Kabanata I

664 57 34
                                    


Katulad ng ibang kabataan nangarap, hinarap ko ang bagyo ng buhay na walang ibang dala kundi ang mga pantasiya ko. Pantasiyang dumurog sa akin, na dahilan kung anong klaseng tao ako ngayon.

Napabuntong-hininga ako habang tinitignan ang kapiraso ng kwadernong hawak ko. Halata ang bakas ng paglipas ng panahon sa bawat kulay ng mga pahina nito. Dito ko isinulat lahat ng gusto kong makamit sa buhay.

Habang binabasa ko ito, napagtanto kong kahit papaano ay marami narin akong natupad. 

Napagtapos ko na ng pag-aaral ang nag-iisa kong kapatid na lalaki, si Tristan. Business Administration and Management ang kinuhang kurso ng kapatid ko nang magkolehiyo ito. Dahilan narin sa kagustohan niya sa larangang ito, sinuportahan namin siya. 

Ngayong taon, isa siya sa mga fesh graduate na may mataas na parangal. 

Nakabili narin kami ng bahay. Sa katunayan noong huling sabado pa lamang namin  natapos ang pagbabayad dito na kasalukuyang paglilipatan na namin ngayon. 

It was a house in a Village named 'Villa Lamellar'.

Ang bahay ay may limang silid at tatlong paliguan. Subra na ito para sa aming tatlo, ngunit binili parin namin ito para narin sa mga kamag-anak naming gustong magbakasyon. Sa ganitong paraan ay may matulugan man lamang sila dito sa siyudad.

Nakapagpatayo na din kami ng negosyong mapagkakakitaan. Ito ang pinakaunang plano na isinagawa namin. Kinakailangan kasi namin ng maipang-tutustos sa pagaaral ng kapatid ko, at makapag-ipon narin kahit papaano sa pambili ng bahay.

Gamit ang mana ni mama na lupa galing sa magulang niya sa probinsya, nagpatayo kami ng sakahan at inalagaan ito para lumago. Kahit maliit at bata pa sa industriya ang negosyo, dahan-dahan itong umuunlad at gumagawa ng pangalan sa aming probinsya.

Sa tulong narin ng kapatid ko kamakailan lang, maayos naman ito kahit papaano.

Tinanaw ko ang dalawang huling layunin sa listahan.

Dahil narin sa kagustuhan kong maglakbay sa ibat-ibang lugar ay sunulat ko narin ito bilang isa sa goal ko. Gusto kong maglakbay kasama ang pamilya ko.

Pero napagisip-isip ko rin na tumatanda na ako, kaya gusto ko sanang magka-anak muna bago magtravel kasama ang pamilya. Mas masaya rin kung kasama ko ang anak ko sa mga panahong iyon.

Napabuntong-hininga ulit ako ng malalim at inilagay iyon sa kahon.

Kasalukuyan kaming nagiimpake para makalipat sa bago naming tirahan nang matagpuan ko ang journal ko na naipit sa isang sulok.

Tulad ng iba na walang permanenteng tirahan sa siyudad ay nangungupahan lang kami, dahil wala naman kaming bahay dito na maaaring tirahan nang makuha ko ang trabaho.

Mahirap talagang manirahin sa siyudad kung wala kang sariling bahay. Marami kang bayarin at maaari pang mabaon sa utang, sakaling hindi mo maayos na pagiisipan ang mga desisyon mo. Lalo na sa mga bagay na pang-pinansyal.

Mula sa pagbabayad ng kuryente, tubig at renta. Hindi pa kasali roon ang pang-araw-araw na gastusin ng pamilya, pamasahe, pagkain at iba pang mga bayarin.

Limang taon rin ang ginugol namin sa pag-iipon bago nabili ang bahay na inaasam. Mabuti nalang talaga at malaki ang kita ko sa huling proyekto namin at sa maliit na negosyo sa probinsiya.

Nang matapos na sa pag-iimpake ay bumyahe na kami patungong village, kasunod ang truck na renentahan namin. Minaneho ko ang kotse na panahiram ng kompanya sakin, nang magtrabaho ako sa firm. Para masiguro na hindi malate ang empleyado nila, nagpapahiram sila ng sasakyan sa mga ito.

Luscious Kisses of Dawn (KS #1) [ON-HOLD]Where stories live. Discover now