Chapter 10: Beautiful Love

Magsimula sa umpisa
                                    

She put down her phone. Umupo siya sa may bintana at tumanaw lang sa Seine river. Huminga siya nang malalim. Kinuha niya ulit ang cellphone at nagbukas ng music app. She played her favorite Christian songs. Just so she can stop feeling that she's alone.

Tumunog ang doorbell ng apartment niya. Dalawang beses.

Napakunot-noo siya. "Qui est-ce?" tanong niya kung sino iyon.

"Hey, cupcake," bati ng isang baritonong tinig mula sa labas.

Napasinghap si Eunice at tumakbo papunta sa pinto. Agad niyang binuksan iyon.

"Kuya Eugene!"

His forehead creased. "You seemed surprise. Didn't you receive Heart's message last week?"

"K-Kuya..." Napaiyak na lang bigla si Eunice at napayakap sa kapatid. Totoo ito! Nandito ito ngayon sa harap niya!

Biglang naalala ni Eunice na sinabihan pala siya ng pamangkin niyang si Heart na darating ngayon ang kapatid niya. Pumunta ito sa France para sa isang business trip, pero sasadyain ng Kuya niya ang Paris para bisitahin siya.

At ngayong araw iyon! Ngayon kung kailan kailangan niya ng kasama!

"You missed me that much?" Niyakap siya nito pabalik. Agad niyang naramdaman ang pagmamahal ng kapatid sa kanya.

"Did I surprise you, Eunice?" nag-aalala na ang tinig nito. "Why are you crying?"

God heard her... God heard her!

"I'm so sad, Kuya... Disappointed... Very hurt..."

Hinaplos nito ang buhok niya. "I'm here now. You're not alone."

Lalo siyang napahagulgol. With her brother, it felt like she's a little innocent girl all over again.

♥♥♥

HABANG nakatitig sa schedule ng trabaho si Terrence, pilit niyang iniisip kung paanong pagkakasyahin ang dalawang linggong trabaho sa loob lang ng isang linggo. At anong mga trabaho ang puwede niyang asikasuhin kahit nasa Paris siya.

Sa susunod na linggo na agad siya lilipad para maasikaso niya rin ang asawa. Pagkatapos nang lahat ng kinuwento at iniyak nito kanina ay nakaramdam siya ng inis na wala siya sa tabi ni Eunice. He was able to comfort her, but knowing his wife, she needs more than that.

All he could do now is pray. Mabuti na lang at tumawag sa kanya ang bayaw. Nasa Paris pala si Eugene para sa isang business trip. Tatlong araw itong mananatili doon, kaya't tatlong araw din na may kasama si Eunice. Mas napanatag siya.

God is truly looking after her wife. Doon na lang kumakapit si Terrence. Kumakausap din siya ng ilang koneksyon na puwedeng bantayan ang asawa niya sa Paris dahil baka balikan ito ng boyfriend ni Addie. If the man is violent, he can just hurt anyone. Even his wife.

"Terrence?"

Mula sa screen ng laptop ay napaangat siya ng tingin. "Minnah? What are you doing here?"

Sabado ngayon at hindi niya pina-require ditong pumasok ng opisina.

"May hindi kasi akong natapos na trabaho kahapon. Kaya itutuloy ko sana ngayon. Tutal, bukas naman 'tong opisina."

Tumayo siya mula sa kinauupuan dahil nakaupo siya sa puwesto nito. "I see."

"Ikaw? What are you doing here? Shouldn't this be your rest day?"

Love at its Greatest (Love Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon