Prologue

4 1 0
                                        

"I already warned you Breu, I told you don't mess up with Satana. But you didn't listen." Nag-iigting ang bagang sa matalim na boses na sabi ng lalaki habang nakayuko sa kaniya at binigyan siya ng matatalim na tingin.

Kahit nanghihina na nagpumiglas pa rin siya ngunit tulad ng mga nauna niyang subok ay balewala pa din sapagkat nakabigkis ang kaniyang mga kamay at paa sa isang upuan. Namamasa ang ang kaniyang mukha dahil sa kaniyang mahihinang pag-iyak ng mga nakaraang araw, mugto ang mata at nangingitim ang ilalim noon pero wala siyang paki-alam. Gusto niyang makaalis at makatakas sa lugar naroon siya.

"Pakawalan niyo na ako. Nagmamakaawa ako." Mahinang daing niya sa lalaking nasa kaniyang harapan. Nawawalan na siya ng lakas. Hanggang dahil sa paulit ulit na pagmamakaawa niya at pagpupumiglas ay namanhid na siya. Wala na siyang magagawa. Walang buhay na tinignan niya ang lalaki, walang salitang lumalabas sa kaniyang bibig.

"You can not scape this now Breu. You made your mistake." Sambit nito sa kaniya, humakbang ito palapit sa kaniyang kinauupuan at hinaplos ang kaniyang pisngi. Hindi siya gumalaw, nanatiling nakatuon ang paningin niya sa mata ng kaharap at inaantay ang susunod nitong gagawin sa kaniya.

"You can't do anything about it. You are already dead Breu. So, what we'll do to you will not matter anymore."

Ramdam niya na. Alam niya na sa sarili niyang puro pagdurusa ang kaniyang mararanasan. At alam niya din sa sarili niyang wala na siya magagawa at pagpipilian.

Isang butil ng luha ang kumawala sa kaniyang mata ng ipikit niya ito ng mariin.

Tanggap niya na sa sarili niya, ito na ang kaniyang katapusan.

Sa impyernong lugar na iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In The Arms of Devon SpencerStories to obsess over. Discover now