Chapter One

52 8 1
                                    

"Hoy! Baliiiiiik! Wala kang ID!" Sigaw sa akin ni Manong Obet ng tumakbo agad ako papasok kasi nakalimutan ko ID ko sa bahay. So, I only had one plan at yun ang tumakbo papasok. Hassle 'yun ah! Ang dami kayang tao. Napatigil ako sa pagtakbo ng may mabangga akong matigas. "Aray ko. Ang sakit!" Saad ko ng biglang akong dumiretso lapag ng matumba ako. Nakita ko namang nanlaglag ang gamit nung tao kaya pinulot ko ito.

"Sorry po, di ko po sinasadya. Pasensya na po talaga." Sabi ko pagkatayo ko at iniabot sa kanya ang gamit niya. Napanganga naman agad ako ng makita ko ang mukha niya. Matangkad, maputi, singkit ang mga mata, medyo makapal ang kilay, matangos ang ilong and he has that stubborn jaw. Hala! Ang harot. Sabi ko na lang sa sarili ko. Napaatras ako ng lumapit siya sa akin. Napatigil ako ng may marinig akong nag-crack. Agad ko namang kinapa ang blouse ko. Ang salamin ko!

Agad akong yumukod para tignan ulit 'yon. Ang salamin ko nga. Maluha-luha kong pinulot iyon, sisisihin ko pa sana si Singkit ng makitang naglalakad na ito palayo. Napansin ko namang pang Senior High ang uniform niya at pang first section ito.

"Hay, mukhang mapapagalitan na naman ako ni Doc Medina nito." Sabi ko at itinago ulit ang salamin ko. Pumunta naman ako sa CR para ilagay ang contact lens ko. Kamalas-malasang pagkakataon, kulay light blue pa ang nadala ko. "AAAAAAAH! PUTANGINA NAMAN." Sigaw ko na lang at isinuot ito. Nang mailagay na ito ng maayos ay agad ko ng niligpit ang kalat ko at lumabas na ng CR nang makasalubong ko si Lilia. Inakbayan ko naman siya at sinabayan na siya papunta sa room.

"Guess what I did, bruh." Panimula ko sa kanya. Ishe- share ko lang naman kalokohan ko eh. "Tinakbuhan mo na naman si Manong Obet. Gagang 'to, di na nagtanda na ilagay na sa bag ang ID." Saad naman niya, inilapag na namin ang bag namin sa upuan namin at lumabas muli sa room namin. "Nakita kita kani--- wait. Are you wearing contacts?" Tanong niya sa'kin ng magkasalubong ang mata namin. Guilty naman akong tumango sa kanya.

"Gaga! Pagagalitan ka na naman ni Mommy niyan! Patingin, asan glasses mo?" Sabi niya at pinaghahampas ang braso ko. "T-teka lang! Tangina naman nito 'di makapag-antay. Atat ka 'te?" Sagot ko naman at nilabas ang salamin ko sa bulsa ng palda ko. "Tangina! Gago! Glue lang 'to o kaya rugby, okay na." Sabi niya at iniabot ulit sa akin ang salamin ko.

"Naapakan ko kasi may nabangga akong senior high kanina." Sabi ko at tinitigan ang salamin ko. Wala na. Sana pala di na 'ko umatras, tamang kiss lang, char! Tinapik ko naman ang braso ni Lilia ng makitang papalapit na si Miss Jhoyce sa amin. "Briones, punta ka mamayang uwian sa faculty. May papakuha din kasi ako, isama mo na din si Medina at Abalos." Sabi nito at umalis na. Pumasok naman na ulit kami ng room ng makita na namin si Ms. Rizal, ang english teacher namin.

Hours had passed nakatitig lang ako sa salamin kong basag basag na. Napatayo naman ako agad ng magpaalam na ang MAPEH teacher namin. Oras na para mag-lunch, yeah~. "Hes, tara na. Baka mawalan pa tayo ng upuan sa canteen! Sunduin na din natin si Rezia." Saad ni Lilia at niligpit na ang gamit niya, tumango naman ako at iniligpit na din ang gamit ko at kinuha ang wallet ko. Nasa katabing room lang namin si Rezia since late siya nakapag-enroll, naiba ang section niya sa amin.

"Reziaaa, dalian mo na dyan! Mamaya wala na tayong table doon, di ko na makikita si fafa Saeltiel." Sabi nito at bumusangot, pumasok na kasi kami sa room nila Rezia at pinagtitinginan na kami kaya hinatak ko na silang dalawa. Naglalakad na kami patungong canteen ng tumunog ang phone ko.

From: Leuxe G.

Where are you? Nasa library ako, dinalhan kita ng lunch. Don't you dare bring Rezia and Lilia.

Hmp. Oo nga pala natalo siya sa pustahan namin na 'di na virgin 'yung SSG President namin. Kinalbit ko naman sila at hinila saglit. "Mga dai, di ako makakasabay ngayon. Kailangan daw ako ni ano.... ni... ni Tita sa Library! Oo, tama. Kasi may idi-discuss lang siya sa akin saglit. Bye!" Sabi ko at tumakbo na paalis bago pa sila makatanggi. Ni-reply-an ko naman si Leuxe na papunta na ako sa library kaya buksan niya na 'yung lunch box.

Chinito and Dakila VERSION ONEWhere stories live. Discover now