I shrugged and texted Sir Nico para magpasundo. Trip na trip ako no'n sunduin o ihatid. One call/text away lang. Ewan ko rin kung bakit.

After few more chitchats, nagpaalam na ang 4 na mauuna. Malungkot na yumakap sa akin si Hugh bago umalis na ikinangiti ko.

For me, he's very much suited in our course. Marami siyang alam tungkol dito at mga background knowledge, kaya't nagulat ako na gusto niyang magpursue ng culinary na malayong malayo sa field na ito. I guess, you can't really remove a person's wants and needs in choosing a career 'no?

Hugh and his passion for food.

Dumating ang sasakyan ni Sir Nico at nagkatinginan sila ni Brain. For a moment parang may invisible electricity na dumaloy sa line of vision nila, taray anime? Pero nawala rin agad.

I hopped in the shotgun seat. Sinarado ni Sir ang pintuan kaya't hindi ko naririnig ang sinasabi niya kay Brain na siyang dahilan ng kanilang pananatili sa labas ng sasakyan for like a couple of seconds.

Nang umandar ang sasakyan ay nasanay na akong kinakalikot ang iPod ni Sir for some music. Wala ako sa mood sa mellow songs at relaxing kaya umalis ako sa kanyang playlist at naghanap pa.

"Stay for tonight
if you want to
I can show you
what my dreams are made of."

Sa pangalawang line ay sumabay sa akin si Brain mula sa backseat. Napa-headbang ako at sinabayan siya sa pagkanta ng susunod na lyrics. Para kaming nagsha-shower concert sa loob ng kotse ni Sir.

"How the hell did we end up like this?
You bring out the beast in me
I fell in love from the moment we kissed
since then we've been history"

Kellin's voice is so soothing for me, kahit na hindi mo maiimagine na lalaki siya sa unang rinig mo ng kanyang boses. I guess I liked him more because of that.

Nagtatawanan kami ni Brain sa loob ng kotse noong binirit niya ang higher note. Dumako rin ang usapan namin tungkol sa kung ano-anong bagay tungkol sa banda at umabot pa sa issues nito sa alcohol and such.

"They say that love is forever
your forever is all that I need.
Can't promise that things won't be broken
but I swear that I will never leave"

The song ended with our voice singing along with it. The next songs were still songs of the same band and I can't stop giggling with Brain habang patuloy kaming dalawang kumakanta.

Pero tumigil na lamang ako noong tumikhim si Sir. His eyes were fixed on the road na para bang may ginawa itong masama sa kanya. Without any word, I turned the volume lower and just hummed it peacefully.

Nakakahiya, siya na nga ang sumundo siya pa ang mukhang na-a-out of place.

"Sir 'di ba po graduating ka na this year?" Paninimula ni Brain matapos kami balutin ng katahimikan.

Tumango lamang si Sir na siyang kinakunot ng noo ko.

"This year? Akala ko next year pa?" I asked.

"Hindi, maaga ako ng isang sem dahil pinuno ko 'yong loads ko noong First Year tapos nakapag-OJT na rin ako."

"Pero sasabay ka sa march nila Sir?"

"Most probably."

Tumango tango naman ako pero nakita ko ang titigan ni ni Sir at Brain sa rearview mirror.

"Next year Sir, sa Law school ka na kung ganoon?" pagbabasag ko ng kanilang titigan.

"My plan. Tho I think I'll review first for LET then PhilSAT. Take undergrad subjects required for law school that my course didn't offer."

Thorns of Roses Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon