Prologue
Hailey's POV
Meet Raiko Craige kilala bilang isang
badboy at leader ng The black warrior gang, kinakatakutan siya sa buong campus ng westview academy highschool dahil kung sino man ang kumalaban sakaniya ay mas gugustuhin na lumipat nalang ng ibang school, nag-iisa siyang anak ng family craige ang pinaka sikat at mayaman na pamilya dito sa pilipinas, kaya lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Kung i-describe ko siya, matipuno ang kaniyang katawan, gwapo, medyo mayabang, may 6 packs abs, womanizer, laging naka poker face at maputi
"Waaaa! andyan na sila!" tili nung babaeng studyante dito kaya naman nagsitilian at nagsitakbuhan na lahat ng studyante patungo sa hallway, as usual sino paba ang mga tinitilian nila? edi yung grupo/mga kaklase ni raiko, 12 silang lahat
"Hailey, halika na dali" kinikilig na saad sa 'kin ng aking kaibigan na si eunice montelfalco. Hinila niya na ako at nakipagsiksikan sa mga kababaihan na nagkakagulo at naghihiyawan
"Excuse me, dadaan kami" kinikilig na saad ni eunice habang nakikipagsiksikan sa mga kababaihan dito
Raiko! akin kana lang!
Akin nalang kayong lahat! waaaaa!
ayan yung mga tilian ng ibang mga kababaihan dito, huminto kami medyo malapit sa gawi nila raiko, tinanggal ni raiko yung shade niya, grabe bakit parang lalo siya gumwapo? aish! napailing nalang ako sa iniisip ko, ano si raiko pogi? pwe! saan banda, napaatras ako ng bahagya ng magkasalubong yung mga tingin namin, grabe nakakatakot talaga siya tumingin, para kang kakainin ng buhay. Napalunok nalang ako at nagmadaling umalis papunta sa room, narinig kong tinatawag ako ni eunice pero hindi kona siya pinansin, 1 week palang ako nag-aaral sa school na 'to naalala ko nanaman tuloy yung unang pagkikita namin ni raiko
Naglalakad ako papasok ngayon sa bagong school na pag-aaralan ko, kakauwi lang namin galing states... Napag desisyonan kasi nila mommy na dito nalang daw kami tumira, para daw mas malapit sa mga bahay ng mga kamag-anak namin, at miss na miss na daw ni mommy yung philippines, nagtataka siguro kayo kung bakit marunong ako mag tagalog mwehehe! nung nasa states pa kami nakatira, tinuturuan na ako ni mommy mag tagalog, kaya 'yon natuto nako HAHAHA, habang naglalakad ako sa hallway lahat ng mga studyante ay nakatingin sa 'kin at nagbubulungan, kaya naman yumuko nalang ako kasi nahihiya ako
Boggshh!
napahawak nalang ako sa pwet ko ng mapa-upo ako bigla sa sahig dahil nabangga ako sa isang matigas na bagay, pag-angat ko ng tingin, sumalubong sa 'kin yung mukha nung lalaking seryosong nakatingin sa 'kin kaya medyo napalunok ako. Nakakatakot kasi siya
"Stupid!" saad niya at nilagpasan na ako, ano 'yon? ganun-ganun nalang 'yon. Hindi manlang siya mag sosorry sa 'kin? argghh! napakasuplado, pogi nga ang sama naman ng ugali. At sa 1 week na 'yon alam kona lahat-lahat kay raiko, dahil sa madaldal kong kaibigan na si eunice
ayan ang una namin pagkikita ni raiko sa school na 'to nakakainis diba? ng makarating ako sa room, pumasok na ako at umupo na sa upuan ko sa bandang dulo, napasandal nalang ako dahil sa hingal, hindi ko alam kung bakit ako tumakbo. Ng magkasalubong yung mga tingin namin dalawa, aish! nababaliw na ata ako, maya-maya dumating na si eunice kasunod ng mga kaklase namin
"Gosh! hailey, why did you run? and why did you leave me there?" bungad sa 'kin ni eunice at umupo sa tabi ko
"H-ha? wala lang... Ang ingay kasi doon kaya pumunta nalang ako dito" pagdadahilan ko, sana umeffective
tinignan niya ako na para bang sinusuri, deretso lang akong nakatingin sakaniya, huminga siya ng malalim at umayos ng tingin sa 'kin "Hmm, ok" tapos bigla siyang tumili hay, 'to nanaman tayo "Grabe bes, ang pogi talaga ng mga kaklase ni raiko, lalo na si raiko, grabe napaka perfect niya, pagyag ako maging katulong niya basta makita ko lang siya araw-araw at makasama!" tili niya, napairap nalang ako sa hangin, tsk! pogi nga ang sama naman ng ugali, wala din. Nakahalumbaba lang ako sa lamesa ko habang 'to namang katabi ko, kwento ng kwento tungkol kay raiko. Tumigil siya kakwento niya ng dumating na yung first subject namin na si ma'am velasco
"Goodmorning class, gusto ko lang sabihin sa 'nyo na may bago kayong kaklase galing sa kabilang section at for sure na matutuwa kayo at gaganahan pumasok araw-araw" nagsimula ng magbulungan yung mga kaklase kong babae, artista ba 'yan? para ganahan kami pumasok araw-araw? kung si ruru madrid magiging kaklase namin, putek mas maaga pa ako papasok kesa sa guard namin dito sa school "Shut up class!" suway ni ma'am sa mga kaklase ko, kaya naman tumigil na sila at umayos ng upo "I want to introduce you to your new classmate" nakangiti na saad ni ma'am sa 'min at tumingin sa labas ng pintuan namin "Get in here" saad ni ma'am kaya naman nakatingin kami lahat sa pintuan at hinihintay kung sino papasok doon, biglang nanlaki yung mga mata ng mga kaklase ko at parang nakakita ng multo, anyare? nakakainis hindi ko makita kung sino yun, ang tatangkad kasi ng mga nasa harapan ko eh, ang hirap talaga pag cute size ka, nilingon ko naman yung katabi ko, putek ganun din yung reaksyon niya. Sino ba 'yon baka nga artista talaga
"I would like to introduce you to your new classmate, Mr raiko craige" napalingon naman ako sa harapan ko, a-ano daw? m-mr raiko craige? tama ba yung naririnig ko? napailing nalang ako imposibleng maging kaklase namin siya, tyaka bakit naman siya lilipat dito hahaha, kahit kailan 'to si ma'am napaka joker, nagulat ako ng biglang nagsitilian yung mga kaklase kong kababaihan, pero yung mga kaklase ko naman na lalaki, seryoso lang na nakatingin sa harapan
"B-bes? t-totoo ba 'to? kaklase talaga natin s-si raiko?" nauutal niyang saad sa 'kin at humarap sa 'kin na hindi maipinta yung mukha "Bes sampalin mo nga ako" saad niya
"Sure kaba dyan bes?" tanong ko sakaniya
"Oo dalian muna bes" saad niya
"Ayoko, mama——"
"Bilisan mun——"
agad ko siyang sinampal kaya naman hindi niya na natuloy yung sasabihin niya, dahil sa malakas na pagkakasampal ko sakaniya tumagilid yung ulo niya
"Nako bes sorry, ang kulit mo kasi eh, sabi ko naman s——" humarap siya sa 'kin na parang kinikilig
"Bes hindi nga panahinip 'to waaa! kaklase nga talaga natin siya" putek siya lang yung tao na sinampal na ng napakalas nagawa pang kiligin at ngumiti
"Shut up class!" suway ni ma'am sa 'min kaya naman nagsitahimik na sila at umayos ng upo "Pwede kana magpakilala sa 'min" sabi ni ma'am kay raiko
"My name is raiko craige, i'm glad to meet you all" pagpapakilala niya, nagsitilian naman yung mga babae kong kaklase kasama na yung katabi ko, napairap nalang ako
"Thankyou Mr craige, pipili ako ng isa mong kaklase para turuan ka sa mga lesson na hahabulin mo bawat subject" saad ni ma'am tapos nilibot niya yung tingin niya at nagulat ako ng huminto sa 'kin ng tingin si ma'am na may nakakalokong ngiti. Nako wag naman sana ako yung magturo at tumulong sa raiko na 'yan "May napili na ako" dagdag pa ni ma'am kaya naman lahat ng kaklase ko tumingin sa 'kin pati na din yung raiko na 'yon "Ms. hernandez, ikaw ang napili ko para magturo at umalalay kay Mr craige" narinig kong nagbubulungan yung mga kaklase ko at mga umaangal, teka? tama ba yung naririnig ko? bakit ako? nakita kong ngumisi sa 'kin si raiko. Jusme kinakabahan ako sa ngisi niya
To be continued...
YOU ARE READING
Pretend to be Mr badboy's girlfriend (Incompleted)
Teen FictionAre you willing to pretend to be the girlfriend of the person you dislike or not? ............ A/N: Hello guys, I hope you will support me by voting and commenting on each chapter, I promise I will make sure I finish the story I do, to create more...
