Jasiyah

153 3 1
                                        

Unedited... :)

안녕! 👋👋👋

"Let's break-up"

Ang tanging natatandaan ko sa huli naming pagkikita at hindi matandaan ang mga dahilan na inilatag niya sa akin. Dahil nang ibato niya sa akin ang nga salitang iyon ay iyon at iyon lang ang umiikot sa utak ko. I tried to smile to him that day pero binigo ko ang sarili ko at umiiyak lang buong oras na magkasama kami sa bench na iyon.

Nang umalis siya ay doon ko na lang napagtanto na, 'Tapos na.' Hindi pa ako makagalaw at hinintay ang sarili na makakuha ng lakas upang maglakad paalis, palayo sa lugar na iyon. Isang tawag mula sa ina ang nagpabalik sa aking sarili, sinagot ko iyon. "Ma?" Pinunasan ang mga tumutulong luha.

"Ma?! Ano oras uwi mo? Kasama mo ba si Paolo? Bakit ganyang boses mo?" May saya sa sunod-sunod na tanong niya.

"I'm nearby po. Hindi ko po kasama si Pao, we broke up." Hindi ko napigilan na bigyan ang sarili ko ng pilit na ngiti. Parang ang normal lang para sa akin iyon pero parang ayaw ko munang gumalaw sa mga oras na ito.

"Ano? E ang ayos niyo pa kagabi." We don't know now what will happen today. The next day. Buntong hininga ang narinig ko kay mommy. "Should I call your friends?"

"Wag na po. Pauwi na ako. Ibaba ko na po."

"Sige. Niluto ko yung paborito ni Paolo. Kung ayaw mo ay ipamimigay ko nalang."

"Hindi na po gusto rin naman ang adobo Ma." Pinatay ko ang tawag at pilit na umuwi kahit na wala pa ako sa sarili. He really choose this place cause he planned to leave me. Na hindi niya na ako mahahatid pauwi. Dahil alam niyang huli na ito.

Dumating ako sa bahay na naghihintay si Mommy sa labas. She smiled when she saw me. Tumakbo siya papalapit sa gate at siya na mismo ang nagbukas kahit na trabaho pa iyon ng Guard. Kung normal na araw ito ay iisipin ko na sobrang saya niya na makita ako. "Are you tired?"

"Ano sa tingin mo Ma?" Sinubukan kong magbiro pero hindi ko maiwasan ang tunog ng pagiging bigo.

Bumuntong hininga siya at ngumiti. "Smile. Hindi pa katapusan ng mundo. You're dad left me, kita mo mas masakit yun no!" Sinusubukan niyang pagaanin ang nararamdaman ko. Would that work?

"Ma!"

"Okay. Tara na sa loob. Think about this as a hmmmmm... Isipin mo nalang na lesson ito. Ano ba kasing dahilan? Pareho naman kayong mature na hindi madalas na nag-aaway sa maliit na bagay at minsan lang magkaroon ng malalaking pag-aaway. Did he asked you to do it?"

"Ma, please. Walang pumasok sa akin ngayon. And you know him he'll never ask me for it."

"Kaya nga anong dahilan. Sobrang tuwang tuwa naman ang nga tita mo kay Paolo. At ang tita Paola mo alam niya na ba? Well, I can still go out with Paola if she wants." I don't know really.

Unang kasintahan ko si Paolo and he is my first break up too. Wala akong karanasan sa ganito pero alam ko kung paano kumilos ng wasto. "Nevermind bata pa naman kayo pero sayang yung friendship na nabuo namin ni Paola." Ang hirap pala na malapit ka rin sa pamilya niya. Nagbreak kami at parang nakipag-break rin ako sa pamilya niya.

"Hindi naman kayo ang naghiwalay ni Tita, Ma."

"But still if I go out with her makikita mo ang anak niya sa kanya."

What happened to us? Mahal ko pa siya at hindi na ganoon ang nararamdaman niya. Ano na ang gagawin ko sa susunod? Kailangan ko na ba siyang kalimutan at ang nararamdaman. Ang daming tanong, ilan lang naman ang masasagot ko. Ako naman ang bumuntong hininga kay Mommy bago naiyak muli.

Jasiyah (A Short Story)Cerita yang bikin terobses. Temukan sekarang