30 Days of love! Chapter 26 (Day 25): Time travel.

334 3 0
                                    

[Ann’s POV]

At dahil nga gusto daw masulit ni James yung mga araw na kami pa, niyaya niya ko sa isang date.

Sa totoo lang hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa excitement na nararamdaman ko. Nagpagulong gulong lang ako dun sa kama kagabi, dahil sa kilig. Uggghhh. Bakit bas a tuwing gustong gusto at desidido na ko mag move on, bigla naman siyng eepal tapos papakiligin nanaman ako. Kelan ba matatapos to?

Naligo na ko para nga dun sa date namin. Pero alam niyo ba kung anong oras na?  6am lang naman po, at susunduin daw ako ni James ng 6:30. Sabi niya pa, mag jersey short ako tapos loose tshirt daw, rubber shoes at itali ang buhok. Seriously, ano bang gagawin namin?

Dumating si James ng 6:30 na may dalang bola. Ahhhhh-baka magbabasketball kami… HUH?? TEKA!! Akala ko ba date?

“Huhulaan ko, magbabasketball tayo?” pambungad na tanong ko sakanya.

“Mag ta-time travel!” Buong ligaya niyang sagot.

“Time travel? Ano bang ibig mong sabihin?”

“Basta!!! Sumunod ka nalang sakin!!” Hinila niya na ko palabas ng bahay. “Alis na po kami tita!” Sigaw niya kay mama.

“Sige, mag iingat kayo aa!”

Dumirecho naman kami sa basketball court. At syempre, nag basketball kami…

Ganto din kami nung mga bata kami. Nagbabasketball kami. Lagi sinasabi ni James na kapag naka shoot ako ng 3 beses, lilibre  niya ko ng ice cream. Syempre naman magaling ako magbasketball kahit babae ako kaya palagi akong nililibre ni James! Pero bakit ngayon di ko na makuha yung bola? -__________- sabi niya isang shoot lang daw kailangan ko tapos lilibre niya ko ng ice cream.

“Waaaah! Ayoko na! kelan ka pa gumaling mag basketball?” umupo ako sa sahig sa sobrang pagod.

“Hahahahahahha. Pandak ka kasi kaya di mo makuha sakin yung bola.” Sabi ni James.

“Sus. Ang yabang mo!”

“Oh, ano? Give up ka na ba ‘Annthony’?”

“Ikaw talaga!!” umupo din si James sa sahig sa harap ko. Naka injan seat kami. Tapos nilagay niya sa gilid niya yung bola.

Opo, ako po si Annthony. Si James lang ang tumatawag sakin niyan nung bata pa kami. Eh kasi magaling daw ako magbasketball kaya para daw akong lalaki. Kaya ayun, tinawag niya kong Annthony na isang pangalang panlalaki bilang pang asar niya sakin…

“Ako? Magpapatalo sayo? You got to be kidding me!” hinablot ko yung bola sa tabi niya tapos tumakbo papunta sa ring at nag shoot. “YEHEEEYYY!! Ice cream! Ice cream! Ice cream! Ice cream! Ice cream!”

“Nautakan mo ko dun aah. Andaya mo” pinisil niya yung ilong koooo.

“Ice cream!”

“Oo na! mag i’ice cream na tayo! Pero bago yun tara mag almusal muna tayo sa bahay namin.”

“Oo ba! Basta pag luluto mo ko aa, Jamie.”

Jamie, pangalan ng babae yun diba? Oo, tama! Si James yun!!! Nung bata kasi kami, pagkatapos naming maglaro, nilulutuan niya ko ng itlog at hotdog. Syempre bata pa kami kaya itlog at hotdog lang ang alam niya lutuin, tapos marunong siya mag sangag ng kanin. At lahat nang yun ay hindi ko kaya. Di ako marunong mag luto nuon ee. Kaya kung ako si Annthony na magaling sa basketball, siya naman si Jamie na magaling magluto.

30 Days of love! (JamLi fanfic)Место, где живут истории. Откройте их для себя