Chapter 1

46 2 2
                                        

Chapter 1

"Haay buset di ko alam yung sagot!" inis na sabi ko pero pabulong.

Nandito kasi ako or should I say kami sa isang room at nag-tetest. Bakit? Kailangan daw eh. Eh transfer student kami tapos test! Anak naman ng tokwa di ba? -.-

Alam ko kasi kapag transfer student ka sa isang school ay hindi na kailangan ng test test na'to! Alam ko yung card lang yung ipapakita para malaman yung section mo hindi yung maghihirap pa kami!

Argh! Sina mommy kasi eh! Ba't pa ako pina-transfer eh maganda naman yung university na pinapasukan namin ng best friend slash sis ko!

Oo kasama ko siyang nagte-test. Nasa right side ko lang siya at busy-ing busy pa siya sa pag-sagot.

"Hey Sands! Anong number ka na?!" pabulong kong tanong. Baka kasi makita ako nung nagbabantay sa'min eh mahirap na

"Oh?" sabi niya pero di man lang siya tumingin sa akin. =__= Palibhasa kasi ayaw niyang mapunta sa lower section. Pero matalino naman talaga yang si Sandra Inah Collins. Siya ang sister slash best friend ko. Since birth best friend na kami niyan.

Bakit since birth? Mga mommy kasi namin ay best friend din. At tinuring na nga namin ang sarili na sisters. Kaya minsan tawagam namin ay sis o kaya besty.

"Anong number ka na?" tanong ko

"Nasa 84 na ako. Bakit?" sagot niya na hindi pa rin inaalis ang tingin niya sa answer sheet niya.

"Waaah! Nasa 51 palang ako besty!"

"Whaat?! Duh Meghan! Halos one hour na ang nakalipas simula nung nag-start ang time natin mag-sagot!" bulyaw niya sa'kin. Oo tama. Halos one hour na ang nakalipas at na-stuck pa'ko rito sa number 51 na ito!

"Argh! Like duh ka rin! Don't you dare call me that name!" asar na sabi ko. Masakit na nga ulo ko dahil sa lecheng exam na to. Sasabihin niya pa yon!

Wala lang ayokong tinatawagan akong 'Meghan'. Gusto ko Aki. Malayo ba? Eh kasi Meghan Akiana Kennedy. Ayan kaya tawagin niyo na lang akong Aki. Cute at unique kasi siya para sakin. Yung kasing Meghan parang ahmm di na siya unique. Pweh! Dami kong alam eh noh? XD

Grade 9 na ako this June. Yeah 3rd year high school pa lamang ako.

"If you say so. But the hell Aki! One hour na lang din ang natitirang oras natin bago ipass ang mga answer sheets! Nako nako akong mapapagalitan kay tita sayo eh!" gigil na sabi niya sa akin. Aba kasalanan ko bang nahihilo na ako at gutom na rito? -.-

"Eh nakakagutom mag-exam eh! At tsaka nahihilo na ako Sands!" sabay hawak sa ulo ko. Buti di kami napapansin nung babaeng nagbabantay sa amin.

"Okay. Tapusin mo na yan at kakain tayo mamaya sa cafeteria nila dito. Tapos libre ko na din. Okay Aki?" parang pinapakalma lang ako? HAHAHA parang kasing siya na rin ang nautusan ni mommy na bantayin ako. XD pero hindi naman totally na bantay. Kasi daw sabi ni mom ay baka di ko daw i-take yung entrance exam na ito.

May kalokohan din kasi ako minsan. Hahaha

"Weh? Hmm.. Basta yung MGA gusto kong pagkain ah?" sabay ngisi ko. BWAHAHAHA! Mahilig akong kumain! ^0^

"Oo na oo na. Basta bilisan mo para agad mong matapos yan!" at bumalik na kami sa pag-answer namin.

~*~

"Yes naman! Natapos din akooo~" sabay inat ko bago tumayo para i-pass ang bwiset na answer sheet na ito.

Pagkapass namin sa mga bwiset na answer sheets namin ay agad na kaming dumiretso ni besty sa cafeteria.

Yeah naman makakakain na rin sa wakas! Hahaha

Oy hindi ako patay gutom ah? Baka mapagkamalan niyo pa akong patay gutom. -__-

"Yung sinabi mo besty~" asar ko sa kanya. Hahaha kuripot kaya yan kahit mayaman. Ako din naman eh pero kasi siya may pa diet diet pang nalalaman. -__- Palibhasa tabachoy! Bwahahaha!

"Hoy hindi kaya ako tabachoy! Wala nga akong bilbil eh!" ay narinig pala niya sa isip ko? Bwiset naman. Baka di na ako ilibre eh

"Ah? Sino nagsabing tabachoy ka besty? Ha?! Sino sabihin mo uupakan ko!" bigla na niya akong binatukan.

"Aray namaaaaan!" sabay hawak ko sa batok ko. Amazona din to eh =__=

Lumapit siya at may binulong sa akin
"Manahimik ka Aki ang ingay mo nakakahiya. Tignan mo nakatingin na yung mga tao sayo!"

"Paki ko ba sa kanila eh di gumaya. Problema ba yon? Tss"

"Ay ewan ko sayo besty. Tara na nga pumasok na tayo sa cafeteria. Nakalimutan mo bang nagugutom ka?" hinila niya ako papasok sa cafeteria.

Oo nga no? Nakalimutan kong gutom ako. Hahaha nadala lang. Sorry -__-

~*~

A/N: OA po ba? Huhu sabihin niyo lang papalitan ko! Hahaha

Feeler na naman ako. Pero pabayaan na pagbigyan niyo na lang ako. Dati ko pa gustong isulat to kaso di ko alam kung gagawin ko siyang normal lang na story or vampire.

Vote and comment po if you like :)

Merry Christmas! ♥Hart hart~ :*

Two Different Worlds Collide (On-going) [Change Bookcover Later]Where stories live. Discover now