[31] THE START OF THE HARSH TRAINING AND THE UNKNOWN VISITOR'S TAKER

262 41 8
                                    


Chapter Thirty-One:

[Sanctum Training Camp-East Border]

Mabilis na ipinilig pakanan ni Zoien ang kaniyang ulo matapos maramdaman ang parating na atake sa kaniyang likuran. Isang inches ang layo ng kamao na sana'y tatama sa gilid ng ulo ng dalaga. Agad na hinawakan niya ang braso nito. She locked it in place. Humakbang siya ng isang beses patalikod. Nang naramadaman niya ang katawan nito sa kaniyang likuran ay hinila niya ang braso nito. Nagawa niyang mabuhat ang dubleng bigat ng kalaban bago niya isinagawa ang isang 'judo back throw'.

Lumagapak sa training matt ang bulto ng katawan ni Darkiel. Malakas ang pagkakabato sa kaniya ni Zoien na kahit may panapin-ramdam ng katawan niya ang aspaltong sahig. Akala niya ay tapos na ang pag-atake nito subalit nabigla siya nang ipaikot ng dalaga ang dalawang binti sa kaniyang leeg habang yapos naman ang kanan niyang braso. Ramdam niya na tila mababali ang kaniyang mga buto at kalamnan. Halos maiyak na siya sa sobrang sakit na nararamdaman. She's using a wrestling move at him. Para siyang nililingkis ng isang anaconda.

Tagaktak ang pawis. Namimilipit sa sobrang sakit. Hinampas ng binata nang paulit-ulit ang training matt gamit ang kanan niyang kamay. Hindi na kaya ang sakit na nadarama.

"S-Suko na! Sumusuko na ako! Aackk! M...m-asakit!" Reklamo niya.

Napangiwi naman ang ilang Xtherion member sa nakita. Kahit malayo ay pawang ramdam nila ang sakit na nararanasan ni Darkiel. Sandali silang nagpapahinga mula sa ginawa nilang pagtakbo sa oval tulad na rin ng sinabi ni Zoien samantalang prente lamang na nakaupo sa ibabaw ng sangga ng mangga si Morgan. Kumakain ng bunga nito habang pinanonood ang kaganapan sa baba. Nasisiyahan siya sa mga nangyayari.

"Kung mabilis kang sumuko nang wala man lamang ginagawang counter attack. Most likely you'll be dead on the spot." She tugged on his arm bago iyon pinakawalan.

Tumayo si Zoien samantalang naiwan na hinihingal sa training matt ang nakadapang si Darkiel. Nagbabawi ng lakas.

"I know you have amazing shooting skills but you still lack when it comes to defense. Tandaan mo na ang pinakamahalaga sa isang misyon, ang kaya nating protektahan ang ating sarili." Pangaral ni Zoien. Nagtungo siya sa malapit na bench para kumuha ng isang towel at tumbler ng tubig.

Pagkatapos ay nilapitan niya si Darkiel. "Here. You have 10 minutes break before we resume our training." Iyon lamang ang sinabi ng dalaga bago umalis-naupo sa sa lilom ng puno.

Kahit hinihiningal ay nagawang pagmasdan ni Darkiel ang kinaroroonan ni Zoien. Nakasandal ang dalaga sa katawan ng puno habang nagpupunas ng sariling pawis gamit ang kulay berdeng tuwalya.

'D.mn! She's stronger than the combine stregth of Uno and Friore. Just who the hell is she?' He told to himself.

Inaamin niya na mahina siya pagdating sa 'Close Combat' subalit walang tatawad sa galing niya sa paggamit ng 'Sniper Rifle'. Kapag nagpatuloy ang ganito hindi maikakaila na maging pabigat siya sa kaniyang kagrupo. At iyon ang hinding-hindi niya hahayaan mangyari.

Handa siyang matuto. Hindi siya papayag na maging pabigat sa kanilang grupo. Makikita ang determinasyon sa mga mata ni Darkiel.

Lihim naman na napangisi si Zoien sa isang tabi. Isang bagay ang hinahangaan niya sa grupo. Iyon ang determinasyon sa kanilang mga mata. Handang matuto upang maging malakas. Isa sa mga katangian hindi matatawaran ninuman.

"Wow. I never thought she hides 'hulk' inside her petite physique. Saka nakita n'yo ba ang paraan ng pagkakahagis niya kay Dark. Pa'no nga ba 'yon?" Puwesto si Light at pilit na i-demonstrate ang shoulder throw ni Zoien sa harapan ng kaniyang Team-mates.

PROJECT CHROME 1: Concealed Identity (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora