"Sila ang isa sa mga nasa highest rank pagdating sa pagsusupply ng mga wine sa Asia. CEO Marquez owned 45 branches of his company in different countries in asia followed by Mr. Zamonte of W.E Company with 36 branches and they are both planning to make a deal with Indimenticato Wine De' Italia a company of yours, Señorito Primo," mahabang sagot ko.

"Day 2, is a dinner meeting with four CEO from different companies, Vycampe Wine Company of Germany, Wine que Company of Canada, Blue Wine Company of Australia and the last one is Wine Society Group of England. They are all in the top 10 of best selling wine, worldwide." Pagpapatuloy ko habang binabasa ang mga schedule na naka-save sa laptop.

"Hmm." Iyon lang ang itinugon ni Señorito Primo bago ulit ako nagpatuloy.

"Day 3, project meeting with Engineers and Architecture na may hawak sa construction ng pabrika ng alak, and sa last day naman is wine bidding party kung saan ang pinakang highlight sa bidding exhibit ay mga wine product ng Indimenticato Wine De' Italia."

"Indimenticato Wine De' Italia?"
Pag-uulit ni Señorito Primo kaya patago akong napanguso.

Company nila iyon eh.

Pinasaulo niya sa 'kin ang description ng company nila at halos matuyo ang utak ko sa daming mga salitang hindi ko mabanggit na mga pangalan ng wine na ginagawa ng kanilang kompanya.

"Indimenticato Wine De' Italia was founded on September 01, 1973 by a family of Montazzeo who wanted to make wine from their own vineyards. But now, Indimenticato Wine De' Italia is one of the best wine producer worldwide with hundreds of branches that produce and sell about 1.2 million HL of bulk wine and distributed on the domestic and foreign markets, the main company was located in Rome Italy. The company recognize as one of the most expensive wine but also the best selling wine all over the world. Señorito Gian Primo Montazzeo De Lucio is the current CEO of a company and also a current council of Roma Infinite Palace." Sa dami nang mga binasa ko iyon lang ang mga natandaan ko at habang binabasa ko iyon ay lalo lang akong humanga sa kaniya dahil nagsimula siya sa pagiging konseho ng palasyo sa Roma Infinite Palace sa edad na labing-walo at naging CEO naman siya ng company nila sa edad na dalawampo.

Hindi ko tuloy maisip kung paano niya pinagsasabay ang pagiging konseho at pamamalakad ng kanilang kompanya. Nilingon ko si Señorito Primo na malalim na ang paghinga habang medyo nakababa ang upuan nito.

Tulog na yata?

Sabagay mahaba ang magiging biyahe namin at malamig din dito sa loob ng van dahil sa malakas ang aircon kaya nakakaantok talaga. Pinagmasdan ko ang bawat paggalaw ng malapad na dibdib ng Señorito dala ng paghinga. Napakaganda niyang lalaki lalo pa't mestizo ito. Napaayos ako nang upo dahil umangat ang sulok ng labi ni Señorito Primo habang tinititigan ko ito.

"Godendo della vista, huh?" (Enjoying the view, huh?)
Aniya habang nakapikit.

Akala ko tulog siya?

Itinuon ko na lang ang aking mga mata sa bintana ng van at pinagmasdan ang mga puno sa gilid ng kalsada. Nadaanan na namin ang Casa Tranquillo kanina pero malayo pa kami sa bukana palabas ng Casa Bel Palazzo at siguro mga ilang oras pa bago kami tuluyang makarating ng maynila.

Inayos ko ang suot kong lace dress dahil nilalamig ako dala ng hangin mula sa aircon ng van at medyo labas pa ang balikat ko kaya ramdam ko talaga ang lamig lalo na ng mga tuhod ko. Sana pala inilabas ko sa maleta 'yong scarfs na rinegalo sa 'kin ni nanay Carlotta noong nakaraang pasko.

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum