“Again, Amber was my stupid ex. I broke up with him 2 years ago. He cheated on me.” Tiningnan niya si Red nang masama. “Kaya sobrang galit ako noong panahong nalaman ko na may babaeng malapit mong...”

Napatigil si Katleya dahil nahihiya itong ituloy.

“Malapit kong maka-s*x?” pagpatuloy ni Red.

Namumula ang mukha ni Katleya sabay tango. “Yes. Kasi akala ko, nangyari rin sa iyo ang nangyari kay Key noon. Ang mas malala, kitang-kita ng dalawang mata ko ang hubo’t hubad na babae na nakapatong sa kanya noon.”

“Naipasok ba?” tanong ni Red.

Nahampas ito ni Katleya. Hindi siya sanay na magtanong nang ganoon ang kasintahan niya.

“I don’t know. Ang sigurado ako ay nakita ko ang babae na gumiling sa ibabaw niya.”

“Kinausap mo ba siya after nang nangyari?”

“I left a message tapos blocked na.”

“Napakinggan mo ba ang side niya?” tanong ni Red.

“Para saan pa? Kitang-kitang ng dalawang mga mata ko.”

“Kitang-kita ng dalawang mga mata mo, pero hindi ka sigurado kung pumasok?”

“Pumasok o hindi. Iyon pa rin iyon!” sagot ng dalaga sabay titig nang masama rito.

“W-wait, huwag kang magalit. Pakinggan mo muna ako. What if katulad lang ang nangyari sa kanya ang nangyari sa akin? Maybe he’s victim too. Sa nakita ko sa mga mata niya kanina, gusto ka niya talagang maka-usap.”

“Para saan pa? Nasa akin ka na. Secured na ako sa iyo,” ani Katleya.

Napangiti si Red. “Pinakilig mo ako sa banat mo. Yiiiii. Pero Kat, give him a chance to explain.”

“No. Final answer. Ayaw ko siyang maka-usap. And please, ’wag mo na lang ipagsabi kina Blue ang tungkol sa amin ni Amber, ha? Last time kasi, they asked me kung may boyfriend na ba ako, ang sinabi ko sa kanila, oo, pero naghiwalay kami dahil sa ganito, ganyan at pumunta na ito sa America para roon tumira. To cut the story short, nagsinungaling ako sa kanila.”

“Okay, we will keep it a secret. Pero hindi mo ba talaga siya papatawarin? Gaya nang sinabi mo na nandito na naman ako. Wala na akong dapat ipangamba pa sa inyo. Secured din naman ako sa iyo.”

“I’m not ready.”

Inakbayan ito ni Red. “I will respect your decision. But I hope, someday, matuto ka ng magpatawad.”

Hinawakan ni Katleya ang binti nito. “Salamat sa pag-intindi.”

“Oy,” pagrereklamo ni Red.

“Ang serious kasi natin. Kumain na tayo muli, bumalik na ang gana ko,” si Katleya.

“Salamat naman. Sayang iyong kinuha ko roon. Marami pa naman iyon.” Hinila na ito ni Red. Hindi rin halata na gutom na ang binata. “Bilis, Kat.”

•••

Hapon na at napagdesisyunan ni Red na makipag-usap kay Amber. Pumunta siya sa registrar at hinanap ang files nito. Nang tagumpay niyang nakita, nagmamadali siyang pumunta sa department ng lalaking pakay niya. Pagpasok niya sa gusali, sinalubong siya ng tili ng mga babaeng kinikilig sa presensya niya. Nginitian ito ni Red kaya lalong nagsigawan ang mga kababaihan. Ang iba, nagsipagtalunan, nagsipaghampasan, at hindi makagalaw dahil sa pagkamangha.

Dumating na si Red sa huling palapag kung saan makikita ang section na kabilang si Amber. Isa-isa na niya itong tinitingnan, at sa bawat pagsilip niya, sigaw ang sumasalubong sa kanya. Sa taglay na kaguwapuhan nito ay maraming nababaliw sa kanya. Napangiti ang binata nang makita ang section na kinabibilangan ni Amber. Pumunta siya sa gilid ng pinto at isinandal ang likod dahil may klase pa ito. Nakapamulsa pa siya at ang lalim ng iniisip. Minuto ang lumipas, natapos na ang klase ng lalaking hinihintay niya. Inayos na ni Red ang kanyang sarili. Sakto naman na ang unang lumabas ay si Amber.

FATED TO F*CK YOU✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt