Chapter LVIII

703 14 0
                                    

PAGTAPOS ng binyag ni Ziya, nag-karoon kami ng reunion kaming mag-kakaibigan. Masaya sila dahil sa haba ng panahon, nag-kasama-sama ulit sila.

Nasa loob sila ng resort na pinag-mamayari ni Zrel. Dito nila naisipang mag-kita kita ulit.

Nakauwi narin si Thunder sa pilipinas halos kasunod lang ito ni Precious. Nasa resort sila ngayon kasama sina Thunder, Rain at Kevin na buhat ngayon ang baby nila.

Sina Zrel at Precious nalang ang hinihintay nila.

Napalingon sila sa entrance ng inilabas nito sina Zrel at Precious. "Hi baby Ziyaa! Lumalaki kana" ani Precious ng makalapit kay Ziya at hinalikan sa pisngi ang bata.

"Yup. Masusundan na nga siya eh" Kevin said. "Kayo ba bro? Kelan kayo gagawa ni Lil'sis ng baby?" Dagdag pa niya at binalingan ng tingin si Zrel.

"Tch. Within this month malalaman nyo ng buntis si Bella" ani Zrel kaya naman hinampas siya ni Precious sa balikat.

"Kakahiyaaaa!!" Ani Precious kaya natawa kaming lahat.

"Btw guys! May bisita pala tayo" sabi ulit ng nobyo niya kaya napalingon ang lahat sa kanya.

"Sino naman?" tanong ni Rain.

Siya ang kakambal ni Zrel.

"My cousinnn!!" Aniya at biglang lumabas sina Xavier at Margo, wahhh! Kasama rin nila ang anak nila!

Omg. Bakit hindi niya alam ang tungkol dito? Hindi man lang kasi sinabi ni Kevin sa kaniya na nakauwi na sina Xavier at Margo.

"Bakit naman hindi kayo nagpasabi na uuwi kayo Margo?" Ani Leann.

"Sabi kasi ni Kevin na dapat secret muna kaya ayun sinakyan nalang namin"

Napailing nalang siya. Ang dami talagang pakulo ni Kevin!

"I miss you, Leann!" Ani Margo at niyakap siya. Napangiti siya dahil sa ginawa ni Margo .

Honestly, hindi sila gaanong close ni Margo, pero ramdam nito na mabuti siyang kaibigan.

Bumaklas siya sa yakap nila at yinakap din si Precious. "I miss you too, Precious!"

"Na-miss din kita, Rance!" Aniya ay bineso naman si Zrel.

Ok na kaya sila?

Humarap siya saming lahat at tinignan ang bata sa ilalim niya. Oh gosh, ngayon lang namin napansin na may kasama silang bata!
"Bless to your tita and tito, Kaizer" aniya kaya naman lumapit sa kanila yung bata at nagmano.

"Ilang taon na siya, cuz?" Tanong ni Kevin kay Xavier.

"3 year old" sagot nito.

Gezzz. Siya ang anak nila ni Xavier!

"Kyaahh! Ang laki laki mo na" sabi niya at ginulo ang buhok nung bata.

Pagtapos ng ilang minuto ay nakakain na sila at nakapag-kwentuhan tungkol sa mga bagay bagay. Nasa pool side sila ngayon at nakaupo. Couple sana ang lahat kaso—

Hindi naman sina Thunder at Rain.

"Truth or dare tayo!" Ani Kevin kaya napalingon ang lahat sa kaniya.

"Ano ba naman 'yan! Wala bang bago? Lagi nalang 'yan" reklamo ni Rain.

"Wag ka nang magreklamo, Rain. Siguradong masaya to dahil ngayon nalang ulit tayo nag kasama sama" ani Kevin. "Sinong willing sumali?" tanong pa niya sa kanila.

"Wala naman kaming magagawa" ani Thunder kaya naman tumawa si Kevin.

"Ok , lets start!!"

Nag-ayos kami ng posisyon at nag-pabilog. Mukhang wala na kaming magagawa at sumunod nalang sa gusto ni Kevin.

Casanova's Love #2.2 [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu