Nang mas mapagmasdan ni Caleb ang munting prinsesa ng prinsipe ng mga nyebe, gumuhit ang ngisi sa kanyang mga labi.

"Si sutil nga..."

Lalong humikbi si Divina. "I will tell this to King Das--" hindi ko na nagawang marinig ang sunod sa sinabi ni Divina nang bigla na namang kumirot ang dibdib ko.

Si Kalla ang siyang unang naalarma at nakalapit sa akin, bago si Rosh. Nakita ko kung paano nagtama ang mga mata nina Kalla at Caleb bago muling itinuon sa akin ni Kalla ang kanyang atensyon.

"I'm sorry... I didn't know..." ani ni Rosh.

Akala ko ay ako ang siyang kinakausap niya ngunit na kay Kalla ang kanyang mga mata.

Kinagat ni Kalla ang kanyang pang-ibabang labi. "Nahuli kami, Rosh..."

"May hindi ba ako nalalaman?" tanong ko.

Lahat sila ay napatitig sa akin. Ako na mismo ang nagtanggal ng mga kamay nina Rosh at Kalla mula sa akin nang mabilis kong Nabawi ang aking lakas.

"May magagawa ba tayo?" tanong ni Caleb.

Umiling si Kalla. "We could have stopped it. Wala sa atin ang maaaring makapagbigay ng lunas kundi ang kanyang sarili lamang."

Mariin napapikit si Caleb.

"Ano ang nangyayari?" ulit ko.

Ngunit wala sa kanila ang nagtangkang sumagot sa akin. Muling nabalot ng katahimikan ang buong paligid, inakala ko pang mas tatagal iyon nang si Rosh ang magpasyang basagin iyon.

"Paano kayo nakarating dito? It's not Lily. Nasisiguro kong kung ang kapangyarihan niya ang gamit n'yo... narito siya at..." sabay tumango sina Kalla at Caleb, tipid silang sumulyap sa akin.

"Naha made a painting... itinugma niya iyon mula sa isa sa mga larawan sa loob galleriya ni Amang Hari. Ito ang siyang ginamit naming lagusan." Sagot ni Caleb.

Tumaas ang kilay ni Rosh bago lumingon kay Nikos. "May nagawa na siyang tama."

"Aunt Naha's always right!" dagdag ni Divina.

"Supporter." Matabang na sabi ni Rosh.

"Ano ang dahilan ng inyong pagpunta rito?" hindi na naman makapagsalita si Caleb o Kalla sa akin.

Si Caleb ay lumingon muli kay Rosh. "Hanggang saan ang kanyang naala—"

"I don't know. Scattered. Shuffled. Isang layunin, ngunit wala na ang ibang ipinaglalaban."

Huminga ako ng malalim. "Kung hindi n'yo ako nais isali sa inyong usapan, ako'y magtutungo na sa karwahe at doon na lamang maghihintay."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila dahil nilampasan ko na silang lahat at nagtungo ako sa kagubatan.

Simula nang matapos ako sa ritwal, alam ko sa sarili kong may bagay na importanteng siyang nawala sa akin, ngunit bakit hindi ko iyon hinahanap-hanap?

Ang pakiramdam ko'y magaan ngayon at positibo sa paglalakbay na ito.

Kung anuman ang nawalang iyon... maaaring iyon ang siyang isinakripisyo ko sa ritwal, sakripisyong gusto kong mawala... sakripisyong ngayo'y makakatulong sa akin upang magpatuloy.

Wala sa sarili akong tumigil sa paglalakad.

Sa pusod ng kagubatan na tanging ingay lang ng hanging yumayakap sa mga puno at matataas na damo ang siyang aking naririnig, nag-angat ang aking mga mata sa kalangitan na ngayo'y nasasabugan ng mga ulap, ang mga iyon ay tila may buhay na nakikipaglaro sa buwan, dahilan kung bakit ang liwanag na iginagawad nito sa kabuuan ng kagubatan ay tila sumasayaw.

Moonlight War (Gazellian Series #5)Where stories live. Discover now