"Teka nga lang, bakit parang lumalabas na ako pa ang may utang na loob sayo para pag-aralin kita, huh?" Ate Maxxy said in her very furious tone.
"Hindi ate, ang sinasabi ko lang naman ay kung hindi mo ko kayang pag-aralin, ako nalang yung gagawa ng paraan para makapag-aral ako ng college. Hindi na dapat umabot pa sa puntong hihinto muna ko ng pag-aaral kasi magagawan naman ng paraan yung pambayad sa tuition ko" I replied but it looks like she doesn't buy it.
"Eh hindi nga natin kayang bayaran yung tuition mo! Anong magagawa ko? Alangan naman pilitin ko eh hindi nga kaya!" she said it as she raised her voice.
"Pwede naman tayong mang-utang muna kila Mama o kaya mag-aapply nalang ako ng scholarship. Pwede din akong mag-part time job para naman kahit papano, makatipid tayo sa gastusin ngay---" I said but she cut me off.
" Hindi ka ba makaintindi? Ake naman, nakikiusap na ko sayo, hindi natin kaya ngayon, naiintindihan mo? Mas dapat nating i-prioritize yung gagastusin ng kuya Lionzo mo! Alam mo naming graduating na sya diba? Alam mo naman din siguro na pag-graduating, mas maraming gastos tapos marami pa tayong bayarin sa pagkaka-ospital ni Daddy. Nakakahiya na rin kila Mama mangutang dahil ang dami na nating utang sa kanila, tapos yung nangyari pa sa business natin. Please naman Ake intindihin mo naman yung sitwasyon natin ngayon." She said in her very frustrated tone. "Tsaka ano nalang sasabihin nila samin pag nangutang pa tayo sa kanya ng pang-tuition mo huh? Na ano? Na di ka namin kayang pag-aralin?" she added.
"Kaya nga Ate sinabi ko na maghahanap ako ng pwedeng pasukan na part-time job para maka-menos sa gastusin mo. O kaya naman pwede naman akong maghanap ng University na mababa lang ang tuitionship o kaya walang bayad. Pwede ding sa ibang colleges nalang ako magenroll o sa mga State Universities para mas makatipid tayo." I replied again.
"Lalo namang di ako makakapayag na sa ibang school ka mag-aaral. Alam mo naman na simula pa sa mga great-grand parents natin dun nag-aral tapos ikaw magco-college ka sa ibang school? Ano nalang sasabihin nga ibang tao? Na humihirap na tayo kaya di ka na namin kayang pag-aralin sa magandang school?" she said.
"No offense Ate pero ano nalang ding sasabihin nila kapag huminto ako? Na sobrang naghihirap na tayo, kahit sa mga public colleges eh hindi ako makapag-enroll dahil sa kakulangan ng pera? Wag nyo naman pairalin yung pride nyo na porket Equipado ay dapat na sa kapareho ninyo akong school mag-aral? Hindi ba pwedeng sa ibang university naman ako mag-aral, huh Ate Maxxy?" I said to her as she glared at me as if I said something that insulted her.
"Anong sabi mo? Ma-pride ako? Tss ako pa ang ma-pride sating dalawa huh? Hindi ba ikaw? Hindi ba ikaw itong masyadong ma-pride na hindi kayang magsakripisyon ng isang taong pag-aaral dahil hindi natin kayang tustusan ang pagaaral? Tsaka ano feeling mo sa sarili mo kaya mong pagsabayin ang pagaaral mo at ang pagta-trabaho? Anong akala mo sa sarili mo, na ganoon ka kalakas? Baka nakakalimutan mo na napagdaanan ko na yan, na maski ako ay hirap na hirap nung mga ganyang panahon, ikaw pa kayang mahina?" I was shocked as I heard those words.
"Sabagay hindi mo nga naman maiintindihan yung sinabi ko kasi hindi ka naman nakaranas ng hirap, hindi mo alam yung pakiramdam ng takot na takot ka na baka bukas wala na kayong pera panggastos kasi lahat ng gusto mo binibigay nila sayo. Kasi alam mo na isang hiling mo lang sa kanila ibibigay nila agad sayo yun, na lahat ng gusto mo makukuha mo hindi tulad namin ni Lionzo na kailangan pa naming paghirapan yung mga bagay na gusto namin nung mga bata pa kami, na pag may gusto kaming laruan kailangan mag-aral muna kami ng mabuti para lang makita nila Mommy at Daddy yung efforts namin para bilhin nila yung gusto naming laruan." My vision got blurred as tears form in my eyes as I heard those words.
I was so stunned that I cannot say any words that made my sister continue her rants to me. "Do you even know how it feels, the feeling that you might not fulfill their expectations? Feeling that you might disappoint someone if you've done something wrong? The feeling of getting rejected by someone you cherished a lot? It's no right? Because you don't, coz' everyone is so fond of you, everyone love you---" I cut her off because I can't take it anymore. "No I'm not, because if everyone loves me then why would Mom and Dad let me spend almost my whole life living with Mama and Papa? Why would they do that? Is that the true meaning of love for you? Is it ate Maxxy?" I said out of frustration.
"You don't know anything so don't you dare say things like that to our parents as if you know their reason and their sacrifices, coz' you don't understand a single thing about it---" "Then let me understand Ate, let me know all those stupid reasons that they can afford to live without me. Please Ate I want to know why, bakit nila nagawa sakin to? Pano nila nakayanang saktan ako ng ganto? Paano?" I cried all my sorrows and frustration as those words escape from my mouth.
