Gising na ako. Nawala ang antok ko ng hinagis ni Cold ang juice na ginawa nya na nasa bottle

"Inumin mo yan. Madaling mawawala ang hang over mo" sabi ni Cold

"Uhummm..." pag oo naman ang sagot ko

Nagtaka ako kung bakit parang alam ni Cold na lasing ako kagabi

Bakit nya ako binibigyan ng juice na para sa hang over? Hindi kaya nakita nya ako sa gay bar kung saan sila kagabi? Hindi naman siguro pero Bakit nya alam na lasing ako? Baka na amoy nya ako kagabi tsaka sa pagsasalita ko habang natutulog ako. Marahil doon nga

Biglang bumalik ang isip ko ng magsalita si Cold

"Ahm? Hot?" Tawag ni Cold

"Bakit?" Naka kunot noo na sabi ko

Parang may sasabihin sya na hindi na nya masabi sa akin. Nag-aantay ako ng sagot marahil na pansin ni Cold na parang matagal na syang hindi sumasagot

"Wala naman. Sasabihin ko lang na kumilos ka na at malalate ka na"

Hindi na ako nagsalita pa. Uminom na lang ako ng juice. Dahil masakit na talaga ang ulo ko. pangpatanggal daw ng hang over. Nagpaalam na sya para umalis

"Mauna na ako sayo" paalam nya

Hindi na ako sumagot dahil tinatamad na ako magsalita. Waste lang ng time pero nung paalis na si cold. Tinawag ko sya

"Cold" tawag ko kay Cold

"Bakit?" Pagtatakang tanong nya

Ano ba Hot bakit mo ba sya tinawag? Wala ka naman kailangan sa kanya. Except kung tatanungin ko sya about kagabi. The question is tatanungin ko ba sya? Or hindi na? Nakaka hiya kung tatanungin ko sya tapos alam nya ang pangyayari kagabi. Ibig sabihin nakita nya ako

Naghihintay sya ng sagot ko

Tapos ngayon nag-aantay sya ng sagot ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Haaaiiisssttt....

Dahil natagalan sya sa sagot ko nagtanong si Cold marahil nahalata nya na may kailangan ako sa kanya

"May kailangan ka?" Tanong ni Cold

"Wala naman. Never mind mo na lang na tinawag kita" sabi ko na lang

Nagpaalam na sya. Hindi na nya ako kinulit pa kung bakit ko sya tinawag

"Sige na alis na ako. Mauna na ako sayo sa campus" paalam ni Cold

Lumabas na sya ng room tsaka umalis na para pumasok sa campus
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pumasok na ako ng school pero sa maghapon na ito ay wala naman akong naiintindihan sa mga tinuturo ng mga prof. Namin. Hindi ako maka focus. Lumilipad ang aking isip simula magstart ang klase kaninang umga pa

"Mukhang exhausted ka" pansin ni fire

"Oo kasi anong oras na ako umuwi kagabi. Hinabol ko pa ang oras para makahabol lang maka uwi sa dorm. Alam mo naman na may oras ang uwi dito sa dorm. Kapag nahuli ka ng uwi hindi ka na makaka pasok isinasara na ang gate ng dorm. Hindi pwede na kahit anong oras kang umuwi ay pupuwede at sa kasamaang palad ay hindi ko na naabutan na bukas ang gate. Naka kandado na ito. Kaya nag-over the bakod na ako" explain ko

Binuksan nya ang sprite tsaka sya uminom na nasa in can. Nasa park kami ng campus. Wala kaming professor kaya tumambay na muna kami ni fire

"Bakit saan ka ba galing?" Tanong ni fire

Cold and HotWhere stories live. Discover now