Chapter 6

11 2 0
                                    

Chapter 6

I dribbled the ball and shoot it. Almost ringless. I sighed as Brain threw another ball for me to shoot. I dribbled it again and forced myself to throw it strongest way possible.

"Galit." Renz uttered. Nakatambay kami sa kanila and we're playing ball, actually ako na lang. Katatapos lang namin sa mock game at hindi ko maipagkakailang magaling nga sila. It's not the first time we played, but it's the first time I get to appreciate it because I'm hella serious playing. Probably why it also affected their mood.

Even though I was the girl's basketball captain, both in junior and senior high, wala ka pa ring panama sa lalaki. I shoot better than them pero 'pag nasa court, iba pa rin ang dala at bigat ng kilos nila.

I sighed for the ninth time dahilan kung bakit binato ako ni Jace ng bolang hawak niya. Good thing hindi tumama sa akin!

"Kanina ka pa bumubuntong hininga. Hindi na nagparamdam sa iyo si Sir?" tanong ni Hugh, and guess what, anong ginagawa niya?

Hulaan mo nga.

Sumimangot ako naglakad palapit sa bleachers. Ang ganda ng court sa bahay nina Renz. Their house is not that far from school at dahil may kotse naman si Renz, na tamad siyang gamitin dahil ayaw niya raw na nagpa-park, magandang tumambay dito bago kami pumuntang school. It's saturday and we have our ROTC later in the afternoon.

It's luck I think. Ang totoo, hindi dapat pinapayagan ang engineering students na mag-ROTC dahil bombarded na raw sila sa mga gagawin, but other courses appealed and said na sila rin daw ay maraming ginagawa.

And the luck I'm saying is for me. I was actually looking forward in being part of this ngayong college, dahil High School pa lamang ay nagco-command na ako sa aming CAT. Although it's from different field, navy, maganda na rin ito for experience and credentials.

Nang tuluyan akong makalapit sa kanila ay inakbayan ako ni Hugh.

"Busangot ka riyan, hindi ka pa rin ba tinetext?" si Brain.

Ang totoo niyan, kung bakit wala ako sa mood ay hindi ko rin malaman. Isang linggo na ang dumaan mula noong huli kaming nag-usap ni Sir Nico sa cafeteria. Nakuha niya ang number ko and I've been waiting for a single text, pero walang dumating. Bawi my ass.

"Hindi ko na crush 'yon." sagot ko at inabot ang ang tubig. Although I think nagsisinungaling ako dahil fresh pa rin sa aking memorya ang itsura ni Sir noong naka formal attire siya.

"'Di namin tinatanong." sabat ni Renz. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan.

"Magsama mag-crush ng teacher." I hissed. It's true tho. Buti na lang at crush ko lang siya. It's normal for me to atleast feel this kind of infatuation atleast in every aspect of my life, noong high school ay may crush akong isa. Noong senior high rin isa, at ngayong college. Hmm. Not bad I guess.

"Puwede kaya." sabat ni Arn. Napalingon kaming lahat sa kanya. Sulitin ang mga salita ni Arn dahil minsan lang talaga 'to. "Technically, he's not our teacher. He's on his 3rd year in Normal." pagpapatuloy niya na siyang itinaas ng kilay ko.

"'Di nga? 3rd year sa Normal tapos nagtuturo sa LSU, senior high pa? Impossible." I hissed. Nang nakita kong nakatingin lamang sila sa akin ay napa-face palm ako. Mukhang ako lang ang hindi nakakaalam!

"Saan ka ba nag-aaral? His aunt is a stockholder sa LSU." si Jace na kulang na lang ay batukan ako. Tumango tango naman ako at nagkunwaring marami akong natututunan at interesado ako sa sinasabi nila, dahil kung sasabihin kong taliwas doon, magagalit 'tong mga 'to!

Seriously, boys and their pagiging chismoso. Daig pa si Calla na laging may chika sa akin, sa dami ng alam nilang chismis sa school!

Sumakay kami sa isang van at driver nina Renz ang nagmamaneho. Tamad talaga siyang dalhin ang BMW niya sa school. They chitchatted inside at nakikinig lamang kami ni Arn. Kung saan saan napupunta ang usapan namin, mula kay Sir hanggang sa mga babae nila, computer games, sa latest na PS5 at kung ano ano pa.

Thorns of Roses Where stories live. Discover now