Let Me Be The One (Beginning and Ending 5)

1.1K 33 4
                                    

Flashback Continuation...

.

.

.

.

.

VIC'S POV

Andito na ako sa flower shop para kunin ang bouquet na ibibigay ko kay Mika. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung dahil sa excitement para kasing iba. Yung feeling na parang may manyayare na hindi maganda. Sana feeling ko lang to. Lalabas na sa ako sa main door ng flower shop ng sa di ko malamang dahilan biglang naisipan kong sa likod na lang dumaan. Di ko alam bakit dito sa back door ng shop ako dinala ng aking mga paa. Ng makalabas ako may naaninag akong dalwang tao, siguro couple siguro na mukhang may pinaguusapan.. Hindi nila ako napapansin. Lumapit pa ako hindi para makichizmiz kundi para sana magpahangin at tanggalin ang kabang nararamdaman ko. Sa hindi inaasahan ay narinig ko ang kanilang usapan. At mas kinagulat ko ang mga pamilyar boses na naririnig ko.

""Miks ano ba talaga ako sayo? Ano ba ang real status naten?"

"Je, mahalaga ka sakin alam mo yan"

"......blah blah blah blah..."

Gusto kong mabibingi sa pinaguusapan ng dalwang taong nasa aking harapan, ngunit sa aking pandinig ito'y pilit umaalingawngaw. Gusto kong maiyak sa mga naririnig ko, pero pilit kong pinipigilan..

"Mahalaga nga lang ba? Kase iba eh, ramdam kong mahal mo din ako. Pero you choose her over me. Nasasaktan na ako"

"Hindi ko alam jeron. Mahal ko si Vic.. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko...

Mahal mo pa ba nga ba talaga ako Miks? Bakit kelangan mo maguluhan kung mahal mo ako? Bakit miks? Luha please wag kang papatak..please.........

"Miks! Dinideny mo kasi sa sarili mo yang nararamdaman mo saken kaya hindi mo maintindihan. Bakit di mo hayaan yang nararamdaman mo para maintindihan mo? Tulad ng pagseselos mo when I am with other girls lalo na kung alam mong may gusto saken. Yung mga messages and actions mo. Hindi ka naman magkakaganun kung hindi mo ko mahal di ba?"

" Kasi Jeron, mahal ko si Vic. Hindi ko pwede hayaan to dahil mali to. May relasyon kami kaya mali to"

Mali miks?? Pero ginagawa mo? Bakit nga ganun mga actions mo? Mahal mo na ba sya? Simula pa ba nung una may nararamdaman ka na ba sa kanya, sya dapat ba ang pipiliin mo nung dati pa? ( ang luhang kanyang pinipigil ay kusa ng kumawala)

" blah blah blah blah..................,,,"

Ayaw ko ng intindihin pa kung ano pang pinaguusapan nila, gusto ko ng tumakbo at lumayo sa kinatatayuan ko ngunit na pako na ang mga paa ko. Hindi ko na mapigilan pa ang agos ng aking mga luha. Nakatitig lang ako sa dalwang tao na ngayon ay magkayakap.. Hanggang sa hinalikan na ni Jeron ang pinakakamahal ko sa kanyang noo.. Ipinikit ko na ang aking mga mata at sa wakas naigalaw ko ang aking mga paa. Dahan dahan akong umatras, ayoko ng makita pa. Ayoko ng dagdagan ang sakit na nadarama ko. Ng bahagya akong makalayo tumakbo na ako. "Vic takbo! Takbo! Takbo!" bulong ko saking sarili.. Hanggang makarating ako sa isang park.. Napasandal ako sa isang malaking puno. Pilit kong inaalis sa utak ko ang mga bagay na narinig ko at ang sakit na nararamdaman ko. " Mika bakit?? Bakit kailangan maging ganito?? Sa sandaling panahon na wala ako nabaling na atensyon mo sa iba?? Akala ko masaya na ulit tayo? Akala ko lang pala. " Sigaw ko. Ikaw lang mika ang makakasagot sa mga tanong ko, hindi ako magagalit sayo, dahil ayaw kong magalit sayo. Aayusin natin to.. Aayusin naten..
Natigil ang pagiisip ko at ang pagiyak ng tumunog ang cellphone ko... Sinagot ko ang tawag at hindi kaagad ako nakapagsalita..

Love will never lieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon