Prolouge.

20 0 4
                                        


Beauty or Brain? Why don't have both? Sa totoong buhay hindi sapat na maganda kalang , kailangan mo ng utak , at ang kagandahan? Hindi din basehan ang kagandahan sa uri ng tao , hindi lang panlabas ang sakop ng kagandahan , ngunit maging ang kalooban.

Nandito ako ngayon naglalakad papasok sa Valley High , nasa akin ang atensyon halos- lahat ng studyante dito.

Sanay na ako dahil kilala ako bilang Ms. Valley High **** , kasama sa isang dance troupe ,at isang Highschool Sweetheart.

Tinitignan ko ang mga taong nakapaligid sa akin, may nakangiti at may galit pero ginagantihan ko nalang sila ng isang matamis na ngiti.

"Hi Ashley!" bati ng mga nakababatang studyante sa akin .

Ashley Ava (ey - va) Cabrera , that's my name.

"AVAAAAA!" napalingon ako dahil sa malakas na pagsigaw ng tao sa likod ko.

"Lana! I told you, don't call me by that name." bulong ko at inirapan ko siya.

"By the way , Where's Cass?" tanong ko habang naglalakad patungong cafeteria.

Maaga kaming pumapasok para maka-tambay muna sa cafeteria at para hindi makipag sabayan sa sandamakmak na studyante ng Valley High.

"Nandito na rin siguro yon." at tama nga siya dahil may boses na umalingawngaw sa cafeteria.

"GOOD MORNINGGGGG!!!" sigaw ng bestfriend kong tila may sira sa utak.

Tumakbo siya sa table namin at umupo.

"Ang ingay ha..." sarkastikong sabi ko.

"Sareeh." nilabas ko ang cellphone ko at nag-selfie kasama ang mga hyper kong kaibigan.

"Ms. Sweetheart, anong plano niyo sa darating na event?" tanong ni Lana tungkol siguro sa dance troupe.

"I don't know , kpop dances again siguro." sabi ko at pinost ang picture namin sa instagram na may caption ' w/ them , again'.

My bestfriends are minding their own business , kaya nagpalingon lingon ako sa paligid.

Malaki at maganda ang Valley High kaso puro events nalang ata ang ginagawa namin every week , kaya bilang lang araw ng klase sa buong buwan.

Nanlaki ang mga mata ko nang may nakita ako.

'What was that?!' una kong nasabi sa isip ko.

"Lana , Cass , may pupuntahan lang ako , take care of my bag." sabi ko at nagmadaling nagtungo sa likod ng cafeteria.

May nakita kasi akong isang grupo ng babae at lalaki  na may hinihilang isang studyante.

And I know what's going to happen next.

Nagmadali akong tumakbo patungo sa lugar kung saan ko sila nakitang papunta, at tumambad sa akin ang isang lalaking naka salamin, nakakalat ang libro sa sahig at lukot- lukot ang damit habang iniinda ang sakit na nararamdaman niya.

"Hey Ashley , anong ginagawa mo dito?" tanong ni Mark ang leader nila.

"Bitawan niyo siya , and sa tingin niyo ano  ang ginagawa niyo?!" mariin kong tanong sakanila.

"Whoa , whoa , whoa , Sweetheart , kilala mo ba 'tong loser na to? " natatawang tanong ng isa pang lalaki.

"Yes I know him , and hindi siya loser , kaya bitawan niyo siya." inis kong sabi , kahit hindi ko naman talaga kilala ang lalaking ito.

Agad din namang binitawan ng dalawang lalaki si 'guy' kaya agad din siyang sumalampak sa sahig.

"Umalis na kayo dito." sabi ko habang tinitignan ang mga mukha nila.

"Ano bang problema mo Ash? Hindi ka naman ganyan dati." naka kunot - noong tanong ni Janelle , ang kilala bilang pagiging bully sa mga baguhan dito sa school namin.

"Just.Leave.Us.Alone , walang makakaalam ng ginawa niyo dito kaya umalis na kayo." sabi ko at isa - isa na silang umalis pero sinisipa o tinatadyakan muna nila si 'guy'.

Nang makaalis sila ay tinignan ko ang lalaking nakaupo sa sahig habang hawak - hawak ang tiyan niya.

Gusto ko sana siyang tanungin kung ayos lang siya kaso halata namang hindi.

"Bakit nila ginawa yan sayo?" tanong ko sakanya habang naka halukipkip.

Hindi niya ako sinagot pero nakayuko lang siya , umupo ako para maging kalebel ko siya.

"Hmmm , okay . Tara sa clinic. " sabi ko pero hindi pa rin niya tinataas ang mukha niya.

"A-ayoko , d-dito n-na lang a-ako." nauutal niyang sagot.

"No , I insist." sabi ko at inalalayan siyang tumayo.

Kaya pala , ngayon kolang napagtanto ang sagot sa tanong ko kanina , kaya pala binully dahil nerd.

Kapag nerd talagapinag-iinitan nila kahit wala namang ginagawa sakanila , ganyan sila kabored.

Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang makapunta kami sa clinic.

"Anong nangyari sakanya?" tanong ng nurse.

"P-pinag------" hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng pinutol ang pagsasalita ko ng lalaking ito.

"N-nadulas l-lang po." palusot ng lalaki.

Stupid , nadulas pero may dugo ang labi at namimilipit sa sakit ng tiyan.

Tinignan, at inirapan ko siya dahil sa walang kwenta niyang sagot.

Umalis ang nurse dahil may kukunin daw siyang panggamot kay lalaki.

"Stupid , bakit hindi mo sinabi?" inis kong tanong sakanya.

"A-ayaw ko nang g-gulo." sagot niya habang nakahawak parin sa tiyan niya.

"Whatever , I'm going now." sabi ko at tumayo na sa kinauupuan ko , palabas na sana ako ng hinigit niya ang kamay ako.

"What?" nagtataka kong tanong sakanya.

Hindi parin siya nagsasalita pero alam kong may gusto siyang sabihin.

"Ano ba? 5 minutes na lang class kona---"

"S-salamat, A-ashley." sabi niya na parang nahihiya.

"A-ah sige , welcome." sabi ko at inalis ang kamay niya sa kamay ko at mabilis na tumakbo palabas.

Nasa gitna na ako ng paglalakad nang nilingon kong  muli ang clinic sa hindi ko malamang dahilan.

"Salamat , Ashley." ulit ko sa sinabi niya kaya napahawak ako sa dibdib ko dahil sa nararamdaman kong matinding kaba.


End of Prolouge.

<3


Unimaginable Love.Stories to obsess over. Discover now