It was the night of November 13, 2019. Tapos nako sa class ko pero ayoko pa umuwi. Luckily, inaya ako ni Cassandra na manood ng singing contest ng course nila sa hall ng school namin.
"Libre na kita, samahan mo lang ako mapanood yung crush ko. Please, Jen!" nagmakaawa sya, nagpuppy eyes pa nga ang gaga.
"Oo na, sige na! Libre mo na rin ako lunch sa Mcdo mamaya ha! Isang oras din yan!" tutal 2:30pm pa lang naman ay pumayag na ako dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay.
Diretso akyat na rin kami sa hall para sa preparation magsimula. Dun kami naupo sa harap mismo ng stage dahil atat na atat 'tong si Cassandra na makita si Gio Tagorio, yung crush nya.
"Pag yan hindi maganda boses, sinasabi ko sayo ha." sabi ko, pangaasar kay Cassandra.
"Maganda teh, ayan magstart na ata." kinikilig na sabi nya. Tinaasan ko lang naman ito ng kilay.
Maya maya pa ay nagsimula nang may mga kumanta sa stage na kapareho ng uniform ni Cassandra, pang International relations course pero hindi ko alam kung makikinig ba ako or what. Ang boring kase, hindi ko din naman hilig panoorin yung mga bumibirit tapos wala naman sa tono.
"Jen, ayan si Gio." tinuro ni Cassandra yung naglalakad sa stage. "Ayan na, kakanta na sya, makinig ka ah."
Nakinig ako. Famous song yung kinakanta ni Gio kaya nasabay yung audience sakanya, pero ako hindi ko gusto. Hindi ko talaga hilig manood ng mga ganito dahil naiirita ako sa mga wala sa tono talaga.
Nakatitig lang ako sa stage nang may naramdaman akong parang may sumipa sa likod ko. Napatingin ako kung sino at inirapan ko lang sya. Naka Tourism uniform sya at matangkad. Nginitian ko lang sya kahit na nainis ako kasi hindi man lang nag sorry dahil nasipa nya ang upuan ko. Pero kung hindi nya man alam, sana naman lang nginitian din ako, pero hindi e. Dedma.
Natapos ang kanta nung Gio at todo palakpak si Cassandra with matching tayo pa, iba talaga 'to pag nagkakagusto e.
"Jen, picture-an mo kami ni Gio mamaya ha." nag-agree nalang ako dahil baka masungitan pa ako nito.
After ng maikling break ay tinawag nnag muli ako pangalawang contestant. 'JeRo' ang pangalan. Pffft. Baduy naman nyan. Pagkatingin ko sa stage ay nagulat ako. Contestant pala yung kuya na naupo sa likod ko kanina?
"Akala ko ba pang IR lang 'tong even na 'to?" bulong ko kay Cassandra dahil nagsimula nang tumugtog yung kanta nilang dalawa.
"Heaven knows? Wow. Baka magaling 'to ah?" sabi ni Cassandra.
Ako naman ay inayos ang stockings ko dahil medyo nawawala na sa ayos kakalakad namin kanina. Napatigil lang ako nang marinig ko yung boses nung lalaki sa unang part.
Ang gwapo ng boses. Ang laki. Ang lalim. Ang ganda. Tamang tama sa tono. Unti-unti akong napatingin sa stage. Napakagandang tinig nito. Na nagmamay-ari sa lalaking nasa likod ko lang kanina.
Damn it, he's good. He's really good.
Pagtapos ng kanta ay saktong natapos na rin ang event. Kaya napicture-an ko na din si Gio at Cassandra.
"Ano, may bet ka ba sa mga kumanta?" malokong tanong sa akin ni Cassandra habang pababa kami ng hall, nagchecheck lang ako ng messages dahil baka may importanteng chat yung prof about sa project.
"Wala noh. Mga wala sa tono. Si Gio maayos." sabi ko saka napalunok, "Tara na nga sa Mcdo, gutom na ako."
Binilisan namin ang paglakad papunta ng Mcdo pero parang bumagal ang takbo ng paligid. Napalingon ako sa canteen at nakita ko sya na nakapila sa Diego's fastfood.
"Cassandra, ayoko na pala mag Mcdo." napatigil naman sya sa paglalakad saka tinaasan ako ng kilay. "Halika na, gusto ko ng lutong bahay."
Wala naman syang nagawa kundi samahan ako since nagpromise syang ililibre ako ng lunch. Nag order sya ng dalawang chicken for us habang ako, nakatitig lang sa stall na yon.
"Ayan na lunch mo ha, bayad nako dahil sinama kita sa Diplomusique."
"Uh thank you, Cassandra!" sabi ko saka nginitian sya tapos nag flying kiss.
"Wiat, parang gusto ko din ng Siomai. Gusto mo din? Ibili na kita."
Nginitian ko lang si Cassandra saka sumubo ng malaking tipak ng kanin at pinanood syang makalayo sa akin kaso bigla akong nabilaukan. Ang sakit sa throat pag binibilaukan, sobra. Kinapa ko ang bag ko pero bago ko pa makuha ang tumbler ko ay may naglapag sa akin ng tumbler na nakabukas na.
Agad ko itong ininom bago pa tingnan kung sino yung nag abot sa akin nito. Nang mahimasmasan ako ay napatingala ako. Si kuyang singer. Sakanya yung tumbler. Shet.
Napangiwi ako saka nagpasalamat sakanya saka sya bumalik na sa table nila na kaharap lang kami ni Cassandra. Maya maya pa ay nakangiting lumakad papalapit sa akin si Cassandra.
"Ano yon ha, sabi na nga ba bet mo yung singer e."
"Hindi noh. Tinulungan lang ako dahil sa kaka Siomai mo." asar ko sakanya.
I looked at that guy. Months after, parang MU kame. MU as Malabong Ugnayan. Akala ko andyan. Pero wala pala talaga.
Rip to our wrong timing, Robert. Thank you 🤗.
