ng kotse.

When we were out of the orphanage, Mom asked me if I have somewhere to go.

"Mom, are the Vasilievs joining us for Christmas this year?" I asked her, instead.

"Hmm, yeah. Wala silang planong mangibang bansa kaya sinabihan ako ni Aleah na magtipon-tipon na lang tayo sa bahay."

I nodded. I was thinking of what to give to them, lalong-lalo na kay Rhett dahil sa ginawa niyang pagligtas sa akin.

"Can we go to the mall po?"

"For the gifts?" Mommy smiled.

"Opo."

If I have Nothing (Absinthe Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon