Chapter 1: Unexpected Visitors

Start from the beginning
                                    

"Hahahaha napa-away kasi siya hahaha!" Singit ni Lucas. Siraulo talaga 'tong lalaking 'to.

Sumeryoso ang mukha ni kuya Leon at nag-iba ang timpla ng paligid. Bata palang kami ni Lucas si kuya Leon na ang nag-aalaga sa'min at ayaw niyang napapasama kami sa kahit anong gulo. Para siyang overprotective brother sa'min ni Lucas.

"What happened?" Tanong nito sa'kin.

Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalita.

"May nakasalubong akong grupo ng disco balls at lamp posts tapos pinagtripan nila ako kaya gumanti ako."

"Sigh" Si kuya Leon naman ang bumuntong hininga ngayon.

"Tell me what happened." Ma-awtoridad na utos nito kay Lucas at halata sa tono nito na hindi ito natutuwa. Napalunok si Lucas bago pilit na tumawa.

Wala ba siyang nagets sa kwento ko?

Sinimulang magkwento ni Lucas at ako naman ay tahimik lang. Hindi ko mapigilang umirap sa ilang parte ng kwento niya kasi naman may actions and hand gestures pa, akala mo batang nakapunta sa amusement park.

Huminga ng malalim si kuya Leon bago ito tumingin sa'kin ng seryoso saka umiling-iling. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nag-iwas nalang ako ng tingin para hindi na maging mas awkward yung atmosphere.Ilang minuto ang lumipas bago tumayo si kuya Leon at naglakad papunta sa kitchen area. Akala ko ay papangaralan niya ulit ako pero ngayon wala siyang sinabing kahit isang salita.Tumingin ako kay Lucas para tanungin kung anong nangyayari pero maging siya ay naninibago din sa pinsan niya.

Bumalik ito dala ang mga hiniwa niyang prutas pero hindi pa rin ito umiimik. Naging ganoon ang sitwasyon namin sa buong mag-hapon, wala ni isang salita ang maririnig sa pinsan ni Lucas.

Wala akong magawa kaya nagbasa nalang ako ng libro, maraming libro ang naka-display sa malaking bookshelf sa bukana lang ng kwarto. Mahilig kasi si kuya Leon magbasa at puro horror at thriller ang lagi niyang binabasa.

Habang nagbabasa, may biglang pumasok sa isip ko.

Kung hindi lang sana nagsalita si Lucas hindi sana ganito...

Nalipat ang tingin ko kay Lucas na naglalaro ng crossword puzzle. Napansin ako nito at nagtatakang tumingin ito sa'kin.

Ikaw na lalaki ka, napaka-daldal mo!

Tinitigan ko lang siya hanggang sa unti-unti kong siyang sinamaan ng tingin bago nagpatuloy sa pagbabasa.

Naging tahimik ang mga oras na lumipas. Kanya-kanya kami ng ginagawa at hindi nag-uusap. Nakaka-bored pero wala naman akong magagawa. Nasa kalagitnaan na ako ng librong binabasa ko at inaantok na ako. Isinara ko ang libro at matutulog na sana ako sa sofa ng isang malakas na tunog ng nabasag na salamin ang narinig namin mula sa labas ng VIP room.Agad kaming lumabas para tignan ang nangyayari sa labas.

Isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng black suit ang tumambad sa amin.Nagkalat rin ang mga basag na piraso ng wine glass at mga bote ng wine.May ilang mga tao sa loob ng bar pero wala naman akong nakikitang nasugatan o nasaktan.

"Hey there, bitch" Sabi ng isang boses mula sa likod ng mga kumpol ng lalaking mukhang hoodlum.

Nagulat ako ng makita ko kung sino ang nagsalita, yung babaeng disco ball!

Infairness mukha siyang christmas ornament ngayon at nagsama pa siya ng mga men in black.Hindi ko tuloy malaman kung pasko ba ngayon or halloween. Pero teka, paano niya nalamang nandito ako?

"Long time no see, my dear bitch" sabi pa ni christmas ornament.

Ang oa naman niya, kaninang umaga lang kaaway ko siya eh.

Gusto ko siyang ibalibag pero nanigas ako sa sunod na ginawa niya. May hawak siyang baril at itinutok niya 'to kay Lucas na ngayon ay hawak na ng mga kampon niya.

Anak ng putcha! Paanong nangyaring hawak nila Lucas?Tangina Lucas ano bang ginagawa mo puta!

Naging mabilis ang mga sumunod na nangyari. Binato ni kuya Leon ng mga mansanas ang mga lalaking naka-itim saka ito sumugod at nagpaulan ng suntok at sipa. Nabawi niya si Lucas pero nasuntok siya ng isang alagad ni disco ball at natumba siya. Agad ko naman sinipa sa tyan si disco ball habang distracted siya sa nangyayari. Nabitawan niya ang baril na sinipa ko palayo para 'di niya makuha ulit.Gigil na gigil itong hinila ako dahilan para matumba kami pareho. Nagpalitan kami ng sabunot at sampal. Pero lamang ako dahil sanay ako sa martial arts, pinasok ako ng ate ko sa isang karate school para daw matuto akong depensahan ang sarili ko.

Nagpakawala ako ng isang malakas na suntok at kita ko ang pag-agos ng dugo mula sa ilong ni disco ball at unti-unti itong nawalan ng malay.

"Fucking bitch..." Usal nito bago tuluyang nawalan ng malay.

Hingal na hingal akong tumayo at nakita ko si Lucas na pinagtutulungan ng mga lalake. Isa-isa niya itong pinagsisipa saka binalibag ang pinakamalaki sa kanila ngunit marami pang mga men in black ang lumapit kay Lucas at nakita ko ang isa kanila na may hawak na kutsilyo.

Tangina mga kriminal pala 'tong mga 'to.

"Lucas sa likod mo!" Sigaw ko dito.

Agad akong tumakbo palapit kay Lucas pero may kung anong pumigil sa'kin. Parang nanghina ang katawan ko. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko na para bang may humihigop sa lakas ko.

"Lyra!" Sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa entrance ng bar.

Si ate Shea.

Isang malakas na putok ng baril ang umalulong sa paligid. Napalingon ako sa pinanggalingan ng putok at nakita ko si Lucas na nakahandusay sa sahig at puno ng dugo.

"Lucas!"

Hahakbang na sana ako papunta sa kanya ngunit bigla akong nahilo at sandaling nagdalawa ang paningin ko. Isang kamay ang humawak sa likod ko at biglang naging mainit. Sobrang init dahilan para mapa-sigaw ako sa sakit. Ramdam ko ang pagkalapnos ng balat ko at ang pag-ikot ng paligid saka ako bumagsak sa sahig. Unti-unting bumibigat ang mga talukap ng mga mata ko.

Bumagal ang takbo ng oras at naging tahimik ang paligid, wala akong naririnig na kahit ano mang ingay. Nakita ko si kuya Leon na pinuntahan si Lucas at si ate Shea na tumatakbo papunta sa direksyon ko bago tuluyang pumikit ang mga mata ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AcademiWhere stories live. Discover now