CHAPTER 1- A thousand and one hundred eleven

35 3 0
                                        

Have you ever been hurt?

Gaano kalalim, kababaw?

Gaano katagal, kabilis?

Gulat akong nakatitig sa dalawang taong nasa harap ko ngayon. Ni salita wala akong nabigkas. Wala akong ibang maramdaman kundi pagkamanhid ng buo kong katawan.

"Akala ko date ng dalawang tao ang napasukan ko, honeymoon pala," napatawa ako ng pagak. Bigla silang napalingon sa gawi ko at bakas ang gulat sa kanilang dalawa.

Wala silang karapatang magulat kasi sa una palang walang kagulat gulat doon pwera na lang kung forbidden love ang meron kayo. Sabagay sino bang hindi magugulat kung mahuhuli ka sa kasalanang matagal mo ng inililihim tsk. Mark with his excuses.

Four years na kami at sa loob ng four years na iyun 'di ko naiisip na darating ang araw na ito dahil hindi mo naman makikita sa kanya. Mahirap basahin si Mark kaya sa tagal na naming magkarelasyon, di ko naisip na hahanap siya ng iba.

"Jade," bakas pa rin ang gulat at takot sa salita ni Mark.

"Bakit, bakit gan'to? Wala naman akong pagkukulang, meron nga ba? Kung meron sana sinabi mo diba?"

'Di ko na mapigilang maitanong. 'Yon naman diba palagi ang unang itinatanong kapag nagcheat ang isa sa inyo. Sa totoo lang 'di ko maintindihan ang sarili ko.

Ang isip ko madaming tanong tulad ng 'saan ba ako nagkulang', 'saan ako nagkamali?', ganito, ganyan. Pero ang puso ko sinasabing 'tama na'.

"Jade, wala, please let me explain," lumapit sakin si Mark at hahawakan na sana ako pero kasabay nun ang pag-atras ko.

"Akala ko...buong akala ko..." di ko maituloy ang dapat kong sabihin dahil sa luhang gustong kumawala pero ni isang patak walang lumalabas sa mata ko.

"Akala ko okay pa, masaya pa tayo kanina. You even said that you're going to proposed to me, ah no, 'wag mong sabihing wrong send yun?" Napatawa ako sa nasabi ko.

"Y-yes, Jade. I'm sorry let me explain. 'Wag mo kong iiwan," pagmamakaawa niya habang pilit na hinahawakan ang kamay ko.

Binawi ko ang kamay ko sa kanya,"Sana naisip mo iyan bago mo gawin ang bagay na 'to pero hindi, Mark. Kung ano mang balak mo sa babae na yan sana sincere ka kasi kung hindi, ikaw na ang pinakaworst na lalaking nakilala ko.

I guess, dito na natatapos 'to, hindi ba?let me leave you a message, then. Sana ito na ang huli," iyon nalang ang nasabi ko sa sitwasyon na iyon kasi hindi naman na siguro kelangan ng mahaba pa, kasi tapos na.

Lumabas na ako ng restaurant na iyon, kung saan kami laging kumakain kapag monthsary, na ngayon ay hindi na ako.

"Taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon fresh pa rin sakin ang lahat," sabi ko sabay higop ng kapaeng nasa harapan ko habang kausap ko ang besprend kong si Camry.

"Baka 'di ka pa rin nakamove-on o 'di kaya naman yan yung way ng isip mo para tuluyang makawala lahat tsaka para tuluyan ka na rin makalipat sa bagong chapter ng buhay mo," litanya niya.

"Siguro nga," yan nalang yung nasabi ko sa kanya kasi kahit ako 'di ko alam.

"Baka din kailangan mo na talagang ng someone na makakapagheal sa puso mo Jade. Maganda ka at may maayos na pamumuhay. Papakasalan na lang ang kulang," siguro nga tama siya.

Nagtagal pa kami dun hanggang sa may tumawag kay Camry kaya kailangn niya nang maunang umalis sakin. Nanatili pa ako dahil wala na rin naman akong gagawin at pupuntahan.

