Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

Chapter 1

51 2 5
                                        

1.

"Excuse me," bulong ko sa mga taong nakapaligid sa'kin habang sinisiksik ang sarili ko.

Malapit na ako sa stage pero puro batok lang ng mga tao ang abot ng mata ko. Biglang tumugtog ang malakas na music, hudyat na nagsisimula na ang show. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nabuhayan ako ng dugo. Konti nalang, malapit na ako sa unahan. Gusto kong makakuha ng magandang pwesto dahil minsan ko lang makikita sa personal ang paborito kong banda.

"Singing Blue! Singing Blue!"

Malakas na sinigaw ng mga tao ang pangalan ng banda at nakisigaw na rin ako bago makisiksik ulit.

"Excuse me," bulong ko sa taong nasa unahan ko sa huling pagkakataon.

He's really tall, maybe six feet? Likod nya lang ang nakikita ko at wala na akong ibang makita. Tumingkayad ako at ilang beses na nag-excuse pero parang wala syang narinig.

Bumuntong hininga ako at pinilit sumiksik pero dumikit sya sa katabi nya. I pouted like a child. It's my favorite band's time to perform! I need to see it! Wala akong ibang nagawa kun'di ang tumingkayad pero wala akong ibang nakikita kun'di ang lalaking nasa harap ko.

"Ginuhit 'yong larawan sa bituin"

Agad namuo ang mga tubig sa mata ko nang marinig ang unang liriko ng kanta. Tumingkayad ako at nagtatalon ng ilang beses pero wala akong makita!

"Tanaw nga ngunit kay hirap abutin
Pumikit at sandaling napahiling
Kahit ngayon lang, hagkan sa'yong piling
Kahit ngayon lang, masilayan manlang
Ngiting tinalo ang mga bituin"

Napapikit ako at dinamdam sandali ang kanta. Damn, I want to see them! Minsan lang mangyari 'yong ganito kaya ayaw kong sayangin!

"Excuse me," bulong ko sa lalaki na nasa harap ko.

Ilang ulit ko pa 'tong inulit kung sakaling di nya narinig pero dedma lang sya. Pinilit kong sumiksik pero nagulat ako nang bigla syang magsalita.

"Pwede ba tumigil ka?"

Malalim pero kalmado lang ang boses nya pero hindi ko alam kung bakit bigla ako nitong napatigil. Napakagat ako sa ibabang labi ko sa inis.

Magsasalita na sana ako nang may tumamang maliit na plastic bottle sa ulo nya. Mabilis syang lumingon sa likod nya at nagtama ang mata naming dalawa. Oh, he's cute but looks like he's... angry.

"Hindi ako 'yon," pagdepensa ko sa sarili ko.

Agad syang tumingin sa ibang direksyon at tila hinahanap ang bumato ng plastic bottle. Yumuko ako at kinuha ko ang pagkakataon na sumiksik at laking tuwa ko nang makapwesto sa harap. Mabuti nalang, pinadaan ako ng katabi nya.

"You really are something," sabi nya.

Alam kong ako ang tinutukoy nya at hindi ko nalang sya pinansin.

"Midget."

Kumanta ako at sumabay sa napakaraming tao. Winagayway ko ang mga kamay ko. Ah, this is part of my dream! At ngayon, nagkatotoo na!

"Isisigaw ang pangalan mo
Isisigaw ang pag-ibig ko
Maubusan man ng tinig"

Lumapit si Nico, ang vocalist ng banda. Inihaya nya ang microphone sa crowd habang winawagayway ang kamay. I sang my heart out while keeping my eyes closed.

"Paulit-ulit, hindi mapipigil
ang damdaming sabik sa'yong piling
Paulit-ulit, hanggang pagbigyan ng langit"

Doon ko napagtanto na boses ko na ang lumalabas sa naglalakihang speaker. Agad akong dumilat at nakangiti sa'kin si Nico. Umakyat ang init sa pisngi ko. This is the best day of my life!

Midnight SceneCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang