smile ♡ four

15 0 0
                                    

HAECHAN LEE
active now •

haechan
hoy babae

haechan
bakit kasama mo yung
mga babae tulad nina
iris ha

haechan is typing...

haechan
di ka ba nagsasawa sa
ugali nila?

valerie
ayiee chinat niya ako

valerie
miss mo 'ko?

haechan
pota- hinde! nagtanong
lang. bakit, explain mo nga
sa akin bakit ganyan? bakit
sila mga kasama mo? alam
mo ba kung anong klaseng
ugali niyang mga 'yan?
best friend ni miyuuki 'yang
iris na 'yan, ah? alam mo
naman siguro ugali ni
miyuuki? unless ikaw gusto
mo rin at pampalipas oras
mo rin 'yung mga ginagawa
nila.

valerie
hindi mo kasi alam. saka
bakit ka ba concerned sa
sinasamahan ko? hindi mo
naman ako kilala. wala kang
alam sa pagkatao ko o kung
ano. i just like your smile, pero
hindi ibig sabihin nun na kapag
may sinasabi kang ganyan sa
akin, hahayaan ko nalang
unsent

valerie
duck.

valerie went offline.

haechan
hindi nga ako duck!

haechan
tae. bat ka nag-offline? yun
lang sasabihin mo?!

haechan
tsk. wag na nga.

♡♡♡

Sabay-sabay kaming naglalakad nina Iris papunta sa usual table namin sa cafeteria. Pinagtitinginan kami ng lahat dahil kalat rin sa batch namin kung paanong mambully sina Iris sa iba. Although alam ko na masama ang ugali nila, hindi ko naman magawa ang umalis rin dahil alam ko ang maaring mangyari.

"Shet, ilag. Kahapon tinapon ni Iris 'yung pagkain ko dun sa humarang sa daan niya,"

"Grabe naman. Nakakainis lang naman kasi, nanggugulo siya,"

"Tahimik, marinig ka."

I sighed. Ganito nalang lagi kapag kakain kami ng lunch sa cafeteria. Makakarinig kami sa first years ng chismisan about sa mga  kagagawan nina Iris. Tapos kapag naman kakausapin na sila, ayaw nilang magstand up against her.

Hindi ko rin naman sila masisisi talaga, since may paglademonyita rin itong si Iris.

"Valerie, iorder mo na kami ng food. Kung anong pinakamahal, buy it," sabi ni Iris, nang makaupo na kami sa table namin.

Tumango nalang ako at saka naglakad na papunta sa may foods.

Minsan, naririnig ko rin 'yung iba na sinasabing sa lahat daw sa aming apat nina Iris, Camille at Miyuuki, ako raw ang pinakamatino at pinakagusto nila. Pero ngayong wala na si Miyuuki sa school, si Iris at Camille nalang ang kasama ko.

Nang nasa may counter na ako, tinanong ako nung canteen lady.

"Anong sayo, anak?" she asked, so I gave her a smile at saka tinignan 'yung menu for today.

"'Yung chicken pesto po with garlic bread, three orders-"

"Hoy. Bakit tatlo. Inutusan ka? Binigay sayo 'yung bayad?" biglang salita nung nasa likuran ko, kaya agad akong napalingon only to see Haechan himself.

Agad akong nagbigay ng pekeng nang-aasar na ngiti, saka siya hinampas.

"Oi, stalker ka na pala, duck, ha? Di mo sinabi sa akin," pang-aasar ko, ignoring what he said earlier.

Nagsasawa na rin ako, eh. Nagsasawa na rin ako na sina Iris at Camille ang kasama ko. Nagiging utusan lang ako at pakiramdam ko I'm so desperate for friendship. Kung talaga magkalakas na ako ng loob, aalis na ako sa kanila. Soon.

"Tsk, ewan ko sayo. Wag na nga. Nagtatanong lang," sabi niya, sabay walk out.

Nang makaalis na siya sa likuran ko, I found myself smiling genuinely.

Kahit na sinusungitan niya ako, pakiramdam ko naman na mas espesyal ako kesa sa nararamdaman ko dati. After all, I felt like someone actually cared for me at hindi lang 'yun dahil may nais silang makuha sa akin.

Pero... why did Haechan suddenly act concerned? Kapag magkakasama naman kami nina Iris, hindi namin pinahahalata ang ginagawa nila sa akin. Gaano ba katalas ang mga mata niya?

Nang makapagbayad na ako at saka makuha ang food na inorder, naglakad na ako pabalik sa table namin. Kaya nga lang, bigla akong kinilabutan nang sinamaan ako ng tingin ni Camille at Iris.

Hala. Shet.

I forgot that Camille likes Haechan so much.

smile ♡ lee donghyuckWhere stories live. Discover now