CHAPTER 3 - PRANK

97 31 0
                                    

"Good Morning Sir" sabi ko.

Nanlaki naman ang mata nya ng makita nya ko na parang nagkita na kami dati pa. Anong akala nya destiny kami? Agad rin naman syang nakarecover tapos hindi na nya ko pinansin.

Attitude ka gorl?

Pumunta nalang ako sa kwarto ni Nestea, Uutuin ko nalang sya ng uutuin para mabawasan yung sungay nya. Pagdating ko sa kwarto nya ay puro hello kitty.

"Why are you here?" bored na sabi nya.

"Akala ko ba peppa pig gusto mo?" walang hiya na Aling Esme yan, hindi pa sya napunta dito at peppa pig pa talaga ang natipuhan nya?

"Nobody knows that my favorite character is hello kitty." eh kaya naman pala humahaba ang sungay ng batang to walang nagcocomfort, papapuntahin ko nalang sya sa cr mamaya. "Only you and my mom and I don't know if my dad knows"

"Where's your mom?" masyado nakong nagiging magaling magenglish dati pro lang eh ngayon batak na.

"I don't know, the hell you care" sabi nya at inirapan ako.

"Sige sungayan mo ko ng isumbong kita sa daddy mo" inirapan ko rin sya.

"Whatever" kekeltukan ko na sana sya ng naramdaman ko sasabog na ang aking pantog kaya hindi nako nagpaalam sakanya at dumiretsyo na sa banyo nya.

Muntikan pa kong atahikin sa puso ng makita kong napakaraming ipis sa banyo nya. Nang tignan ko naman sya ay mamatay-matay sya sa kakatawa.

Napaihi na rin ako sa short ko dahil sa kaanuhan ng batang to. Hindi ko sya pinansin at dumiretsyo nalang sa kwarto ng mga katulong pero sa kamalas malasan ay nabunggo ko pa si Sir Martinez.

"Sorry po Sir Martinez" sabi ko at aalis na sana ng hawakan nya ko sa pulso ko. Sir naman hindi ito ang oras ng malawattpad na scene, Ang panghe ko na.

"What happ--" hindi ko na sya pinatapos magsalita at nagsalita nako.

"Later Sir," tumakbo nako at sinigurado na wala ng mabubunggo, bwesit na bata ibang klase ang collection ipis.

Ilang beses ko pinigilan ang sarili ko na wag murahin si Nestea sa isip ko habang naglalaba ng uniform ko. Narealize ko din na hindi papala ko nakakatext sa jowa ko simula ng dumating ako dito. Kaya imbis na si Nestea ang minura ko ay yung nagsnatch ng Iphone 11 ko ang minura ko.

"Oh bakit hindi mo suot ang uniform mo?" tanong ni Aling Esme na nakapamewang pa.

"Natapunan po ng juice" narinig ko naman na umiiyak si Nestea kaya di na ko na pinansin si Aling Esme at umakyat na sa kwarto ni Nestea.

Aba ako ang pina-prank sya umiyak???

"You're grounded, Aiana." Rinig kong sabi ni Sir Martinez.

Sino bang Aiana? Don't tell me apat talaga ang anak ni Sir? Napakadami namang anak nento sabi nga maganda ng isa lang. Tsaka ano daw Grounded?

Nakasalubong ko naman si Sir Martinez sa harap ng pinto ni Nestea. Hindi sya nagsalita, tinignan nya lang ako at ang suot ko. No choice kase ako kaya sinuot ko yung unggoy ang print terno.

Akala ko umalis na sya pero nagsalita pa sya "Go to my room" umungo lang ako pero di ako agad sumunod kay Sir Martinez syempre badgirl ako tatlo higaw ko sa tenga.

Pumasok muna ko sa kwarto ni Nestea para hanapin kung sino yung sinasabi nyang Aiana pero nakita ko nagiisa lang si Nestea umiiyak.

"Go tell to my dad our secret" Sabi nya at umiyak iyak.

"Sa susunod na, para may pang blackmail pa ko sayo" inirapan nya naman ako kaya inirapan ko din sya.

Inayos ko ang law ng kwarto ni Nestea pero mas lalo lang akong nainis sakanya ng nakita ko ang litrato nya na may nakasulat na Aiana.

"Nestea, huh" sabi ko at inangat ang picture nya na may pangalan nya palang tunay.

Nanlaki naman mata nya ng mareliaze nya kung ano ang ginawa nya, Nakakarami na ang batang to sakin masyado na syang madaming kalokohan.

Hindi ko na sya pinansin at pumunta nalang sa office ni Sir Martinez pero nakita ko si Mae Arie sa tapat ng pinto ni Sir at parang may pinakikinggan. Kaya binuksan ko ang pinto kaya muntik na syang madapa sa sahig tumingin sya sakin at aktong magsasalita sya ng magsalita nako at pumasok sa loob tsaka sinara ang pintuan.

"Sir Martinez tawag nyo po ako?" tumingin sya sakin na parang nagulat sa presensya ko at tinago ang cellphone nya na akala mo kukunin ko.

Kala nya sakin walang pambili???

"Take a sit" Sabi nya ngayon di na sya nakatingin sakin.

"Sir Martinez wag nyo ho i-grounded si Nestea" kinunutan nya naman ako ng noo. "Este Aiana" Umiling iling naman sya.

"It is my way to discipline her" binuksan nya naman ang drawer nya at tumitigtig don.

"Sir, wala naman po saking ginawa si Nes--, Si Aiana" tumingin na din ako dun sa drawer na tinitignan nya pero ng napansin nyang tumitigtig na din ako sinara nya na. "Its my fault, Sir Martinez" pero ang batang yun talaga ang may kasalanan.

"Why are you defending her?"

"Trip ko lang po" bulong ko.

"What?" medyo tumaas na tono na sabi nya.

"Kase wala po talaga syang kasalanan" sabi ko ano ba to si sir CEO naman sya pero paulit ulit sya.

Kaya yung jowa ko pag paulit ulit umaalis nalang ako ending nakakapaglaro sya ng ML bano naman puro layla alam.

Binuksan nya ulit yung drawer na tinitignan nya kanina pero sinara nya ulit, Inurong nya ang mga gadget sa lamesa nya.

"Give it to Aiana" sabi nya. kinuha ko naman yun at akmang aalis nako ng "Inah" kaya lumingon ako sakanya.

"The heck" Ayaw na ayaw ko talaga yang second name ko parang minumura ako pag tinawag ako.

"What?" tumaas ulit ang tono nya, at ngayon ko lang na realize na parang mura din ang pangalan nya Hector equals The heck.

"Bakit, Sir?"

"I'm Sorry" pangiwi naman ako "I mean tell Aiana that I'm Sorry" bawi nya akala ko naman nagsosorry sya kase hindi nya na kaya bayaran yung sweldo ko.

"Copy Sir Martinez" sabi ko at umalis na ng tignan ko naman ang gadgets ni Nestea ay napagpasyahan ko na utuin nanaman sya para matawagan ko na ang aking jowabels.

My Boss Is A Snatcher Where stories live. Discover now