Chased
"Ona! Saan ka pupunta?" kunot noo na tanong sa'kin ni Ann. "Sa cafeteria lang".
"May klase pa tayo" Anas niya. "mabilis lang naman ako e." kahit na ang totoo'y gusto ko lang na makita na maglaro ang hinahangaan kong si Roy Arkiel.
"Basta bilisan mo lang, alam mo namang nakakatakot magalit si Mrs. Abyiangan."
sanay na ako sa galit ni Ma'am Abyiangan dahil medyo mainit na talaga ang mga mata niya sa'kin, siguro dahil masyado kasi akong maganda.
Mabilis akong bumaba galing third floor. Magkasama pa naman sa iisang building na may apat na palapag ang Grade 7 at Grade 9 kung kaya't maingay ito. Grade 9 kasi yung batch na pinaka maingay plus yung mga first year high school pa ang mag kasama.
Nasa tapat naman ng building namin ang building na may apat na palapag din Kung saan magkakasama naman ang Gr. 8 at Gr. 10.
Sa pagitan naman ng dalawang building ay garden na may mga bench at may medyong kalakihan na well at may statwa ng batang Rizal sa tabi nito.
May chapel din sa dulo ng garden at obviously doon ginaganap ang mga Misa.
Excited na akong na mag bakasyon. Nakakatamad na kasing bumangon araw araw para mag aral.
Alam ko naman na mag Isa lang ako sa bahay, which is mas prefer ko.
Lagi naman na wala sila Mom at Dad sa bahay dahil lagi silang lumuluwas pa Manila.
Pero don't get me wrong ha, dahil naiintindihan ko naman Kung bakit kailangan nila umalis dito sa Laguna at lumuwas, Para sa amin din naman ang pagtatrabaho nila.
Buti na lang nandiyan si Roy, ang inspirasyon ko. Minsan nga naisip ko na masyadong maharot ang pag-iisip ko kumpara sa pag-iisip ng mga normal Grade 7. Except na din kay Ann dahil hindi normal ang pag iisip niya. Napatawa ako sa iniisip ko.
Pagkadating ko sa Quadrangle ay naririnig ko na agad ang hiyawan ng mga nakakalokang Senior High.
"Go! Arkiel!" napatingin naman agad ako dun sa chinkinitang babaeng Kung makasigaw ay halos lalabas na ang lalaugan. Hmp.
Patapos na ang laro nung pag dating ko Kung kaya't sinilip ko na lang si Roy.
Tagaktak ang pawis niya sa leeg at batok. How can someone be that hot and handsome at the same time. Nasa tamang lugar ang muscles niya. Nakakawindang.
Natapos na ang laro at agad silang nagdiwang sa pagkapanalo ng School namin. Nagtatawanan sila ng mga ka-team nila sa gitna ng quad ng may Biglang lumapit na babae Para mag abot ng tubig.
"Roy, para sayo" namumulang mukha na inabot nung mapapel babaita yung tubig kay Roy. "Thanks." cold naman na Pasasalamat ni Roy.
Nagtatawanan namang inaasar ng mga tropa niya si Roy.
"Nakakainis" bulong ko sa ilalim ng ang aking hininga.
Kinapa ko yung bulsa ko para hanapin yung panyo ko. Desidido talaga akong iabot yun kay Roy para mapansin niya naman ako.
Nung nakapa ko yun ay agad kong kinuha. Papunta na sana ako sa gitna ng Quad, ng may Biglang humila sa'kin.
"Hoy! Kanina pa kita hinahanap, natapos na ang English subject wala ka pa rin" galit na hinila ako ni Ann palayo sa crowd.
"uhm, nalibang lang ako sa panonuod ng laro" palusot ko.
"tsk, galit na galit nanaman sayo si Mrs. Alcantara. Lagot ka nanaman dun" usal niya.
"Hayaan mo na yun. Sanayan lang yan" tawa ko.
"Nagagawa mo pang tumawa diyan, pag ikaw binagsak nun tingnan natin Kung makatawa ka pang loka ka" pairap niyang sabi.
Buntong hininga na lang ang sagot ko dahil alam ko naman na Keri ko yung English.
Bumabawi na lang ako sa Academics dahil ang tigas daw ng ulo ko.
"Bahala ka nga diyan Liona, If I know gusto mo lang makita si Roy." panloloko niya.
"Samahan mo nga ako mamaya, Ann" pangungusap ko
"Saan naman lukaret?" pagtaas ng kilay niya.
"may ipapabigay lang ako sayo para kay Roy. Please?" pag mamakaawa ko.
"hmm..." may pagdududang tingin sa akin ni Ann.
"Sige na nga, pero pag hindi niya ulit tinangggap ay tumigil ka na ha, nagtataka ako Sayo dahil parang gusto mo pang sobrang masaktan" pag tukoy niya sa unang pagkakataon na nag bigay ako ng letter kay Roy at nilagpasan niya lang ako.
Ang hindi niya alam ay Mas gusto kong masaktan ng sobra ng sa ganon ay mas madali mag hilom ang sakit.
