Ewan ko na lang kung matunawan siya today sa ginawa kong pagtitig sa kanya hanggang sa matapos kaming kumain. Hindi na kami nagpahinga pa after dahil niyaya ko na agad na umalis si Sam. Nakakainis dahil bumeso pa 'yung Jenny na 'yun sa kanya! Ako nga hindi pa nakakabeso e!

"Since when did you become my girlfriend?" tanong agad niya pagbalik namin sa sasakyan.

"Ngayon lang, kung okay lang sa 'yo. Kung okay lang naman, ha? Di kita pinipilit," medyo defensive na sagot ko. Ayokong ma-pressure siya.

"Stop saying you're my girlfriend to just anyone. I don't wanna create confusion, Portia," seryosong sabi niya habang nagda-drive.

Napataas agad ako ng kilay.

"Ano bang mali sa sinabi ko? I'm your friend and I'm a girl. So girl friend mo talaga ako." I rested my arm on the side of the window, laughing a little. "It's you who's creating confusion. But it's okay. I like it."

"Scammer."

Hindi na 'ko sumagot at tumingin na lang ako sa labas para doon itinago ang ngiti ko. Stalker, scammer, kahit ano pa 'yan! Sa 'kin din ang bagsak mo sa huli. Think positive!

Since wala naman akong gagawin buong araw and Sunday is family day, nag-stay ako sa unit ni Fyuch para complete family kami. Chour!

Akala ko pa naman ay makakapag-bonding kami dahil nandito ako, hindi pala. Sobrang busy na naman kasi niya sa laptop niya tapos may hawak pa siyang makapal na libro. Natakot akong istorbohin siya dahil baka ihampas niya sa 'kin 'yon.

"Huy." Bulong ko kay Tammy na nakahiga sa sahig. "Ayain mo naman 'yung Daddy mo na makipag-bonding sa atin! Wag kang tamad d'yan." tinusok tusok ko ng daliri ko 'yung tiyan niya.

Kanina pa kasi siya nakahilata at hindi man lang worried na hindi kami pinapansin ng ama niya. Tamad na tamad lang akong sinulyapan ni Tammy tapos ay pumikit na ulit siya. Ay sus. Kailangan ko yatang i-enrol 'to sa dog school at paturuan ng tricks on how to get your daddy's attention.

Nakabukas naman ang TV at hinayaan akong manood ni Fyuch para hindi ako mainip, pero inip pa rin ako dahil siya ang gusto kong magbigay aliw sa 'kin! Kaso hindi naman nga ako pinapansin! Kung anu-ano na tuloy ang nagawa ko sa buhok ko habang hinihintay siyang matapos. Pinaikot ikot ko na 'to, tinirintas, hanggang sa may mahagip ang mata ko sa ibabaw ng coffee table na nasa harap ko.

Gunting. As in scissors.

Nagliwanag agad ang mukha ko dahil matagal ko ng gustong mag-bangs kaso hindi matuloy tuloy dahil wala akong time magpunta ng salon. Pero ngayon feeling ko bagay talaga sa 'kin ang mag-bangs at kailangan kong magka-bangs right here, right now.

Medyo natawa ako sa naisip ko. Sobrang bored ko na ba talaga at naisipan ko ng mag-bangs?!

Agad akong tumayo ako at kinuha iyong gunting saka ako pumasok sa CR. Sumunod sa 'kin si Tammy at umupo siya sa hamba ng pinto kaya hindi ko na lang sinarado iyon. Pinapanood niya 'ko na nakatayo sa harap ng malaking salamin habang hinihiwalay iyong mga buhok ko na gugupitan ko. Nag-search pa 'ko ng video tutorial sa youtube para sure.

Sinuklay ko sa mga daliri ko iyong buhok ko, tapos hinatak ko iyong mga nahiwalay ko at dahan dahan kong ginupitan ito ng pa-curve katulad nang nasa video. Biglang nasugatan iyong babae sa video kaya napasigaw siya ngunit sabay kaming nagulat sa kinalabasan ng bangs niya.

Nabitawan ko ang gunting sa sink at hinawakan ang ginupitan kong bangs. Napatili ako nang pagmasdan ko ang sarili ko sa salamin! Pareho iyong kinalabasan ng bangs niya at bangs ko!

"Ahhhhh!!!!!!" nagpapanic kong sinuklay ito at baka sakaling humaba ulit!

"Portia? What happened?" dinig kong sigaw ni Sam mula sa sala at narinig ko ang mga yabag niyang patungo rito. Agad kong pinaalis si Tammy sa hamba ng pinto at mabilis na sinarado ito. "Portia? Bakit ka sumigaw?"

STS #2: Give Me More Where stories live. Discover now