"Pwede makiupo?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Pabango palang masasabi ko ng mamahalin. Umakyat ang tingin ko mula sa iniinom kong kape papunta sa mukha niyang nakatitig sakin at hinihintay ang sagot ko.

"S-sure," nauutal kong sabi. Hays ano ba jade? Umayos ka nga.

Naupo na siya at naglapag ng americano sa harap at nagbasa ng newspaper. Masasabi kong 'di siya kagaya ng mga modernong lalaki ngayon kasi sa ayos ba naman ng pananamit at tindig parang nasa sinauna lang ako.

Napatagal siguro ang titig ko kaya napatingin siya sakin na may halong pagtataka.

"Sorry, sige goodbye," nahihiyang sabi ko. Ano ba jade? Bakit kailangan may paalam? Jowa mo ha? Pamilya? Kaibigan? Diba hindi?

Patayo na sana ako ng nagsalita siya.

"Saan,"

"H-ha?"

Tinignan niya ako na para bang nilalait ako sa pagiging mabagal ko pumick up. Naiintindihan ko naman ei ang 'di ko lang maintindihan bakit kailangan niya pa itanong.

"Nevermind," sabi niya sabay higop ng kanyang kape ang tumuloy na sa pagbabasa.

Nawi-weirduhan akong umalis at inaliw ang sarili ko sa paggagala.

Nang mapagod ako ay naupo na lang ako sa bench sa labas ng mall na pinaggalaan ko.

"Are you done?" Agad akong napalingon sa nagsalita at napagtantong ito yung lalaki kanina.

"H-ha? Oo."

"Lets go home,"

"H-ha?"

"Gusto mo pa bang ulit ulitin ko sa'yo jade para maintindihan mo?" Aniya na galit na.

Pagkasabi niya nun ay bigla na lang akong natawa. Yung itsura niya kasi hindi mo maipinta. Sinamaan niya ako ng tingin matapos kong pagtawanan ang itsura niya.

"Masaya ka na niyan?" Maririnig mo ang pagkairita sa pagkakatanong niya.

"Oo."

"I don't care if you don't want to go home, I'll go first." Hayan na, end of discussion. 'Di pa nga nag-uumpisa, tinapos na agad. Playing safe si kuya niyo haha.

Naglakad na siya papalayo sakin kaya bago pa man tuluyang makalayo tumakbo na ako papunta sa kanya.

"Uy, joke lang naman e." Pagpapacute ko habang nakahawak sa kanyang kanang braso at nakatingala.

"Ah, eh yung pagre-reminisced mo sa EX mo at 'di pa pagmo-move on? Joke lang din ba 'yun?nakakatawang joke naman. Grabe tawang tawa ako, ha-ha." Pagtatanong niya na parang 'di naman talaga tanong at talagang inemphasized pa niya ang word na ex.

"Palabas lang 'yun. Alam ko namang nakikinig ka sa usapan namin. May pasabi sabi ka pang 'go on hang out with your friends, I don't mind' pero heto ka kasama ko."

"..."

"Hmph. Bilisan mo na nga."

Well, I guess, dito na nagtatapos ito. Ay, hindi. Hindi pa kasi sa tingin ko, dito palang nag-uumpisa ang lahat. The days, months, and years with Mark were fun but the seconds, minutes, and hours with Ethan were so much fun.

Madami akong natutunan kay Mark na mai-a-apply ko kay Ethan pero syempre mas higit pa dahil pareho man silang dumating sa buhay ko, malaki ang agwat nila sa isa't isa.

Isang tao ang aking hiniling kay God na kayang makapagpahilom sa 'kin, sa puso ko. Pero mas higit pa doon ang natanggap ko. Kaya sobrang thankful ako.

To the one whom I love the most, I love you.

To whom I loved, thank you.

JADE SANCHEZ-WRIGHT

The Man Who Heal Her Broken HeartStories to obsess over. Discover now