Chapter TWENTY-FIVE

Start from the beginning
                                    

"sinasabi ko na nga ba at nandito ka na eh" pukaw ng isang maarteng tinig na kahit hindi ko pa nakikita ay kaagad kong nakilala.

It was Alice.

Nilingon ko ito at kinunutan ng noo didn't even bother kung mapansin niyang nadismaya ako sa kanyang presensya. "anong ginagawa mo dito? Hindi ba at sabi kong umuwi ka na?" paninita ko ng tuluyan na itong makalapit at umupo sa aking tabi.

She hissed , padaskol nitong inilapag ang sariling gamit sa sementadong lamesa na nanduon atsaka bumaling sa akin na hindi maipinta ang pagmumukha.

Umirap ito.

"hindi ako tanga para pabayaan ang kaibigan kong sumama sa warfreak na iyon" pagsinghal nito. she's obviously referring to Dani. At base sa kanyang reaction ay hindi talaga humupa ang disgusto nito sa tao kahit na nga ba ilang beses ko ng ipinaliwanag na baka nagmamagandang loob lamang ito.

"kahit naman naiinis ako sa mga pinag-gagawa mo this fast few days ay hindi naman kita matitiis na mag-isang hanapin si Rush" pagpukaw nito sa akin habang pinapagpag ang kanyang mga hita na animo inaalis ang kung anumang mikrobyo.

Kapagdaka'y lumingon ito sa akin. "isa pa, nangako ako sayo hindi ba? " dugtong nito na kapansin-pansin ang malumanay na tinig sa huling tinuran.

Bahagya akong napangiti and didn't react when I remember her promise.

"pero maiba ako "pukaw ng aking katabi "have you heard anything about Clay?" she ask's with voice full of curiosity.

Ang ngiting bumalatay sa aking mukha ay kagyat na nawala ng marinig ang pamilyar na pangalan.

Humupa naman na ang pagka-inis ko sa taong tinukoy nito pero sa hindi malamang kadahilanan ay naghatid ng kakaibang kaba ang pagbanggit ni Alice sa pangalang iyon.

I pause for a while at umiling " wala na akong balita sa kanya" matipid at diretso kong sagot sa kaibigan kasabay ng pagbaling ng tingin sa di-kalayuan.

Alice didn't say anything which cause me to shift back my gaze to her, only to creased my eyebrow dahil sa ekspresyon ng kanyang mukha. "why Alice? did you know anything?" pag-usig ko still puzzled by the unfamiliar looks on her eyes.

Natigilan ito at alinlangang tumingin sa akin bago nag-iwas ng tingin " w-wala n-naman" she response with her crack voice.

"n-nga pala, a-anong oras ang u-usapan niyo ni D-Dani" bigla nitong pag-iiba ng topic na aking nahalata.

Dumiretso ako ng pagkakaupo at mariing tumitig dito. "spill it, Alice" direkta kong utos dito, totally disregard her question.

She paused and then throw me a fake smile "spill what?" pagmamaang-maangan nito.

"oh, come on. I don't buy it. You know how stubborn I am so you better tell me whatever it is that your holding"

Umiling-iling ito, tumingin sa kawalan and bite her lower lip as if trying to suppress something.

"ano?" paghahamon ko sa naiinip na tono while staring at her intently.

Anak ng tokwa! Ano bang nalalaman nito tungkol kay Clay na ayaw niyang sabihin?

From the way she reacted, it's obvious that there's a reason kung bakit out of the blue ay naitanong niya ang babaeng iyon.

Bumuntong hininga siya ng malalim at humarap sa aking gawi. "Okay" I heard her surrender.

Hinawakan pa nito ang magkabila kong kamay na naghatid ng hindi maipaliwanag na kaba.

I didn't react and just wait for her next sentence ng hindi kumukurap.

Enclave Series 1 : Rush Villanueva (GxG)Where stories live. Discover now