Mariana...

208 8 2
                                        

Mariana's POV

"Hi.. ako si mariana.. pasensya na anti-social kasi ako.. anyways meron ka nabang pag subok na pinag daanan??"

"kung meron na paano mo yun nakaya?? nakaya mo ba kasi may sumusuporta sayo?? kung oo ang swerte mo.."

"kase may mga taong nandyan para sayo.. ehh ako ewan konalang.."

"Pasensya na kung masyado akong maraming tanong ha.. mag isa lang kasi ako.."

"May mga magulang ako kaso nag ibang bansa sila ehh para sa kinabukasan namin mag kapatid.."

"Limang buwan palang ako umalis na sila para mag trabaho meron namn akong mga lolo at lola na nag alaga sakin.."

"kaso simula nung nag karoon ako ng  kapatid unti unting nalayo ang loob ko sakanila.. dalawa kase kame at ako ang panganay.."

"Sakto lang namn buhay namin.. medyo malaki ang bahay pero dahil yun sa pag pupursigido ng mga magulang ko.."

"Meron din kaming kasambahay pero di ko kayang tawagin syang ganun tita ang tawag ko sakanya kasi simula bata hanggang ngayon sya ang naging bestfriend ko.."

"tuwing may nararamdaman ako sakanya ko una sinasabe.. pero yung sakit ngayon di ko kayang sabihin kahit kanino.."

"Ewan ko kung baket.. baka kase sabihin nila "ay wala yan stress mo lang yan!" , "sus malungkot ka lang!", "parang tanga to!"...

"Bat naging ganito ako bakit?? Di namn ako heartbroken.."

"gusto kong malamn lahat ng puno't dulo ng sakit na to.. pano nangyari sakin to.. gabi gabi kong tanong sa sarili ko.."

"Walang araw at gabi na di ko tinanong kung "Kaya ko pa ba??"

"Pero nasasaktan ako kapag napapagalitan na kahit do ko namn kasalanan.. pero mas nasasakatan ako na di ko masabi sabi na di ko namn kasalanan.."

"Kada gabi iiyak nalang ako pag tulog na sila.. giginhawa lang ako pag iniyak ko na lahat ng lungkot pero may natitira parin sa puso at utak ko.."

"Matalino ako at kada nakaka perfect ako ng exam o quiz pinapakita ko yun sakanila lolo at lola... pero noon yon.. kahit 48/50 sa tingin ng iba mataas na yun pero ako parang sirang nag kukulong sa kwarto.. tinanong ko "bakit ha mariana??, bat di mo pa ginawang 50 ha??!!..?


"Alam ko nasa utak mo.. bakit kailangan mong parusahan sarili mo sa isang maliit na bagay.. para sa ibang tao siguro normal lang na may mali.."

"Pero ako nasa mindset ko kasi "ay siguro pag ako pinaka magaling mapapansin din nila ako.."

"Alam mo ba??.. mula kinder hanggang
grade 2 masayahin akong bata.. pero nag bago yun nung nag grade 3 ako.. Na-bully ako nun.. kase sa itsura ko ..mataba kase ako nun.."

"Pag kauwi ko sa bahay nakikita nila lola na umiyak tlga ako.. tas pag may nag bubully sakin pinapapunta ni lola sa office.."

"Dahil dun mas bumaba self-esteem ko at confidence.. buti nalang tlga matalino ako.. nung bata ako fav Subject ko science and math.."

"Palagi akong nag com competition.. at palagi kong kasama si lola sa competition.. pero dahil nga may mga kapatid nako.. mga mama nalang ng classmates ko ang kasa kasama ko.."

"Mas tumagdag pa yung lungkot ko nung nag grade 4 ako.. dahil namatay na yung may ari ng school na mabait na teacher.. yung asawa nalang nya na walang experience sa pag tuturo ang tumakbo ng school.."

"Simula nun nagkaroon ng favoritism sa school.. ako ang palaging 2nd nun kaso dahil sa favoritism naging 3rd nalang ako.."

"Mas dumagdag pa yung pang bubully nila sakin..


"Tuwing ramdam ko na bubuliin nila ako tahimik nalang ako dun.. wala namang mag babago kahit iwasan ko sila..."

"Ang sakit sakit din sa feeling na ang gaganda at ang papayat ng mga pinsan mo.. pag may mga family gatherings tahimik lang akong nakaupo sa may tabi.."

"Dag dag pa yung kapatid ko na kailangan kong alagaan..

"Nalilito narin ako kung anong gagawin ko kung eto ba o eto ano ba tlga ha?!"

"Sabi nila kailangan mong matutong maging independent.. sumosobra namn na ata pag independent ba dapat sarili mo lang anf susuporta sayo??."

"Minsan nga ayaw pa nila akong papuntahin sa bahay ng classmate ko ehh babae namn sya.."

"Ayaw parin nila.. alam mo yun sila mismo ang nag sasabi sayo pero di ka nila sinusuportahan.."

"Mula bata meron akong gustong paaralan na pasukan.. pero masyado kasing malayo sa bahay.."

"Sabi nila baka diko makaya yung stress at baka daw mapagod ako.."

"Oo alam ko nag aalala sila sakin pero para nadin nilang sinasabi na hindi ko kaya.."

"Suporta lang namn hinihingi ko mahirap ba yun??.."

"Pero.. sabi ko sa sarili ko na papatunayan ko sa kanila na kaya ko at titiisin ko yun.."

"Kung walang susuporta sakin, Sarili ko lang.."

"No one can support you, Except Yourself..."



Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Jun 11, 2020 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Kaya ko pa ba? (Short Story)La tua prossima ossessione. Scoprilo ora