Dumating si Amien sa kanilang high school reunion nakasuot ng bistidang pula, porselas sa mga braso, at may dala-dalang maliit na bag na punong-puno ng mga kolorete at bente pesos na lukot-lukot pa.
Napansin si Amien na mukhang asensado na ang mga ka-batchmate niya tila nalulunod sa mga maayos na porma at payabangang usapan ng mga ito. Hinanap ni Amien ang kanyang mga kakilala at naging kalapit niyang mga kaklase pero napagtanto niyang hindi siya pala-kaibigan miski isa ay wala siyang nakahalo-bilo o nakausap tanging sarili niya lang ang kanyang kilala simula ng taon ng pag-aaral niya sa hayskul. Dahil siguro sa isang kakaibang nagawa niya na hindi malilimutan ng eskwelahan
Parang isang halaman ang kanyang dating sa reunion na naganap tila mga pagkain at lobo lang ang kanyang kasama. May isang himala ang nangyari sa kanya may lumapit sa kanya na isang ka batchmate niyang nag-ngangalang lucio, sabi ni lucio na may hatid na ngiti
"Uy kumusta ka na Amien?"
"Ito mabuti naman, nakakatawa lang na kinausap mo ko"
"Oh bakit naman? Masama bang kausapin at kumustahin ka?"
bigla na lang napangiti si Amien sa kanilang kumustahan.
Tanong ni Amien "anong seksyon mo dati? At tsaka paano mo naman ako nakilala sa pangalan ko e miski isa walang kumakaibigan sa akin" .
Hindi sumagot ng bahagya si Lucio at inaya niyang sumayaw si Amien.
Pumayag naman si Amien na isayaw siya sa tugtugin na sumikat nung sila'y hayskul pa. todo giling ang iilan, may iba nalalasing sa kanilang mga kilos at kung saan-saan na humahawak sa kanilang kapareha sumayaw, may iilan din na hindi marunong sumayaw na bara-bara lang.
Tinapik ni Amien si Lucio sa kanyang balikat at muling nagtanong
"Uy nakalimutan mo na ata yung tanong ko sayo"
Hinatid ni Lucio si Amien palabas sa entablado at dinala sa veranda.
"Ang seksyon ko dati ay acacia"
Nagulat si Amien sa sagot ni Lucio
"Edi kilala mo pala yun"
Napansin ni Lucio na may peklat si Amien sa kanyang kaliwang pulso. Naiintindihan niya kung bakit naglalagay siya ng madaming porselas sa kanyang kaliwang kamay.
"Ah, Amien, yung kaliwang kamay mo ba ay?"
"Huwag na nating pag-usapan pa ito Lucio. Kinalimutan ko na ang nangyari dito"
Unti- unting lumamig ang kanilang pakikitungo sa isa't isa
Pero hindi hinayaan ni Lucio at sinabi
"Hayaan mo na iyon amien matagal na yun alam ko naman kung ano ang totoo sadyang napangunahan lang ng iba"
Lumabas si Amien ng veranda at pinagtitinginan ng mga ka-batchmate nila at may naririnig siyang mga salitang hindi magaganda tulad ng dating sinasabi nila noong hayskul pa sila.
Hinanap siya ni Lucio at nakita niyang naglalakad palabas si amien at sumigaw
"Amien sandali".
Tumigil si amien at hinintay makalapit si Lucio
"Bakit mo pa ako sinundan? Diba dapat nagsasaya ka ngayon?"
Tugon ni lucio. "Amien may ipagtatapat ako sa iyo"
Tila may pagkalito napipinta sa mukha ni Amien
"Ano iyon Lucio?"
Dinala ni lucio si Amien sa kanyang sasakyan at sinabi
"Amien, naalala mo yung gabing iyon? Simula ng nangyari sa inyo ni Anthony".
DU LIEST GERADE
Rikna
SonstigesHindi lahat ng bagay ay may katapusan, hindi lahat ng bagay ay may magandang simula. Ang istoryang ito ay nagpapakita ng kahalagahan sa buhay ng bawat isa. Dito matutuklasan ang buhay ng isang sinumpa at ang babaeng papasok sa mundo ng kasalanan. Sa...
