Hindi ko napansin na may doorway pa pala roon sa dulo at nang takbuhin ko iyon upang tignan kung saan iyon patungo ay mas lalo akong namangha nang makita ko na may isa pang malawak na kwartong kunektado roon.

Halos malaglag ang panga ko habang pinapasadahan ko ng tingin ang silid, kung saan naroon ang mga musical instrument ng banda. Nakaset-up iyon ng maayos sa isang maliit na stage. Drumset, keyboard, Tatlong electric guitar at isang acoustic. Sa harap ng stage ay may malaking flatscreen TV at itim na leather L-shaped sofa.

Binuksan ko ang isa pang french door sa likod ng sofa at muli akong namangha ng ilahad nito sa mga mata ko ng veranda na ang katapat ay ang malawak na lawa, napapalibutan iyon ng matingkad na luntiang bermuda grass ng golf course. Napakaaliwalas ng paligid.

Humawak ako sa puting railings at napapikit habang sinasamyo ang hangin. Bigla kong namiss ang Ashralka.

Sobrang ganda ng lugar na ito, para maging tambayan. I wouldn't mind staying here forever. Pero para sa kanila, lugar lang ito para magpalipas ng oras.

Pagbalik ko sa bungad ng silid ay nakikipaglaro na ng billiard si Code at inaasinta niya ang puting bola, sa palagay ko'y ang green na bola ang target niya.

Seryoso ang mukha ni Code habang naka-bend ang katawan niya. Binasa niya pa ng dila niya ang kanyang labi. Ang gwapo-gwapo ni Code.

Kinagat ko ang ibaba kong labi, kasabay 'non ang pagtira niya sa bolang puti na tumama sa edge ng billiard board. Nagbounce ang bola patungo sa direksyon ng kulay green na bola at dahan-dahang gumulong naman ang bola patungo sa butas.

Napapalakpak ako nang mashoot iyon.

Lahat ng ginagawa ni Code, sobrang nakakamangha sa paningin ko.

Nakangiting tumayo naman ng tuwid si Code at nakangiting tumingin sa akin habang sumesenyas siyang lumapit ako sa kanya.

Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Hawakan mo." aniya habang ibinibigay sa akin ang cue stick.

"H-Hindi ako marunong."

"Tuturuan kita." nakangiting sabi niya.

"A-Ayoko. Hindi ko kaya."

"Tsk!"

Napatingin ako kay Chard na hindi naipasok iyong bolang gusto niyang patamaan. "Sayang!" dagdag niya pa.

Nakita ko namang ngumiti si Code at saka inikot niya ako patalikod sa kanya.

"Code!"

"Bend over, baby." namamaos na bulong ni Code sa akin.

Hinawakan ni Code ang baywang ko habang nasa likod ko siya. Inayos niya ang form ng legs ko at napalunok ako nang para bang napaso ako sa pagdikit ng dibdib ni Code sa likod ko.

Bumibigat ang paghinga ko dahil ramdam ko siya sa likod ko. His hard rock length inside his pants, poking me in the ass.

"I'll just guide you." aniya at saka itinutok niya ang cue stick sa puting bola.

"Tatamaan natin iyong blue at itutulak 'non iyong orange na nasa bungad ng butas." ani Code.

"Kaya natin iyon?" nagtataka kong tanong.

"Of course." confident na sabi niya at saka hinalikan ako sa tenga.

Kinilabutan ako sa halik niyang nakakakiliti. Parang tumayo ang mga balahibo ko sa malambot at mainit niyang labi at hininga.

Ang awkward ng posisyon namin, nahihiya ako sa ibang members ng Downtown na nakatingin sa amin ni Code.

"Relax." ani Code.

Kahit Konting Pagtingin (Book 2 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon