Ibarra's POV:
Masyadong mabilis matapos ang mga pangyayari. Lalo na ang mga pagkakataong sana mas tumagal at nangyari ng marahan. Di- mahapayang gatang ang mga salitang binitawan ng mga dila para lang sumalungat sa mas masakit pang trahedya. Mas natatakot na masaktan ka pa ng mas malala at natatakot na maiwan kang mag-isa kung sakaling wala talagang tyansa, Maria Clara.
Alam kong masasaktan siya, masasaktan at masasaktan sa alin mang pagpipilian pero pinili kong piliin ang alam kong desisyong pinakamainam para sa aming dalawa at lalong lalo na para sakaniya. Ayoko rin namang maging bagabag pa sa kaniyang looban sakaling ipagpatuloy pa namin ang aming nakasanayang pagmamahalan sa isa't isa. Tutungo lamang kami sa isang trahedyang pareho kaming talo.
Nang makilala ko siya, Isang marilag na dalaga. Nag-audition nga siya sa theater's club. Natuwa ako noong una ko siyang makita. Bakas sa kaniyang mukha ang halu-halong emosyon, hiya, nginig, takot sa unang pagsalang sa malakihang entablado at pagkatuwa siguro sapagkat isa itong malaking pangarap para sakaniya. Ramdam sa kaniyang boses ang pagiging amateur sa loob ng malawak na silid na hindi nga siya sanay sa ambiance na meron dito. Hindi ko alam pero naramdaman kong tila pipiyok siya sa mga susunod na liriko ng kaniyang kinakanta kaya't bigla akong napatayo at sumabay sa himig ng kaniyang musika. Alam nila ginoong Sanchez at iba pang mga instructor na katabi ko sa panel of judges ang nangyayari kayat bahagya silang napangiti sa akin. Nagpa-umanhin na lamang ako sa mga manonood at dahan dahan na siyang umalis. Maria Clara, ang first name na nakalagay sa information slip niya. Nakalagay din sa maliit na kuwadradong papel ang kaniyang numero sa telepono na agaran kong ini-save sa aking cellphone.
Bawat judge ay pipili ng 10 kalahok na naibigan nila sa higit 140 na auditionees para sa theater club. Bale lima kaming mamimili at isa akong student kasama ang 4 na college instructors na siyang namamahala't sumusuporta sa club na ito. Ako nga ang club president sa teatrong ito. Isa si Maria Clara sa mga isinulat kong nakapasa sa audition dahil na rin sa magandang timbre ng kaniyang boses, mainam na ekspresyon ng emosyon at marikit na imahe. Ewan ko pero napakarilag niya sa paningin ko kaya't lalo akong nabubuhayan sa tuwing masusulyapan ko siya sa campus kahit na hindi siya napapatingin sa gawi ko.
Dumating ang Buwan ng Wika sa university at inanyayahan kaming magkaroon ng isang theatrical play ukol sa temang nakapaloob para sa event. Pinapili ako ng mga miyembrong bibigyan ng kaganapan sa act na gagawin at sino-sino ang magiging ekstrang mananayaw at mang-aawit ang gagampanan. Giniit kong bigyan rason ng mga taong ipinalooban ko ng mga gagampanan upang hindi maging "biased" sa iba. Maliban nalang sa napili kong main character na babae, si Maria Clara na lubos na ipinang-aasar at pinambibiro sa akin ng mga kapwa ko senior sa teatro. Bakit ko nga ba raw siya pinili at napakarami nga namang maari ring gumanap sa role na iyon. Hindi ko rin alam pero sa isip-isip ko'y tila babagay nga siya sapagkat ako rin naman ang main character na lalaki sa act na sa totoo lang nga ay biased talaga kung titignan. Natatawa't natutuwa na ngal ang din ako sa aking sarili sa mga pagkakataong iyon. At sa bawat rehearsal, pagsasanay, ay palagi ko siyang nakakasama. Tila ba napakagaan ng loob ko sa tuwing kasama siya. Corny man siguro pero iyon talga ang nararamdaman ko sa tuwing alam kong nariyan ang kaniyang presensya.
Sa patuloy na pagssasama namin sa teatro, mas kilala na nga namin ang isa't isa at lumalabas din kami, date rito at date roon. Kung titignan nga ay tila mag-syota na nga kami. Syota. ika nga, short cut para sa "syort" "taym". Totoo nga siguro iyon kasi napaka ikling oras lang ng lumipas ay hindi ko akalaing gagraduate nako. Kasabay naman non ay ang pagdating ng malubha kong karamdaman. Isang buwan pa, siguro nama'y sure na na ggraduate ako. Kaso nga lang may isa pa akong subject na incomplete. Mukahng hindi na aabot kase terminal ill na ang sakit ko. Sinabihan na rin ako't tinaningan ng mga doktor. second opinyon. third opinyon. Lahat ng nakuha namin sa pagbabakasakali ay hindi na ako aabot ng isang taon para mabuhay. Ang unang sumagi sa isipan ko, kung sasabihin ko ba sakaniya? Sinabi ko nalang sa mga magulang ko na huwag na huwag ipagsasabi kahit kanino ang karamdaman at kalagayan ko. Bakit ganoon? Bigla nalang dumating? At bakit ngayon pa? Kung kailan tila ba napakasaya na ng mga nangyayari sakin ay biglang mauudlot ito't ilalayo sa akin.
Na-diagnosed ako noon pero hindi sila sure kung ito ba ay dementia o alzheimer's disease few years back. Pero ngayon, sigurado na silang dementia ito at mas malala sa normal na kaso at biglaang tumaas ang cognitive decline ko dahil na rin daw siguro sa masyado kong pag iisip ng mga bagay-bagay, nagagamit ng husto ang kapasidad ng aking utak. Sinabihan akong mga ilang buwan na lamang ay biglaang babagsak ang aking kalusugan lalong lalo na sa pag iisip. Maaring makalimot ako ng malaking portion ng mga alam kong gawin at mga taong kilala ko. Natakot ako sa kalagayan ko kaya't pinili kong itago ito sa lahat ng kakilala ko. Lalo na kay Maria Clara. Pinili kong lumayo. Nagkubli ng mag isa at linamon ng kaulungkutan. Tila ba sumasayaw ako sa isang silid ng kadiliman umaasang pagbukas ko ng pinto ay liwanag ang sasalubong sa akin subalit hindi. Sa tuwing bubuksan ko ang pinto ay mga magulang kong ubod ng lungkot ang aking nakikita. Kaya't napag isipan kong putulin na lahat ng koneksyon ko na maaring maging sanhi pa ng mas malaking pagpapa-asa't pagiging pabigat sa buhay nila.
Nakipagkita ako kay Maria Clara. Nag-aabang ako noon sa back stage pagtapos ng rehearsal at nagulat ang iba kong kasamahan sapagkat kakabalik ko lang nanaman sa school pagtapos ng pagliban ng ilang linggo. "Hoy, Ibarra.", alam ko nang siya ang tumatawag sakin kasabay ng napakalungkot niyang tinig, nakapamalumanay na tono't tila nanghihingi ng kasagutan sa isang tanong na ayokong pakinggan. "Okay ka pa ba?". Gusto kong umiyak sa harapan niya subalit magmumukha lamang akong mahina. Maaari niya ring mahalata na may itinatago akong malaking bagay sa aking likuran at ayokong isipin niya na hindi siya parte nito kaya't ayoko siyang idamay. Sapagkat sa totoo lang, siya ang malaking parte ng pinagdadaanan ko. Kung mawawala siya ay mawawala ang malaking pasanin na pagpapahirap sakaniya sakaling dumating na ang mga araw na lumala ang sintomas ng aking karamdaman. Ayokong maging pabigat at pahirap sakaniya sa paraang iyon. Kaya't pipiliin ko na lamang lunukin ang mga salitang nais kong bitawan. Kahit na gusto kong manatili siya hanggang sa huli na alam kong gagawin niya'y hindi nalang. dahil sa huli, kung iyon ang aking gagawin, pareho kaming talo. Tila ba isang laro ng puso na kung saan masyado pa siyang bata para sumugal. Marami pa siyang maaring makilala maliban sakin. Na totoo naman. Ayokong manatili siya sa hirap at sa huli'y maiiwan din namang mag-isa.
"Bata ka pa, you'll never be a match for me, our maturity would be a gap that will never close. we definitely should have not tried to be together in the first place."
Napakaraming maaring sabihing mas tama pa pero iyon ang lumabas sa aking bibig. Iyon ang sambit ng mga labing nagnanais lamang ng kapakanan niyang alam kong makabubuti. Hindi ko alam at tila ba nais kong pahabain pa ang aking paglalahad subalit nakiktia ko sa kaniyang ekspresyon ang pagkagulat.
" Siguro iniisip mo kung bakit ko sinasabi sa'yo to. Maria Clara. 'Wag na nating subukan. Wala tayong paroroonan."
Lumapit ako sakaniya ng bahagya. Tila ba hindi parin nagsisink-in sa kaniyang isipan ang mga pangyayari't ang mga sinabi ko sa harapan niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. Napahawak ang kaniyang dalawang kamay sa gitna ng kaniyang dibdib at siya'y napapikit. Natuwa na lamang ako at napangiti. Sana pwede pang manatili kahit na sandali. O sana pwedeng naging ganoon na lamang ang sitwasyon noon pa man. Malapit siya sa'kin. Na para bang amin ang kapaligiran. Ngunit hindi. Maari pa siyang masalba sa pagkakamali ni kupido sa pagpapana. Kaya ko pang ilihis ang direksyon ng tadhana at ako nalang ang sasalo sa galit ng mundo. Ako nalang. Bata ka pa...
After 6 years:
Isa lang ang hihilingin mo pagdating ng isang napakalaking pagsubok, kahit alam mong wala nang pag-asa, kahit alam momng wala nang patutunguhan pa hihilingin mo parin. Himala. Umaasang isang araw bigla nalang mawawala lahat ng pasakit at karamdaman. Handa akong harapin ano man ang kapalit.Naghanap kami ng lunas sa ibang bansa, umaasang hindi pa huli ang lahat. Gusto ko pang mabuhay. Masyado pang maaga para sakin. Andami ko pang gustong abutin. Araw-araw magmula nang grumaduate ako, ito ang binibigkas ng aking isipan. Ito lang ang tumatakbo sa aking utak ng paulit-ulit. Ika nga, "Kung pwede lang, kung kaya lang, kung akin ang mundo." Gusto kong mabuhay pa ng matagal.
Hindi ko naman akalaing magkakatotoo.
YOU ARE READING
If only age doesn't matter
Short StoryGood memories are short-lived. Like short stories tell a lot in a span of a moment. Age gaps sure gaps what could have been more than the boundaries set to them.
